CHAPTER 7

431 14 1
                                    

______________________________________

Kinabukasan....
Tuesday

NAGISING si Elise dahil sa tunog ng alarm clock niya. Nakapikit pa siya ng umupo siya. She opened her eyes and yawn before turning off the alarm clock. Umalis siya sa kama niya at inayos ang higaan niya bago pumasok sa bathroom para mag-shower. Nang matapos siyang mag-shower ay lumabas na siya ng shower area.

Nang pumasok siya sa walking closet niya ay pumili na siya ng susuotin niya. She decided to wear a black buttoned up fitted long sleeve paired up with a white maong pants. She wore his white sneakers.

Pagkatapos ay umupo na siya sa harap ng vanity mirror niya. She just put a light make-up dahil yon ang mas gusto niya. She tied her hair into a bun.

Nang matapos siya ay kinuha niya na ang bag niya at umalis na.

Nang pumasok siya sa komedor ay naroon na ang Daddy niya na nagbabasa ng dyaryo. She greeted her father before she sit down.

"How's your sleep?" Tanong sa kaniya ng Daddy niya na nakatingin na sa kaniya.

"Mahimbing naman,Dad." Sagot niya. Lumabas na rin ang Mommy niya na may dalang plato. Sa likod ay si Naida at Manang Belen. Her Mom really likes cooking kaya kapag hindi ito busy ay ito ang nagluluto ng pagkain nila.

Nilatag na nila ang mga pagkaing dala nila. Nang matapos ay umalis na rin sina Manang Belen at bumalik sa kusina habang umupo naman ang Mommy niya sa upuang kaharap niya. Nang magsimula silang kumain ay tahimik lamang siya habang ang mga magulang niya naman ay nag-uusap tungkol sa negosyo. Nakayuko lang ang ulo niya habang kumakain siya kaya hindi niya nakikita ang nag-aalalang reaksyon sa mukha ng parents niya.

"Are you sure na papasok ka sa trabaho,Anak?" Tanong sa kaniya ng Mommy niya. Nilingon niya ito.

"Yes,Mommy." Sagot niya.

Nang matapos siya ay nag-paalam na siya sa mga magulang niya. Lumabas siya ng bahay nila at pumunta sa garahe. Sumakay siya sa kotse niya habang binuksan naman ni Naida ang gate. Kaya agad niyang inilabas ang kotse niya mula sa garahe.

Nang maipark niya ang kotse niya sa parking lot ng Hospital kung saan siya nagtatrabaho ay agad na siyang lumabas dala ang bag niya. Nilock niya muna ang pinto ng kotse niya bago naglakad papasok.

Habang naglalakad siya papuntang Opisina nila ni Ami na nasa ground floor lang ay bumabati sa kaniya ang mga nurse na madadaanan niya. Nginingitian niya lang ang mga ito.

Nang makapasok siya sa Opisina nila ay nagulat siya ng makitang naroon si Ami. Nakasuot na ito ng white coat at scrub sa loob. Isinara niya ang pinto dahilan para mapatingin sa kaniya ang kaibigan.

Agad itong tumayo mula sa pagkakaupo sa swivel chair nito at lumapit sa kaniya.

Magsasalita na sana ito ng unahan na niya ito.

"Mamaya na,Ami. I need to change." Sambit niya at nilagpasan ang kaibigan at pumunta sa table niya. Nilagay niya ang bag niya sa mesa. Kinuha niya ang white coat at scrub na nakahanger sa cabinet na narito sa Opisina nila.

Agad siyang pumasok sa banyo para magbihis at para narin maiwasan ang nagtatakang tingin ni Ami sa kaniya.

Nang matapos siya sa pagbibihis ay lumabas na rin siya. Dala-dala ang hinubad niyang damit. Ini-hanger niya ito at nilagay sa cabinet.

Nang tumingin siya kay Ami ay ngumiti lang siya ng pilit rito bago lumapit sa kaibigan at hinila ito palabas.

Nang makarating sila sa Nurse station ay binitawan niya na rin ang kaibigan.

Love Again - DonbelleWhere stories live. Discover now