CHAPTER 1

1.7K 24 5
                                    

______________________________________

NAKANGITI niyang pinagmasdan ang litrato nilang dalawa ng kaniyang nobyo na si James. Magda-dalawang taon na rin sila at sobrang saya niya dahil nakaabut sila ng ganong katagal. Narito siya sa kaniyang kuwarto at hinihintay na dumating ang kanyang nobyo dahil lalabas sila ngayong araw. Ibinaba niya ang hawak niyang picture frame ng may bumusina sa labas. Agad siyang sumilip sa bintana at napangiti pa siya lalo ng makita ang kaniyang nobyo na nakasandal sa kotse nito at kumakaway sa kaniya. Agad din siyang kumaway dito bago sumenyas na bababa na siya. Agad siyang lumabas ng kuwarto niya.

"Saan ang punta mo,Anak?"nakangiting tanong ng Mommy niya ng dumaan muna siya sa komedor para sana magpaalam.

"May date kami ni James,Mom"sagot niya at humalik sa pisnge niya

"Hindi kana ba kakain?"tanong ng Daddy niya. Umiling siya

"Hindi na po,Dad"sagot niya at humalik rin sa pisnge ng ama. Nagpaalam na siya sa mga ito bago lumabas ng bahay nila.

"Sorry na tagalan yata ako"paumanhing sambit niya ng makalapit siya sa kaniyang nobyo. Ngumiti ito bago sumagot.

"Ano kaba...Babe ayos lang"sagot nito.

Pinagbuksan siya ng pinto ng nobyo sa shotgun seat nakangiting pumasok siya at umupo sinuot niya ang seatbelt at tumingin sa nobyo na naglalakad papuntang driver seat. Nang makasakay ito ay sinuot na nito ang seatbelt bago binuksan ang makina at nagsimula ng mag-drive.

Magkahawak kamay silang pumasok sa loob ng makarating sila sa mall. Panay tingin naman sa kanila ng mga taong nadadaanan nila lalo na ang mga kababaihan at alam niyang ang nobyo niyang si James ang tinitignan nila. Gwapo kasi itong si James kaya maraming nagkakandarapa sa kanya noong nag-aaral pa sila. Nakapagtapos siya bilang doktor habang si James naman ay piloto pero kahit ganon ay palagi naman itong may oras sa kaniya kahit na palagi itong wala.

"Saan mo gustong pumunta?"tanong ni James habang panay tingin sa paligid.

"Kung saan mo gusto"sagot niya. Tumingin ito sa kaniya at nginitia siya.

"Sa sinehan na lang muna tayo"sambit nito at hinila siya papuntang bilihan ng ticket. Nang makabili sila ay bumili narin sila ng pagkain at inumin. Pagkatapos ay pumasok na sila sa sinehan. Nang makaupo na sila ay nagpaalam muna sa kanya ang nobyo dahil magc-cr daw ito kaya tumango nalang siya.

Minutes later~~~~~

Nagsisimula na ang palabas pero hindi parin nakakabalik ang nobyo niya nagsisimula na rin siyang  kabahan pero hindi niya nalamang yon pinansin at ibinigay nalang ang atensyon niya sa palabas.

____

"MAGC-cr muna ako...Babe"paalam niya sa nobya. Tumingin ito sa kaniya at tumango. Agad siyang lumabas ng sinehan at agad na napunta ang tingin niya sa babaeng nasa gilid ng sinehan na animo'y may hinihintay.

Naglakad siya papunta rito habang panay ang tingin sa paligid dahil baka may makakita sa kaniya na kakilala niya o ng nobya niyang si Elise. Nang makalapit siya rito ay agad niya ito hinawakan sa braso at marahang hinila palayo.

Nang makapasok sila sa palikuran ng mga lalaki ay agad niyang nilock ang pinto.

"Anong ginagawa mo rito?"tanong niya sa babaeng nasa harapan niya.

"Nami-miss na kita, James. Two days ago pa yung huling kita natin"nakangusong sambit nito na animo'y nagtatampo. Napabuntong hininga siya bago halikan ang noo ng babae.

"Pupuntahan na lang kita sa bahay mo mamayang gabi. May lakad pa kami ni Elise"sambit niya. Sumama ang mukha ng babae.

"Hiwalayan mo na kasi ang babaeng yan,James" sambit nito. Napabuntong-hininga siya.

"Naghahanap pa ko ng tyempo pero wag kang mag-alala mangyayari din yon"sagot niya. Ngumiti sa kaniya ang babae.

"Talaga?"tanong nito. Tumango siya. Yinakap siya ng babae.

"Love you, James"bulong nito. Napangiti siya.

"I love you too"nakangiting tugon niya rin.

He cheating Elise,mago-one year narin ang relasyon nila ng kalaguyo niya. Nakilala niya ito day after ng one year anniversary nila ni Elise. Nagandahan siya sa kanya and unfortunately nagustuhan niya. Hindi niya alam kung paano niya sasabihin kay Elise na may karelasyon siyang iba,so he decided na itago nalang. Alam naman ng kalaguyo niya na may isa pa siyang girlfriend pero ayos lang yun sa kanya.

"I'm sorry, Elise"sambit niya sa isip.

____

NASA kalagitnaan na ng palabas ng bumalik ang nobyo niya.

"Ba't ang tagal mo?"tanong niya. Nakaramdam siya ng pagtatampo rito dahil sa ang tagal nitong bumalik. Nasa kalagitnaan na ng movie ng bumalik ito. Paborito niyang movie pa naman ang pinapalabas.

"Mahaba ang pila,I'm sorry"paumanhing sambit nito. Kaya tumango na lang siya at muling tumingin sa harap.
Pagkatapos ng palabas ay kumain sila sa paborito nilang restaurant. Pagkatapos ay nag window shopping sila kapag may magustuhan ay bibilhin na hindi na nila namalayan pa ang oras kaya don nalang din sila naglunch. Pagkatapos ay napagpasyahan na rin nilang umuwi.

"Babe"sambit ni James nang huminto ang kotse sa harap ng bahay nila.

"Bakit?"nagtatakang sagot niya.

"After 2 weeks pa tayo ulit magkikita aalis na ako mamayang gabi pabyaheng Italy"malungkot na sambit nito. Nalungkot din ako siya sa isiping matagal silang magkakawalay.

"Magiingat ka don ha...tawagan mo ko kapag nakarating kana. Kapag may time ka tawagan mo ko o di kaya kapag may time ako tatawagan kita"sambit niya at ngumiti ng malungkot. Tumango ito.
Tinanggal niya ang seatbelt at yinakap  niya ang nobyo natigilan ito sa ginawa niya.

"Mami-miss kita"sambit niya pinipigilang maluha at humiwalay sa pagkakayakap.
"Gusto mo bang pumasok muna sa bahay?"

"Hindi na babe magpapahinga pa kasi ako"sagot nito.

"Ganon ba...oh sige,mag-ingat ka sa pagda-drive"sambit niya at bumaba na.

"I love you"sambit niya bago isinara ang pinto pero nakita niya pa kung paano natigilan ang nobyo niya kaya nagtaka siya pero hindi niya na lamang iyon pinansin. Pumasok na siya at dumaretcho sa kuwarto niya.

Nang makahiga siya sa kama niya ay bumalik na naman sa isipan niya ang reaksyon ni James ng sabihan niya ito ng i love you. Sa pagiisip niya ay nakatulog siya.

¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤
:)
Author's Note:

Pagpasyensahan niyo na po yung story ko dahil hindi po ako magaling sa pagsusulat ng story pero ginagawa ko po yung best ko para maabot yung expection niyo. Yun lang po sana po magustuhan niyo.
Maraming Salamat po sa pagbabasa.

-Sieroliz

Please vote,comment & follow my account.

Thank you:)

This chapter is edited.

Love Again - DonbelleWhere stories live. Discover now