CHAPTER 4

562 17 0
                                    

______________________________________

2 weeks later.......

Sa dalawang linggo'ng dumaan ay panay bisita nila ni Ami sa Cafe ni Althea pagkatapos ng trabaho nila. Sa dalawang linggo'ng yun ay napansin niya ang pagkailang  sakanya ni Althea hindi niya alam kung ano ang dahilan, sinubukan niya nang tanungin ito pero hindi nito sinasabi panay ngiti lang ang iginagawad nito kapag nagtatanong siya.
Ngayong araw ang uwi ni James at excited na talaga siyang makita ang nobyo,araw ngayon ng linggo kaya walang trabaho.

Napatingin siya sa cellphone niya ng magring ito,umupo siya mula sa pagkakahiga sa kama at kinuha iyon tinignan niya muna kung sino ang tumawag,si Ami... agad niya iyung sinagot.

"Hello"nakangiting sambit niya ng sagutin ang tawag at muling humiga.

"May lakad kaba ngayong araw?"

"Meron pero mamayang ala-una pa naman,Bakit?"

"Ganon ba,isasama sana kita sa mall may kailangang kasi akong bilhin at may pinapabili sakin si Mama kaya ayun,Sama ka?"

"Sure"

"Sunduin nalang kita para isang kotse lang gamitin natin"

"Anong oras mo ko susunduin?"

"Mga 9am,kaya dapat before 9 nakaayos kana,okay"

"Sige...sige"

"Sige,bye Eli"

"Hmmm bye din Ami"

Call Ended......

Pagkatapos ng tawag ay agad na siyang naligo at nag-ayos pagkatapos ay agad na siyang bumaba. Nang pumasok siya sa komedor ay naroon na ang parents niya.

"Good morning Mom,Dad"nakangiting bati niya at humalik sa pisnge ng Mommy niya ganon din sa Daddy niya bago umupo sa upuan kaharap ang mommy niya.

"Good morning din,Anak"nakangiting sambit ng Mommy niya na sinundan ng Daddy niya.

"How's your sleep?"tanong ng Daddy niya nang magsimula na silang  kumain.

"Ayos naman, Dad"sagot niya at sumubo ng pagkain.

"May lakad ka yata,Saan punta mo?"tanong ni Mom. Nilunok niya muna ang nginunguya niya at uminon ng tubig bago sumagot.

"Sasamahan ko si Ami sa Mall pagkatapos ay susunduin ko si James sa airport ngayong araw ang dating niya"sagot niya.

"Oh,ganon ba sabihin mo kay James na dito nalang magdinner nami-miss ko narin ang batang yun"sambit ng Mommy niya. Ngumiti siya bago tumango. Ipinagpatuloy nila ng tahimik ang pagkain.
Pagkatapos nilang kumain ay siyang dating ni Ami kaya nag-paalam na siya sa parents niya ganun din si Ami.

Nasa daan na sila pero ni isa sakanila ay walang nagsasalita pero nasira lamang iyon ng magsalita si Ami.

"May problema ba kayo ni Althea?"seryusong tanong nito habang tutok padin ang tingin sa harap hindi man lang siya nilingon.

"Wala naman,Bakit?"sagot niya pero alam niyang napapansin nito ang pagiging ilang sakanya ni Althea sa mga araw na dumaan.

"Napapansin ko na palaging ilang si Althea sa yo hindi naman siya ganyan sakin"seryusong sambit nito hindi siya nakasagot.
"Hindi magiging ilang sayo si Althea kung walang nangyari,may nangyari ba sa inyo?"tanong nito at nilingon siya. Napabuntong hininga siya bago sumagot.

"Hindi ko din alam,Ami. Hindi ko alam kung bakit naiilang siya sakin sinubukan ko na siyang tanongin pero hindi niya sinasagot panay ngiti lang ang isinasagot niya at mas nakakapagtaka dahil malungkot na ngiti ang ibinibigay niya"frustrated na sambit niya at naitakip ang dalawang kamay niya sa mukha at napabuntong hininga. Rinig niya din itong napabuntong hininga. Hindi alam kung ano ang sasabihin.

Love Again - DonbelleWhere stories live. Discover now