Those Three Little Words [Season 2 of Gummy Worms]

7.4K 81 10
                                    

Chapter 1: The New Beginning

 

 

 

Someday it's gonna 

make sense ...

Charlie's POV

Hayy naku pasukan na naman. Habang tumatagal tinatamad na 'kong pumasok. Yun ng yun kasi ang nakikita ko.

" .. Pano ba yan, wala na si ..." pambungad na sabi sakin ni Queenie, ang pumalit na estudyante kay Ranz.

Oo wala na siya, hindi naman as in tigok na. Parang nag-leave siya dahil sa career niya. Sabi nila, hindi daw muna papasok yung lalakeng yun pero papasok din naman daw kaso matagal-tagal pa.

" .. ayos lang noh! e di wala ng manggugulo sakin .." pabirong sabi ko pero sa loob loob ko sobrang nasasaktan ako.

Umalis muna si Queenie pagkasabi ko nun. Sabi niya aayusin lang daw muna niya yung requirements niya.

Naglalakad ako ngayon sa hallway na parang wala sa sarili. Naaalala ko tuloy yung gabing sinabi niya ang lahat, parang ang sarap balikan.

" .. Girls, balita ko nag-confess daw ng feelings si Ranz sa isang student dito at ....classmate pa niya ..." rinig kong sabi nung babae sa likuran ko.

" .. Sino kaya yung malanding babaeng na yun? ...Sisiguraduhin kong pagbalik ni Ranz dito, mamahalin na niya ako ..." sabi nung kasama niya.

Wow, malandi agad?. Grabe nman 'tong mga to !! si Ranz lang ba ang lalake sa mundo??

Nang pabalik na ko sa room. Biglang lumapit sakin si Heidi.

" .. Cha! may bago ulit tayong kaklase... and guess what? lalake siya ..." masayang sabi niya na may pagtalon-talon pa. Halatang kinikilig ^_^

" .. e di siksikan na nman tayo nyan! .. bakit ba lahat ng mga bagong estudyante sa'tin napapapunta? ..." tanong ko.

" .. Hayy naku bahala ka na nga dyan basta ako enjoy ako sa bago nating mga kak--- ..." napahinto siya sa pagsasalita at napatingin sa likuran ko.

" .. he-hello! .." bati niya sa taong nasa likuran ko.

Napatingin nman ako sa likuran ko at nakita ko ang isang napakagwapong lalake ^_^

" .. Hi! ako nga pala si Xander....Xander Garcia..." sabi niya at nakipagshakehands siya saming dalawa.

" .. Ako pala si Heidi at ito nman si Charlie .." pakilala ni Heidi.

" .. Ito ba room niyo??..." tanong niya. Nag-nod nman kami agad at nakita kong ngumiti siya.

" .. So magkaklase pala tayo .. Tara na, pasok na tayo! .." yaya niya samin sa loob.

Pumasok nman agad kami at napansin ko na nakatingin silang lahat samin at para bang nagtatanong na " magkakilala kayo? ".

Umupo siya sa vacant seat sa likuran ko. Samantalang kami ay naghihintay na sa pagpasok ni Mr. Briones a.k.a. " Mr. Perfectionist "

//

Xander's POV

Ako nga pala si Xander Garcia. Bago lang ako sa school na 'to kaya ineencourage ko ang sarili kong makihalubilo sa kanila. Maraming nagsasabi na parehas daw kami ng features nung Ranz. Sino ba yun?.. By the way, isa pa lang ang kilalang kilala ko dito at yun ay si Charlie. Di ko muna sasabihin kung kailan o paano ko siya nakilala. Simple lang nman ang role ko dito at gagawin ko 'to para sa isang ..........

//

Charlie's POV

Naglalakad ako ngayon sa hallway habang kumakain ng Gummy Worms na bigay sakin ni Xander. Parehas talaga sila ni Ranz.  

Bawat hakbang ko tumitingin ako sa likuran ko baka kasi sinusundan ako nung mga babaeng baliw na baliw kila Ranz at ngayon kay Xander. May nagbanta kasi sakin kanina, maghanda na daw ako. Nakita siguro nila na tinulungan ako ni Xander na dalhin yung mga cartolina ng club akala nman siguro nila kung ano na. Nagugulat na nga lang ako kay Xander e, di na siya nawala sa paningin ko para siyang ewan. Pero tinanong ko nman siya about personal life at ang sabi niya may girlfriend na daw siya, si Cynthia at hindi daw niya ipagpapalit yun kahit kani---.

" .. Hey! kahit kailan talaga napakalandi mo. Dati kay Ranz ka dumidikit ngayon nman kay XANDER!!! ..." pagtataray sakin ni Aira, yung volleyball player at singer.

Malandi na agad?

" .. Excuse me! hindi po ako malandi. Hindi nman ako katulad niyo na kapag may nagustuhan, e gagawa ng paraan para mapansin nila. Yang si Xander? inyo na yan!! .." pagtataray ko rin sa kanila.

" .. How dare you! .." sabi ni Olivia, ang dakilang spoiled brat, sabay sampal sa mukha ko.

Napayuko nman ako sa sakit.Oo masakit talaga, tumama kasi sa mukha ko yung malaking paru-paro na nasa singsing ni Olivia.

Kung ano ano ang pinagsasasabi nila sakin pero napansin ko na bigla silang napatigil at may bumulong sakin na " tumahan ka na, ako na ang bahala dito saka lalo kang pumapanget .."

Sino kaya ito?

-------------------------------------

to be continued ...

a/n:

Eto na po yung book 2 ng Gummy Worms. Readers, may twist po ng konti yung story na 'to pero more on Ranz and Charlie pa rin. May papasok lang na ibang characters. Sana magustuhan niyo!! :)))

Those Three Little Words [Season 2 of Gummy Worms]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon