CHAPTER 18

308 10 0
                                    

Saturday.

9am na ng umaga ng magising si Elise. Wala siyang duty ngayong araw kaya naman ay ngayon lang siya gumising. Umalis na siya sa kama niya at inayos iyon. Nag-inat inat muna siya bago naglakad papasok sa bathroom. Naghilamos siya sa sink at nag-tooth brush pagkatapos ay lumabas narin siya. Nasa may hagdan na siya ng naabutan niya si Rika at Naida na tinatanggal ang mga kurtina.

"Good morning"pagbati niya sa dalawa habang naglalakad pababa ng hagdan. Tumingin ang dalawa sa kaniya.

"Good morning din,Eli. Wala kang duty ngayon?"tanong ni Naida sa kaniya.

"Wala,Ate. Bukas pa duty ko"sagot niya.

"Kahit linggo may duty ka?"tanong sa kaniya ni Rika.

"Yes. Pero minsan lang naman"sagot niya. Nang makababa na siya ay umupo siya sa long sofa at binuksan ang tv. Pero wala siyang nagustuhang palabas kaya naman ay pinatay niya rin ang tv. Tumayo siya at pumunta sa komedor.

Naabutan niya roon si Manang Belen na naghahain ng umagahan ng makita siya nito ay sinenyasan siya nitong maupo na kaya yun ang ginawa niya.

"Pupunta muna ako sa kusina,iha. Iwan mo na lang riyan ang pinagkainan mo at ako na lang ang bahala"sambit ni Manang Belen bago ito pumasok sa kusina. Pinagpatuloy niya ng tahimik ang pagkain. Nang matapos siya ay uminom siya ng tubig bago umalis sa komedor. Bumalik siya sa kuwarto niya.

Nang makapasok siya roon ay agad siyang nahiga sa kama niya. Wala siyang planong lumabas ngayon magpapahinga muna siya. Umayos siya ng higa para matulog, na agad din naman siyang nakatulog.

Nang magising siya ay tanghali na. Umalis siya ng kama niya at pumasok sa bathroom. Kinuha niya ang robe niya na nakasabit sa likod ng pinto pati narin ang tuwalya pagkatapos ay pumasok siya sa shower area.

Pagkatapos niyang maligo ay isinuot niya ang robe habang nilagay niya naman ang towel sa ulo niya. Lumabas na siya ng shower area. Gamit ang tuwalya ay tinuyo niya ang buhok niya. Nang matapos siya ay binalik na niya ang tuwalya sa lalagyan nito. Bumaling siya sa salamin na nasa may sink at ginawa ang routine niya.

Nang matapos ay pumasok na siya sa walking closet niya. Naglagay muna siya ng lotion bago nagsuot ng damit. Nang matapos ay lumabas na rin siya.

Lumabas siya ng kuwarto niya at dumeretcho sa komedor. Meron na roon nakahandang pagkain kaya umupo na siya at kumain na dahil gutom na siya.

Nang matapos ay dinala niya ang pinagkainan niya sa kusina at nilagay ito sa sink.

Pagkalabas niya ay nagkasalubong sila ni Manang Belen.

"Kumain kana ba,iha?"tanong sa kaniya ni Manang Belen.

"Opo. Tapos na"sagot niya.

"Ganun ba. Pasyensya kana at hindi kita na asikaso kakarating pa lang kasi namin galing sa palengke"sambit ni Manang Belen sa likod nito ay sina Naida at Rika na may dalang mga plastic bag. Ngumiti ang mga ito sa kaniya bago pumasok sa kusina para ayusin ang mga pinamili.

"Ayos lang po iyon,Manang Belen. Kaya ko naman po"sambit niya.
"Mauuna na po ako"paalam niya, tumango naman si Manang Belen at ngumiti sa kanya kaya nginitian niya rin ito at naglakad na papunta sa kuwarto niya.

Nang makapasok siya ay kumuha siya ng libro sa maliit na bookshelves niya at umupo sa sofa.

Binuksan niya ang libro at nagsimula ng magbasa.

Alas-2 na ng hapon ng tumigil siya sa pagbabasa. Masyado niyang nagustuhan ang librong binabasa niya na hindi na niya namalayan pa ang oras. Tumayo siya at binalik ang libro sa bookshelves.

Love Again - DonbelleWhere stories live. Discover now