CHAPTER 32

383 12 5
                                    

Kunot-noong bumalik sa cafeteria si Elise. Agad rin naman 'yong napansin nina Ami at Mike.

"What happened to you?" Tanong ni Ami sa kaniya nang makaupo siya sa tabi ng binata.

"Wala may nakasalubong lang akong kakilala." Sagot niya.
"Tapos na kayong kumain?"

Tumango ang dalawa kaya naman ay tumayo na siya dahilan para sumunod din ang dalawa.

Sabay-sabay silang umalis. Nang malapit na sila sa may nurse station ay pinauna na niya si Ami habang tumigil naman sila ng binata sa gilid na wala masyadong dumadaan.

Napag-isipan niyang sasabihin niya na ngayon ang tungkol do'n,ayaw niya nang itago pa 'yon ng matagal.

"Let's have some dinner tonight?" Nakangiting sambit niya.

Tinitigan siya nang mabuti ng binata bago ito ngumiti.

"Sure," nakangiting sagot nang binata.

Tinitigan niya ito at maya-maya ay yinakap. Naramdam niyang napaigtad ang binata sa ginawa niya pero niyakap rin siya pabalik.

"I love you,Mike." Bulong niya. Itinago ng binata ang ulo nito sa kaniyang leeg saka sumagot.

"I love you too,Elise." Sagot nito.

**

Exactly 7pm ay lumabas na rin siya ng Hospital. Mamayang alas-otso pa ang labas ng binata kaya sa kotse na lamang siya ng binata maghihintay.

Dahil nasa kaniya naman ang susi dahil binigay sa kaniya ito bago siya lumabas.

Napabuntong-hininga siya nang makaupo siya sa shotgun seat. Isinara niya ang pinto at nilock iyon. Ibinaba niya nang kaunti ang bintana para makahinga siya ng maayos.

Isinandal niya ang kaniyang likod sa backrest ng upuan. Napahikab siya. She turned the aircon on before adjusting the seat backwards then she close her eyes to take a nap.



Nagising na lamang siya dahil sa paulit-ulit na katok sa binata sa may shotgun seat. She yawned before adjusting the seat again. Before looking outside the window. Nagising agad ang diwa niya nang makita ang binata. Mabilis niyang inanlock ang pinto sa driver seat kaya agad na naglakad papunta do'n ang binata. She suddenly felt guilty while looking at her lover,looks so tired and worn out.

Nang maisara ng binata ang pinto sa driver seat ay marahan niya itong hinila palapit sa kaniya saka niyakap.

"I'm sorry,nakatulog ako." Bulong niya.
Lumayo siya sa binata nang marinig niya itong mahinang tumawa.

"It's fine,masaya nga ako kasi nakapagpahinga ka." Malambing na sabi nang binata. She pouted before looking away.

"Hey,look at me." Malambing na sabi ng binata saka marahang hinawakan ang panga niya at muling nagtama ang tingin nila.

"Let's have our dinner date?" Malambing pa rin na sambit ng binata. Unconsiously,she looked at her wrist watch. Her eyes widen,its already 9pm!

Muli siyang tumingin sa binata.

"Pero 9pm na..." parang batang sabi niya.
"You need to rest."

"Don't worry about me. I can handle my self." Sambit ng binata kaya wala na siyang magawa kundi ang tumango.

Binuksan na ng binata ang makina at nagdrive na paalis.

Habang nasa byahe sila ay sinabi niya sa binata kung saan sila kakain. Good thing,the restaurant is 24/7 open.

Nang maipark ng binata ang sasakyan ay bumaba na ito ng sasakyan saka naglakad sa side niya para pagbuksan siya ng pinto.

"Thanks," she whispered.

Nang maisara ng binata ang pinto ay inilingkis niya ang kaniyang braso sa braso nito saka naglakad na sila papasok. In her other hand is her handbag.

Mike opened the door for her. Bumitaw siya sa braso ng binata saka naunang pumasok.

May lumapit sa kanilang waiter at iginaya sila sa table na pinareserve niya. Nang makaupo sila ay ibinigay ng waiter ang menu book.

Nang makapili ay umalis na rin ang waiter para asikasuhin ang order nila.

Habang hinihintay nila ang kanilang order ay pareho lamang silang tahimik. Hindi siya makatingin sa binata dahil sa dami ng iniisip niya.

"You look bothered?"


Mabilis na napatingin siya sa binata saka tipid na ngumiti. Ramdam niya ang panginginig ng pang iba-bang labi niya. Hindi niya alam kung bakit ganito na lang siya kung kabahan. Alam niya sa sarili niyang natatakot siya sa maaaring mangyari sa oras na mawala siya sa bansa.

"Ahm,I want to tell you something," sambit niya. Tinitigan niya ang binata. Mukhang gustong-gusto na nito malaman kung ano 'yon.

Magsasalita na sana ulit siya nang dumating ang pagkain nila. Nang makaalis ang waiter ay nagsalita ang binata.

"Ano ang sasabihin mo?" Tanong ng binata sa kaniya. Napatikhim siya.

"K-Kain muna ta'yo." Sambit niya. Tahimik na tumango ang binata pero nasa mata nito ang pagtataka.

Tahimik silang pareho na kumain. Sa bawat subo niya ay pinakikiramdaman niya ang binata at pasimpleng tinataponan ng tingin.

Naunang matapos sa kaniya ang binata at tinitigan na lamang siyang kumain kaya bigla siyang nailang kaya ibinaba niya ang hawak.

"Sabihin mo na," may maliit na ngiti sa labi ng binata ng sabihin 'yon.

"Ahm,a-ano kasi...May hospital na nag-offer sa'kin na magtrabaho para sa kanila. 'Yong hospital na 'yon yong pinakamalaking hospital sa US at pangarap kong makapagtrabaho doon. Hinihintay na lang nila ang pagpayag ko" Kinakabahang sambit niya.

Pasimple siyang napalunok ng makita niyang napabuntong-hininga ang binata.

Hinahanda na niya ang sarili para sa sagot nito. Hindi niya alam pero parang mayroong parte sa kaniya na gustong malaman ang desisyon nito.

"Accept their offer. It's a great opportunity for you. Hindi kita pipigilan kong yan ang iniisip mo. I will support you always,nandito lang ako." Nakangiting sambit ng binata. Hindi niya mapigilang maluha. Napakaganda ng ngiti nito sa kaniya. Tumayo siya saka lumapit sa binata. Niyakap niya ito saka hinalikan sa pisnge.

"Thank you," bulong niya.

"You don't need to say that. Kahit anong desisyon mo,susuportahan ko. Palagi lang ako nasa tabi mo. Hindi kita iiwan."

•••••

Sorry for late update again. Naging busy ako sa pag-aaral para sa exam namin at ngayon lang nagkaroon ng time na makapag-update.

Short update din 'to kaya pasensya na.



Love Again - DonbelleWhere stories live. Discover now