Ch.? Necklace

1.8K 43 5
                                    

Chapter 2 part 5

Ranz POV

".. so tayo na? .."

" .. di ka pa nga nanliligaw dyan tapos tayo na agad? .." sabi nito.

" .. e di liligawan kita ....ahem ahem! ...pwede bang manligaw? .."

" .. sure!! " sabi niya.

" .. tayo na? .."

" .. Yes! .."

Hindi ko talaga alam kung nagbibiro ba siya ngayon o ako ang ginugoodtime niya.

".. ayoko na sayo!! easy to get ka.." pabirong sabi ko.

" .. bakit?? .." seryosong tanong niya.

" .. basta ayoko na.. hard to get ako..." sabi ko sabay turo sa sarili ko.

" .... so strict pala parents mo. .... e anong gagawin ko?" seryosong tanong niya.

" .. ligawan mo muna ako.." sabi ko sabay turo sa sarili ko.

Tumingin siya muna sa paligid nya bago magsalita.

" ... pwede bang manligaw? .." sabi niya sabay ngiti.

Natawa naman ako sa ginawa niya. Sineryoso talaga niya yung sinabi ko.

Nilapitan ko siya ulit at niyakap ng mahigpit.

" .. simula ngayon, I'M YOURS..." bulong ko sa kanya.

October 04 naging kami. Sana siya na talaga kasi mahal na mahal ko talaga ang babaeng 'to.

Hanggang pag-uwi ko sa bahay, siya pa din iniisip ko. Ayaw na niyang umalis sa isip ko. Ngayon lang ako nagmahal ng ganito sa isang babae. Yun bang every minute, gusto ko siyang itext para kamustahin. Ewan ko, basta isa lang ang nararamdaman ko ngayon, MASAYA :">

---------------------

Charlie's POV

Naglalakad na ako ngayon sa hallway papuntang mini forest. Hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala na ang taong kinaiinisan ko noon at ang taong laging nang-aasar sakin ang siyang magpapasaya sa araw ko. Hindi ko talaga akalain na hahantong kami sa ganitong sitwasyon. Parang dream come true lahat ng nangyayari sakin :">

Palabas na ako ng hallway ng may naramdaman akong may pumatong sa balikat ko.

" .... Hi sweetheart!! ..." sabi niya sabay ngiti.

Nagulat naman ako sa ginawa niya kaya di ko napigilang magsalita.

" .. sweetheart? adik ka din noh? .." sabi ko habang nakayakap sa libro.

" .... Oo adik sayo!! .." at ngumiti na naman siya.

Di ko na itatago pa, kinikilig na ako. Parang gusto ko ng tumakbo at dumiretso sa CR para umihi.

" .. bakit ba lagi ka na lang nandito? taong gubat ka ba? .." tanong niya habang papasok kami sa mini forest.

" ... Psh. ewan ko sayo.." sabi ko at umupo na ako sa bench.

Binuksan ko na ang librong dinala ko at nagsimula nang magbasa. Di ko alam kung anong ginagawa niya basta ang pakiramdam ko nasa likod ko siya.

Maya-maya pa ay naramdaman ko na lang na umupo siya at sumandal sa likuran ko. Narinig ko bigla yung tunog ng theme song ng Angry Birds. Bale magkatalikuran kami, siya na nasa likod ko ay naglalaro habang ako ay nagbabasa. Grabe lang, di ba naiisip ni Ranz na mabigat siya? Pinapatigas ko na nga 'tong likod ko para lang di siya maistorbo pero binibigatan niya pa lalo.

" .. Oy Ranz! anong feeling ng nakasandal? masarap ba? .." inis na tanong ko.

" .. Oo, lalo na't pag nakasandal sayo ..." sabi niya.

Dahil sa binibigatan pa niya lalo at ramdam ko din na ngalay na ang likod ko, tumayo na ako.

" .. bahala ka diyan!! .." sabi ko at nakita ko siyang napahiga sa ere nung umalis ako.

" ... ito naman! Oo na, di na ako sasandal, umupo ka na ulit" sabi niya at naglaro na ulit.

Bumalik na ako sa pwesto ko at umupo na ulit. Nakita kong lumipat siya ng pwesto at tumabi sa akin.

Pinabayaan ko lang siya sa ginagawa niya. Ganito talaga kami, may sari-sariling mundo. Napansin ko namang itinigil na niya ang paglalaro at may kinuha sa bulsa niya.

" ... charlie.." mahina niyang tawag.

Isinarado ko naman agad ang libro ko at tiningnan siya.

" .. bakit?? .." tanong ko.

"... para sayo..." mahinang sabi niya at ibinigay sakin ang kwintas na may pangalan ko.

" ... susuutin ko? .." ito yung nasabi ko sa sobrang kilig.

" ... hindi, kainin mo.." sabi niya sabay ngiti.

" ... Psh. kahit kailan ka talaga.. salamat ha? .." sabi ko at itinago sa kamay ko.

Tumingin ulit siya sakin at pinisil ang pisngi ko.

" .. yan ang unang bigay ko sayo kaya ingatan mo ha? .. " sabi niya sabay pisil sa pisngi ko.

Agad ko namang itinago ito sa kamay ko at tiningnan siya.

" ... salamat ha?... ka-kasi first time may magbigay sakin nito at ikaw pa.." sabi ko sa kanya.

Nakita ko namang ngumiti siya sa sinabi ko at ginulo pa ang buhok ko.

" siyempre mahal kita e..." sabi niya.

Totoo ba yun? ...Yieeh :"> Nag-blush ako dun. Bumibilis ang tibok ng puso ko. Ano bang nangyayari sakin??

Is this love?

-------------

Andrea's POV

Tama ba 'tong nakikita ko? Si Ranz at Charlie, magkasama? Hindi kaya sila na. Urgh! No way!

Naghihintay lang ako ng tiyempo para mapalayo si Charlie kay Ranz. Hintay hintay lang, aarangkada din ako. Kailangan kasi may gamitin akong tao para sa plano ko. Hindi lang basta ako ang kikilos. Ang gagamitin kong tao ay yung malapit kay Charlie.

Hindi ko hahayaang maging masaya si Charlie. Gusto kong makita siyang malungkot, umiiyak at nasasakdal. Makita ko lang siyang ganun, masaya na ako.

Sisimulan ko na 'tong plano ko para sa kanya. (evil laugh)

___________________________

to be continued.

[Thanks for reading kahit maikli]

Those Three Little Words [Season 2 of Gummy Worms]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon