CHAPTER 31

341 12 0
                                    

Napangiti siya ng pagbuksan siya ni Mike ng pinto sa shotgun seat. It's been a week since Mike started to work at the hospital she's working at. Sa bawat araw na lumipas ay palagi siyang sinusundo ng binata at sabay silang uuwi. Hindi pa rin niya nasasabi kay Mike ang tungkol sa offer mula sa Stern Hospital. Hindi niya alam kung paano niya iyon sasabihin sa binata.

Bigla siyang natauhan ng biglang magsalita ang binata.

"Ang lalim naman ng iniisip mo?"

Tipid na ngumiti siya saka lumabas na ng sasakyan. Mike stared at her intently.

"Are you okay?" Nag-aalalang tanong ng binata. She nodded and held his hand before pulling him towards the elevator.

Nang makasakay sila ay sumandal siya kay Mike. Hinawakan naman siya ng binata sa bewang. Tinitigan niya ito sa repleksyon nila sa pinto ng elevator,gano'n din ang binata. Pareho silang tahimik.

Nang tumigil ang elevator ay umayos na rin siya ng tayo. Nang bumukas iyon ay lumabas na silang dalawa.

Dahil magkaiba ang dadaanan nila ay naghiwalay silang dalawa.

"Sabay tayong mag-lunch,mamaya." Sabi ng binata bago sila mag-hiwalay. She nodded and smiled a little before kissing his cheek. Mike stared at her before kissing her forehead.

Nang makalayo siya sa binata ay doon niya inilabas ang buntong-hininga niya. She really want to tell him about the offer pero hindi niya pa nakukuha ang tamang tyempo.

Pumasok siya sa opisina nila na bagsak ang mga balikat. Naabutan niya roon si Ami na may kausap sa phone. Nakatalikod ito kaya hindi nito napansin ang pagpasok niya. Dahan-dahan niyang isinara ang pinto at pinakinggan ang kaibigan.

"Let's meet tonight after my duty." Rinig niyang sambit ni Ami sa kausap. Naningkit ang mga mata niya habang nakatitig sa likuran ng kaibigan.

"I missed you,too." Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ni Ami. Ang mas ikinagulat niya ay ang paraan ng pagkakasabi ni Ami no'n. It was so soft,like she was afraid to break a freaking glass.

Nang matapos ang tawag ay lumingon sa puwesto niya ang kaibigan,may ngiti pa ito sa labi pero nang mapansin siya ay agad na nawala ang ngiti nito at napalitan ng gulat. Namula pa ang mga pisnge.

"E-Elise," nauutal na sambit ni Ami.

"Ikaw,ha! Sino yang kinausap mo?" Nanunudyong tanong niya. Mas lalong namula ang pisnge ni Ami saka nag-iwas ng tingin.

"Ahm,w-wala n-naman." Nauutal na sambit nito.

"Tell me? Who's that?"

"Wala nga 'yon."

"Sabihin mo o sasabihin mo?" Babala niya.

"S-si ano....si..." naningkit ang mga mata niya ng sabihin ni Ami kung sino. What a coincidence.

"Matagal na kayo?" Tanong niya nang matapos siyang magbihis.

"Medyo." Sagot ng kaibigan.

"So,mas nauna kayo kesa samin?" Tanong niya. Umiling si Ami.

"Mas nauna pa rin kayo." Sagot nito. She chuckled thinking about Althea.

"Si Althea kaya?" Sambit niya. Ami chuckled.

"Abala rin 'yong isang yon." Sambit ni Ami kaya kumunot ang noo niya.

"Talaga! Ba't di ko alam 'yon?" Nagkibit-balikat si Ami.

"Palaging jowa time ka,eh." Ami chuckled. Mahinang natawa siya.

Sabay silang bumaba. Nasulyapan niya ajg binata na may kausap na doctor. He looks serious while talking. Hindi niya mapigilang mas mapamahal pa rito. Nag-iwas siya ng tingin ng mapasulyap sa puwesto niya ang binata.

Bumaling na lamang siya kay Ami na may sinasabi sa kaniya na hindi niya narinig.

As the time goes by,they became very busy. Sobrang pagod na ang nararamdaman niya dahil sa dami ng pasyente na kailangang operahan,meron pang dumating na pasyente na kritikal ang lagay.

Nakasama niya sa pag-oopera ang binata sa unang pagkakataon pero hindi niya magawang maging masaya dahil sa pasyente nilang kritikal na ang lagay.

They almost lost their patient,good thing they find a way to save him.

"Pagod na ako," mahinang reklamo ni Ami nang maupo sila. They're in the cafeteria to eat lunch. Tinawagan niya rin ang binata at papunta pa lang raw.

Mahina siyang natawa sa kaibigan saka tumayo para umorder sana pero may humawak sa braso niya. At nang lingonin niya ito ay sumalubong sa kaniya ang binata na malaki ang ngiti sa kaniya.

"Ako na ang oorder," nakangiting sambit ng binata saka mabilis na hinalikan siya sa noo dahilan para matigilan siya. Iniwan siya ng binata sa kinatatayuan niya para umorder. Naiwan siya roong nanlalaki ang mga mata sa gulat sa ginawa ng binata.

Bumalik lang siya sa sarili niya nang hilahin siya ng kaibigan paupo.

"Gulat,yan!" Nakangising sabi ni Ami habang nakatingin sa kaniya. Nilibot niya ang tingin at namula ang pisnge niya nang makitang ang lahat ng tao sa cafeteria ay nakatingin sa kaniya. Napansin rin niya ang masamang tingin ni Sandra sa hindi kalayuan. Nag-iwas siya ng tingin.

Pagkatapos ng ilang minuto ay bumalik na rin si Mike.

Inilapag nito sa harap niya ang para sa kaniya ganon din kay Ami. Saka ito tumabi sa kaniya.

"Salamat dito,Mike." Rinig niyang sabi ni Ami.

Tahimik na sinimulan niya ang pagkain. Hindi siya makatingin sa binata dahil sa hiya. Hindi niya alam kung bakit nahihiya siya,gayong hindi naman siya ang humalik. Pero ito ang unang beses na maraming nakakakita sa kanila sa ganong sitwasyon kaya naninibago siya.

"Ayos ka lang,babe?" Rinig niyang tanong ni Mike. Tumingin siya sa binata pero hindi magawang tumingin sa mga mata nito.

"A-Ayos lang ako," utal-utal na sagot niya. Natigilan siya ng hawakan ng binata ang panga niya at marahang iyong iginalaw at nagtama ang tingin nilang dalawa. She could hear Ami's giggles and the people whispering something while looking at them.

Taimtim siyang tinitigan ng binata hanggang sa mapangiti ito nang napakaganda dahilan para pamulahanan siya ng pisnge. Parang napasong napalayo siya sa binata saka nagmamadaling tumayo.

"Ahm,C-Cr muna ako." Nauutal na sabi niya saka mabilis na naglakad palayo.

Nang maisara niya ang pinto ng CR ay malalim na napabuntong-hininga siya. Napahawak siya sa magkabilang pisnge niya saka walang boses na tumili para ilabas ang kilig na nararamdaman niya.

Nang makuntento ay lumapit siya sa sink saka naghugas ng kamay.

Napalingon siya sa pinto ng bumukas iyon. Pumasok si Sandra.

Nag-iwas siya ng tingin saka tinapos na ang paghuhugas ng kamay. Kumuha siya ng tissue at pinunasan ang mga kamay. Itinapon niya ang ginamit niyang tissue sa basurahan.

Lalabas na sana siya ng hawakan siya sa braso ni Sandra.

Mabilis niyang tinanggal ang pagkakahawak nito sa kaniya saka nilingon ito.

"Why?"

"Be careful,because one day,the man you have right now,will be mine." Puno ng kumpyansang sabi ni Sandra.

"Ba't ba ang hilig mong mang-agaw? Nasa'yo na si James. Bakit pati si Mike ay gusto mong agawin,ha?!"

"Dahil hindi ko talaga gusto si James,akala ko rin eh but I realize that I love Mike than James,so I what him to be mine."

Pagak na natawa siya. Hindi niya alam kung anong nasa isip ng babaeng ito. Talent yata nitong kunin lahat ng mga kalalakihan.

"As if I let you," nakangising sabi niya.
"Hinding-hindi magiging sa'yo si Mike dahil unang-una ay sa'kin siya at hindi sa'yo. May relasyon kami kayo wala. Hindi kita hahayaang agawin mo siya sa'kin dahil noong sinagot ko siya ay sa'kin na siya." Sabi niya. Semeryuso ang mukha niya.

"Kapag hindi na ako makapagtempi,may kalalagyan ka. Wag mo akong subukan,Sandra." Seryusong sabi niya saka lumabas na ng restroom.

•••••

Happy 5k reads!

Love Again - DonbelleWhere stories live. Discover now