CHAPTER 17

329 10 3
                                    

PANGISI-NGISI siyang nakatingin sa pinto na nilabasan ng dalaga. Sobrang saya ng pakiramdam niya dahil sa pagpula ng pisnge ng dalaga at dahil iyon sa kaniya.

Nang bumukas ang pinto ay pumasok ang mama niya at ang kapatid niyang babae.

"Ngisi-ngisi mo diyan?"tanong sa kaniya ni Mika.

"Wala lang. Masaya lang ako"sagot niya.

"Dahil ba nakausap mo si Ate Elise"sambit ng kapatid niya.

"Ganon nga"sagot niya at umayos ng upo. Napangiwi lang siya ng hindi niya sinasadyang magalaw ang kaliwang hita niya na may sugat.

"Ayos ka lang,anak?"nag-aalalang tanong sa kaniya ng mama niya.

"Opo,Ma. Ayos lang ako. Nasaan si Papa?"tanong niyang mapansin na hindi na bumalik ang papa niya.

"Pumunta sa prisinto"sagot ng mama niya.

Hindi na lang siya nagsalita pa. Inayos niya ang higaan niya dahil matutulog na siya. Nang makita siya ng kapatid ay agad itong lumapit at tinulungan siyang i-adjust ang hospital bed. Nang matapos ay umayos na siya ng higa. Kinumutan naman siya ng kapatid bago bumalik sa kinauupuan nito. Napangiti na lang siya dahil sa kapatid.

Pinikit na niya ang mga mata niya at tuluyan na nga siyang nakatulog.

~~~

Friday.

NAGISING ang natutulog niyang diwa dahil sa mga boses sa paligid niya.
Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata niya. Napapikit pa siya dahil pagkamulat niya ay binuksan ng kapatid niyang babae ang bintana at kurtina dahilan para agad na tumama sa kanya ang sinag ng araw.

Dahan-dahan siyang naupo. Muntikan na siyang matumba ng bigla siyang yakapin ni Angelo na animo'y kay tagal nilang hindi nagkita.

"Ano ba! Angelo,natatamaan mo ang sugat ko"angal niya. Kaya agad namang bumitaw si Angelo sa kaniya at lumayo. Natatawa pa.

"Good morning,Kuya!!!!"napatakip siya sa dalawa niyang tenga ng isigaw iyon ni Mika.

"Ano ba ang ingay mo,Mika"saway niya sa kapatid.
"Ba't ka nandito. Friday pa lang ngayon,ah?tanong niya naka-kunot ang noo. "Si Miko?"

"Wala kaming pasok ngayon,Kuya. May seminar ang lahat ng prof. Si bunso sumama kay mama bibili raw ng pagkain at kukuha narin ng damit mo babalik din sila mamaya."sagot naman ni Mika habang nakaupo sa sofa.

"Kamusta pakiramdam mo?"tanong sa kaniya ni Xander na kanina pa tahimik.

"Maayos na. Salamat sa Doctor na gumamot sakin"nakangiting sambit niya pero agad ding napalitan ng ngisi ng maalala niya ang nangyari kagabi.

"Anong itsura yan. Tinanong ka lang parang my flashback na nangyari,ah"nakangising sambit ni Angelo. Si Xander naman ay pilit na tinatago ang ngisi.

"Tumigil ka"banta niya sa kaibigan na may nang-aasar na tingin.

Napalingon siya sa pinto ng bumukas iyon at pumasok ang babaeng gustong-gusto niyang makita. Si Elise.

Napatingin siya sa suot nito at hindi niya mapigilang mangiti dahil bagay na bagay sa dalaga ang suot nitong scrub na kulay asul at ang white coat nito na may pangalan ng dalaga sa kaliwang bahagi. May dala itong tray na may lamang panlinis sa sugat. She looks so beautiful and professional.

Bumalik lang siya sa katinuan ng may pumitik sa tenga niya.

Sasamaan niya sana ng tingin sa kung sino man ang pumitik sa tenga niya pero napatigil siya ng makitang si Elise ang pumitik sa tenga niya. Nakataas ang isang kilay nito at nagtatakang nakatingin sa kanya. Nabaling ang tingin niya sa kapatid ng marinig niya itong bumungisngis. Habang si Angelo at Xander naman ay may nagtatakang tingin pero hindi niya nalang ito pinansin at binalik ang tingin sa dalaga.

Love Again - DonbelleWhere stories live. Discover now