My Decision

1.7K 39 6
                                    

" ...hoy gumising ka na nga dyan! ..nababaliw ka na ba? kanina ka pa ngiti ng ngiti dyan ah.. gising na! .." rinig kong sabi niya at bigla akong nagising dahil sa hampas niya.

" ..h-ha? ..a-anong nangyari? ..asan si..." teka panaginip lang ba yun? bakit parang totoo? ..bakit hanggang sa panaginip ko, nandun pa rin siya? Anak ng tinapa naman oh!

" ..hoy ayos ka lang ba? .." seryosong tanong niya sakin at nag-nod ako.

Okay na okay lang ako, promise.. pero akala ko talaga totoo, akala yun na yung pinakahihintay ko.. panaginip lang pala

Kenneth Sy's POV

Buong week kami ngayong nasa Practice Hall para makapagpraktis. Pagkarating pa lang namin sa school, dapat dito na ang diretso namin. Di na tuloy namin alam kung anong topic na nila dun sa room. Medyo nate-tense na kami ngayon kasi nga papalapit na ang English Day. Di na makausap ang ilan sa amin sa sobrang busy. Lakad doon, lakad dito. Tanging pahinga lang namin ay recess at lunch break. Pati nga si Charlie, di ko na nakakasabay, lagi kasi niyang sinasabi na busy siya at madami pa siyang aasikasuhin. Buti pa yung camera ko, nakapasok na sa bahay nila samantalang ako, kahit yung sahig sa kanilang bahay, di pa ako nakakaapak.

" ..hayy nakakapagod! ." sabi niya sabay lapag ng camera sa table at umupo sa tabi ko. " .. hanggang ngayon wala pa rin akong nahahanap na tamang anggulo na pwedeng kuhanan.. di ko rin alam kung san ako pupwesto..I'm sure mauunahan na naman ako ng ibang estudyante sa posisyon ko.." rinig kong sabi niya. Diretso lang ang tingin ko sa mga nag-aact pero rinig ko naman siya.

" ..huy ayos ka lang ba?" at kinulbit niya ako. " ..galit ka ba sakin? kanina ka pang walang imik dyan ah.." sabi niya habang diretsong nakatingin sa mata ko. Wala naman akong problema, may iniisip lang talaga ako.

Maya-maya rin ay tumingin ako sa kanya at umiling. Nakita ko rin si Ranz na papalapit samin or sa kanya kaya tumingin na ulit ako sa unahan.

" ..Cha, may nahanap na akong pwede nating pagpwestuhan during the program, ituturo ko na lang sayo mamaya.." rinig kong sabi nito sa kanya. " ..O sige, salamat ha? .. sure ka bang magiging maayos ang kuha natin sa kanila dun? .." nag-uusap silang dalawa ngayon at ako naman ay nakikinig lang. Oo, chismoso na kung chismoso..

LUNCH BREAK

Okay makakapagrest na din sa wakas. Ilang oras na ding nasa tenga ko itong headset para makapag-edit ng gagawin naming soundtrack.

" ..tama na yan, rest ka muna.." sabi niya at tinanggal niya yung headset na nasa tenga ko. Napatingin ako sa kanya at nakita ko ang mukha niyang hamit na hamit nang makapag-rest.

Naglalakad-lakad kami ngayon sa Freedom Park, isang park na bagong gawa sa loob ng school. Lakad lang kami ng lakad, may time na nag-uusap kami at humihingi ng pasensya sa isa't isa dahil nga di kami masyadong connected this past few days.

"..musta kayo ng partner mo? ..nagkakaintindihan ba kayo? .." tanong ko na agad naman niyang sinagot.

" .. ayos na ayos! .." nangingiting sabi niya. Mukhang ayos na nga ah, nakakangiti na siya kahit andyan si Ranz.

" ..mabuti naman di na kita nakikitang malungkot .. " sabi ko at napatawa siya at tumingin sa akin.

" .. ginawa ko lang naman lahat ng sinabi mo sakin.. at yung mga sinabi mong yun, tumatak talaga sa isipan ko.." seryosong sabi niya at napatahimik ako.

" .. alam mo ba.. sobrang saya ko na.. kasi di na ako katulad ng dati na nagdadrama pa.. e ngayon tanggap ko na, nakikipagbiruan pa nga ako sa kanya e.. at pati siya napapatawa niya rin ako sa mga jokes niya.." sabi niya habang natatawa.

Those Three Little Words [Season 2 of Gummy Worms]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon