CHAPTER 15

320 11 0
                                    

Wednesday.

NAGISING si Elise dahil sa paulit-ulit na katok sa pintoan ng kuwarto niya. Papikit-pikit pa ang mga mata niya ng kunin niya ang cellphone niya na nasa bedside table. Kumunot ang noo niya ng makitang 5am palang ng umaga.

Dahan-dahan siyang umalis sa kama niya at binuksan ang pinto.

"Good morning,Sis"nakangiting bati sa kaniya ng kuya niya. Tumaas ang isang kilay niya.

"5am palang kuya...ano ba"inis na sambit niya pero natawa lang ang kuya niya.

"Nasa baba si Mike"sambit ng kuya niya dahilan para agad mawala ang inis niya at magulat siya.

"Bakit?"nagtatakang tanong niya. Gulat parin ang reaksyon.

"Sabay raw kayong mag-breakfast"sagot ng kuya niya. Napabuntong hininga na lang siya.

"Tell him magre-ready pako"sambit niya.

"Bilisan mo"sagot sa kaniya ng kuya niya at naglakad na paalis. Sinara niya muli ang pinto. Agad siyang pumasok sa bathroom. Nawala na ang antok niya hindi naman tumawag o nag-text sa kaniya si Mike na sabay silang mag-breakfast. Kaya naman ay nagulat siya.

Nang matapos siyang maligo ay nagsuot na lamang siya ng yellow fitted long sleeve at white pants. Pinaresan niya ito ng white Chanel shoes.

Umupo siya sa harap ng vanity mirror niya at blinower ang buhok niya pagkatapos ay kinulot niya ang dulo ng buhok niya bago ito itali ng pa-bun. Pagkatapos ay nag-lagay lang siya ng light make-up sa mukha niya. Nang matapos siya ay lumabas na siya ng kuwarto niya dala ang Louis Vuitton bag niya.

Nang makarating siya sa baba ay naabutan niya ang parents niya at ang kuya niya na kausap si Mike. Seryuso ang mga mukha nila. Mukhang seryuso ang pinaguusapan nila.

Natigil lamang sila ng mapansin siya ng mga ito.

"Anong pinaguusapan niyo?"tanong niya.

"Wala naman,anak"sagot ng daddy niya. Tumango na lamang siya bago bumaling kay Mike na nakatingin sa kaniya.

"Good morning"bati niya rito. Ngumiti ito sa kaniya.

"Good morning din"sagot nito bago bumaling sa parents niya.
"Aalis na po kami"sambit nito. Tumango ang daddy at kuya niya habang ngumiti lang ang mommy niya.

"Bye Mom...Bye Dad...Bye kuya"sambit niya at hinalikan niya ang mga ito sa pisnge. Bago naglakad palabas nasa likuran niya si Mike.

"Magco-convoy na lang ba tayo?"tanong niya sa binata ng lumabas sila.

"Ihahatid kita..kaya sa kotse ko nalang ka sumakay"sagot ng binata. Nang makalabas sila ng gate ay binuksan ng binata ang pinto sa shotgun seat. Kaya sumakay na siya. Sinara na ng binata ang pinto at naglakad papunta sa driver seat. Nang makaupo ito ay lumingon ito sa kaniya. Nagulat siya ng lumapit ito sa kaniya. Napakalapit ng mukha nito sa kaniya dahilan para maramdaman niya ang paghinga nito.

"A-anong ginagawa mo?"nauutal na tanong niya. Tumingin ang binata sa kaniya dahilan para magkatitigan sila.

"Seatbelt first"sambit nito. Nang matapos itong ikabit sa kaniya ang seat belt ay lumayo na rin ito. Dahilan para makahinga siya ng maluwag dahil pakiramdam niya mawawalan na siya ng hininga dahil lang sa ang lapit nito.

Nagsimula naring magdrive ang binata.

"Saan tayo?"tanong niya sa binata. Laking pasalamat niya dahil hindi siya nautal ng magtanong siya dahil hindi parin maalis sa isipan niya kung gaano ito kalapit sa kaniya kanina.

"Saan mo gusto?"balik nitong tanong sa kaniya.

"Sa Theala na lang"sagot niya. Tumango ang binata. Nang makarating sila roon ay pinark na ng binata ang kotse. Lalabas na sana siya ng pigilan siya ng binata. Nauna itong bumaba bago naglakad sa may shotgun seat at binuksan ang pinto. Ngumiti siya rito bago bumababa.

Love Again - DonbelleWhere stories live. Discover now