GoodNight

1.7K 42 7
                                    

UNHEARED VOICE

Inayos ko na ang gamit ko at lumabas na ng room pero nabigla ako na nandun si Ranz sa tapat ng pintuan. Nakaharang siya kaya di ako makalabas.

" Makikiraan " nakatungo lang ako.

" Charlie, pwede ba tayong mag-usap? "

" Makikiraan po " hindi ko pa rin iniaangat ang ulo ko.

Hindi pa rin siya kumikibo sa kinatatayuan niya kaya tinulak ko siya, " Makikiraan nga! "

" Charlie, gusto lang naman kitang makausap eh.." sabi niya na may seryosong mukha.

" Ano bang gusto mong pag-usapan natin? .." nakacrossed arm ako nung tinanong ko to.

" k...kung may pag-asa pa ba.. yun lang naman ang gusto kong itanong eh.." napatungo siya.

" alam mo dipende naman kasi yan eh.. pag-asa ba? ..mabibigyan ka lang ng pag-asa kung magbibigay ka ng effort period.." at tinalikuran ko na siya.

Pag-asa? Whatever! Hindi ba niya alam kung gaano ako nasaktan nung time na iniwan niya ako? Yung mga masasakit na salitang binitawan niya, hindi ba masakit yun?

Ang dami ko pang kailangang aralin para sa Chapter Test bukas at dahil sa pag-asang yan di ako makapagfocus. Napatigil ako sa paglalakad ng bigla akong may naalala.

" Yung book ko nasa locker pa.. " agad akong bumalik sa campus at dumiretso sa locker area. Hindi pwedeng maiwan yun. Talaga naman oh!

Bumalik ako sa locker area at kinuha yung libro ko. Buti na lang at hindi pa nagsara ang area na to. Bawat area kasi may gate at kung nakasara na ito, malas ka.

Pagkaalis ko sa locker area ay nakita ko si Ranz na nakasandal sa dingding habang nakapamulsa.

" O bakit nandidito ka pa? " tanong ko at umayos siya ng tayo.

" Nakita kasi kitang pumasok ulit kaya ayun hinintay kita " sabi niya at isinuklay ang daliri niya sa buhok niya.

Kung di lang talaga tayo magkaibigan, malamang kanina pa kita nasalvage dyan sa kinatatayuan mo.

" Hatid na kita ha? " sabi niya at basta na lang kinuha yung libro at at filecase ko.

Hindi ko na lang siya pinigilan tutal alam ko namang di niya ibibigay sakin yan kahit anong gawin ko pa.

Tahimik lang kaming naglalakad ngayon. Walang imikan at tanging hangin lang at mga sasakyang nagbubusinahan ang naririnig lang.

Tumigil siya sa tapat ng ice cream shop kaya napatigil din ako.

" Ice cream muna tayo. Treat kita! " sabi niya at hinila niya ang kamay ko.

" Ayoko " at hinigit ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya.

" Bilis na, ngayon lang naman eh. Saka ang tagal ko na ring di nagawa to. " sabi niya na may nakakaawang mukha.

" Ayoko nga " nakatayo lang siya sa harapan ko ngayon habang nakatingin sakin. Sobrang seryoso ng mukha niya.

" Ano bang gusto mo? Sabihin mo lang, ititreat kita kahit magkano pa yan.."

" Wala akong gusto kaya uuwi na ako.." patalikod na sana ako ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

" Samahan mo naman ako ngayon. Kahit ngayon lang, ..kahit awa lang , please. " seryoso lang ang mukha niya nung sinabi niya ito. Di na ako nakaangal pa dahil hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko at ipinasok na ako sa ice cream shop.

Pinaupo niya ako sa pinakadulong upuan at siya naman ay pumunta sa counter para makapag-order. Bumalik rin siya agad na may dala-dalang dalawang baso na may lamang ice cream.

" Kain ka na, ito iyo. " sabi niya at iniabot niya sakin ang cookies and cream. Oo nga pala, alam nga pala niya ang favorite flavor ko sa ice cream.

Kumakain lang kami ngayon at gaya ng kanina walang imikan. Super close ng shop na to kaya nakakabingi sa sobrang katahimikan.

Napansin kong tinitingnan ako ni Ranz habang kumakain ako kaya tinanong ko siya, " O anong tinitingin-tingin mo dyan? May dumi ba ako sa mukha? "

" Wala. Namiss lang talaga kita " sa tuwing naririnig ko to, di na ako kinikilig. Iba na yung feeling, nao-awkward na ako sa linyang to.

" Gutom ka siguro, ubusin mo na lang yan."

" Hindi. Seryoso ako.. " napatingin ako sa sinabi niya. Nung sabihin niya ito, nagflashback lahat sa isipan ko yung mga oras na masaya kami at walang kaproble-problema.

Lumabas na kami sa shop at inihatid na niya ko sa amin. Bago siya tuluyang umalis ay may sinabi pa siya kaso goodnight lang ang naintindihan ko.

" Sana mahalin mo ulit ako. Promise magpapakatino na talaga ako. Mamahalin kita ng buong buo kaya sana paniwalaan mo ako. Mahal na mahal kita. Sige goodnight na.. "

Those Three Little Words [Season 2 of Gummy Worms]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon