CHAPTER 13

373 11 0
                                    

NANG maisara ng dalaga ang pinto ng bahay nila ay agad siyang naglakad papuntang kuwarto niya. Napagod siya ngayong araw at gusto na niyang matulog alas siyete narin ng makauwi siya.

Nang makapasok sa kuwarto niya ay agad niyang inilapag ang mga pinamili niya sa sofa bago pumasok sa bathroom.

Nang lumabas siya ay nakasuot na siya ng pajamas. Pinatay niya ang ilaw leaving only the lamp open. Agad siyang nahiga sa kama niya. Bukas na lang niya aayusin ang mga pinamili niya. Papatayin niya narin sana ang lamp shade niya ng may kumatok. Kaya naman ay tumayo siya at binuksan ang pinto revealing her mother.

"Dinner na,anak"her mother said smiling at her.

"Hindi na po ako kakain mommy busog pa po ako eh"sagot niya.

"Ganon ba,oh sige matulog kana baka pagod kana"sabi ng mommy niya at hinalikan siya sa pisnge bago naglakad paalis. Isinara niya ang pinto at bumalik sa kama niya.Pinatay niya ang lamp shade at tuluyan na siyang nakatulog.

Kinabukasan
Monday

NANG magising ang dalaga kinabukasan ay agad siyang naligo at nagbihis.

Nang makababa siya ay agad siyang umupo sa dining area naroon narin ang parents niya maliban sa kuya niya.

"Umalis na po ba si kuya?"tanong niya at kumuha ng kanin at ulam.

"Oo,marami raw siyang gagawin eh. Hands-on yung kuya mo dahil siya na ulit ang nagma-manage"sagot ng Mommy niya. Napatango na lang siya.

"How are you been lately,anak?"tanong ng Daddy niya. Bakas sa boses nito na nag-aalala siya.

"I'm okay,Dad"nakangiting sagot niya. Ngumiti ito sa kaniya.

"So...kamusta lakad niyo ni Mike?"excited na tanong ng Mommy niya sa kaniya.

"It was fun. Marami kaming pinuntahan eh"sagot niya.

"Mabuti naman at nag-enjoy ka"sambit ng Daddy niya. Ngumiti na lang siya at nagsimula ng kumain. Nang matapos siya ay nagpaalam narin siya at sumakay sa kotse niya at nagdrive paalis.

NAKANGITING nagising ang binata nasa isip parin niya ang naging lakad nila kahapon ng dalaga. Ramdam niyang masaya ito habang kasama siya.

Tumayo siya mula sa pagkakahiga at nag unat-unat bago pumasok sa bathroom at naligo. Nang lumabas siya ay nakasuot na siya ng grey tshirt at maong pants. Kinuha niya ang cellphone niya sa bedside table ng tumunog ito. Sinagot niya ang tawag ng kuya niya.

"Hey,bro"sambit ng kuya niya sa kabilang linya.

"Hey,napatawag ka?"tanong niya at umupo sa kama niya.

"Itatanong ko lang sana kung babalik kapa rito sa US"

"Hindi pa ko sigurado kung babalik pa ko riyan. Baka bumalik lang ako riyan para magresign"

"Bakit?"tanong ng kuya niya puno ng kuryusidad.

"Wala lang"

"Baka naman may nakilala kanang babae diyan kaya ayaw mo nang magtrabaho rito"nanunuksong sambit ng kuya niya. Nang sumagi sa isip niya ang nakangiting si Elise. Hindi niya mapigilang mapangiti.

"Baka ganon na nga"sagot niya. Natawa ang kuya niya.

"Ipaalala mo kina mama na uuwi ako sa August baka makalimotan"sambit ng kuya niya. Nagulat siya.

"Uuwi ka sa susunod na buwan?"tanong niya.
"Sabi mo hindi ka makakauwi"

"Yeah,para kumpleto tayo. Nag pasa ako ng one month leave at mabuti na lang ay naaprobahan yon"sagot nito at tumawa.
"Ipakikilala ko narin si Evi"patuloy nito. Ang babaeng binanggit ng kuya niya ay ang nobya nito. Nagkakilala ang dalawa sa pinagtatrabahoan nito sa US. Nakilala na rin niya ito at masasabi niyang bagay sila ng nakatatandang kapatid niya. Isang taon na mas matanda ang nobya ng kuya niya sa kaniya. Habang sila naman ng kuya niya ay may tatlong taon na agwat.

Love Again - DonbelleWhere stories live. Discover now