Let me explain...

1.6K 42 10
                                    

[A/N: Dedicated to my readers.]

 Charlie's POV

" ..Andrea, asan yung mga files ko?! ..ibalik mo na sa akin yun.." yun agad ang ipinambungad ko sa kanya.

" . anong files bang sinasabi mo? ..wala akong alam dyan.." sabi niya with paamo effect.

Psh. porket nandidito lang ang mga kaklase niya, nagpapaamo na agad siya para ang mas ayawan ay ako. Ganun ba yun? Galing umarte, solid!

" ..di ka ba talaga aamin dyan? ..gusto mo bang kalbuhin kita dito hanggang sa umamin ka?! ha?! .." panakot ko sa kanya. Panakot ko lang naman yun kasi alam kong di aamin tong babaeng to, masira pa ang image niya.

Walang salita-salita, hinila niya ako palayo sa room nila at dinala sa likod ng hagdanan. May papasok kasi doon kaya hindi kami agad makikita.

Tumigil na kami pagkarating dun at binigyan ako ng evil smile. " ..ano bang kailangan mo, weirdo! .." sabi niya habang naka-crossed arm.

" ..yung files ko.." sabay lapat ng kamay ko sa tapat niya. " .. alam kong nasa iyo yun, wag ka ng magmaang-maangan pa.."

" ..files ba talaga ang kailangan mo? ..o si Ranz talaga? ..don't tell me hanggang ngayon bitter ka pa rin? ..ang loser mo talaga kahit kailan, pwe! .." kung mataas-taasan niya ako ng kilay kala mo naman kung sino siya. Ingudngod ko siya ngayon eh..

" ..wala na akong ibang pakay pa kundi yung files ko.. YUNG FILES KO! .." diniinan ko talaga yung last phrase ko para naman sumaksak sa isipan niya.

" ..files? yun bang makapal? ..Oh I think kailangan mo ng puntahan ang janitor natin baka kasi-- baka kasi nasa dumptruck na siya ngayon.. Pero kung wala pa, swerte mo girl!! .." sabay hampas sa braso ko. Eeww, FC !

Uminit ang dugo ko sa sinabi niya at lalo na sa itsura niya. Laging nakataas ang kilay, kung hindi nakapameywang, nakacrossed-arm siya.

"..Oh sorry but I need to go.." sabi niya at umalis sa harapan ko sabay bangga sa akin. Nakatayo pa ako dun ng bigla siyang nagsalita, " ..hey bilisan mo, baka tuluyang madumihan yung files mo.. pero wag kang mag-alala, humanap ako ng malinis na basurahan at dun ko isinalpak.. hanapin mo na yung treasure mo, your time starts now.." at rinig ko ang footsteps niyang papalayo na.

Ano pa bang itinatayo-tayo ko dito? Hanap na! ..Lumabas na ako at binuksan ko isa-isa yung mga basurahan.

Ilang basurahan na din ang nabuksan ko pero hanggang ngayon wala pa rin. Niloloko ba ako nung babaeng yun? Naku wag lang niyang subukan, makakatikim talaga yun sakin ng black eye.

Napatigil ako sa paghahanap ng may kumulbit sa akin." ..wala po yun sa basurahan ...sa drawer lang po niya nilagay.." tiningnan ko ito at nakita ang isang napakaamong mukha.

" ..ah thanks! ..d-drawer? .." ang dami kasing drawer dito kaya di ko alam kung anong drawer.

" ..yung drawer sa tabi ng bulletin board, andun yun ..kita ko kasi siya kanina na may nilagay dun eh.." sabi nito.

Bigla naman akong nabuhayan ng dugo sa sinabi niya kaya agad akong nagpasalamat sa kanya at umalis na. Pagkarating ko dun sa sinabi niyang drawer, andun nga at wala sa basurahan. Buti na lang talaga at may isang anghel na tumulong sa akin. Napaupo na lang ako sa isang bench malapit sa bulletin board. Di ko alam kung bakit ako biglang nanghina ..o baka naman pagod lang ako... Oo pagod nga ako.. at bigla na lang dumating si Kenneth..

Those Three Little Words [Season 2 of Gummy Worms]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon