I thought...

1.5K 38 7
                                    

" ..Naku 5 minutes late na ako! .." kaya agad na akong kumaripas ng takbo sa hallway papuntang room. Wala namang tao sa hallway kasi nga time na kaya habang tumatakbo ako, may paikot-ikot pa akong nalalaman na nagmamala-prinsesa.

Pagkarating ko sa tapat ng pintuan ng room namin ay narinig kong may pinag-uusapan sila. Di na ako nag dalawang isip pa kaya kumatok na ako sabay bukas ng pintuan.

" ..You're late ...AGAIN! .." bungad sakin ng adviser ko. Pumunta na ako sa upuan ko habang nakayuko. Pinagtitinginan kasi nila ako.

Umupo na ako sa upuan ko ..hanggang ngayon hinahabol ko pa rin ang hininga ko, napagod talaga ako kakatakbo.

" ..may napili na ako sa inyo kung sino ang may gagampanan sa ating mini play sa English Day ..makinig ng mabuti ha? .." rinig kong sabi ng teacher ko kaya napatingin ako sa kanya.

" ...The protagonists are Queenie Toledo and Kael Reyes.." nagpalakpakan kaming lahat at hinintay na ulit ang susunod na sasabihin ni Ma'am.

" ...followed by the scriptwriter Girlie Cruz and the director, Ana De Castro .."

Wow napili ang dalawa kong kaibigan. Di na ako nag-eexpect pa na matatawag pa ako ..lagi kasi akong bad shot sa teacher kong yan ..bukod sa lagi akong late sa kanya minsan di pa ako nakikinig.

" .. ilalagay ko na lang sa bulletin board yung mga iba pang characters plus yung mga propsmen.." sabi ng teacher namin.

" .. lights and sounds director ay si Kenneth Sy, pwede ka ring magpatulong kay Marie kung kailangan mo." sabi ni Ma'am habang nakatingin sa kanila at nagnod naman si Ken.

Nagkaroon ng katahimikan sa room habang hinihintay pa ang susunod na sasabihin ni Ma'am. Nakatingin lang siya papel na hawak niya kung saan nakasulat ata ang pangalan namin.

".. sino kayang pwede dito? .." mahinang sabi ni Ma'am. Tiningnan niya kami isa isa. Ano kayang slot na wala pa? At bakit parang pinag-iisipan pa ni Ma'am?

Tumingin siya kay Aby, Selena, Iris, Ken at ..sa akin. Nag-stock yung tingin niya sakin. Grabe nakakatakot naman tong teacher na to! ..alam ko namang lagi akong late pero sana wag naman akong titigan ng ganyan.

"..Ikaw na lang pala ..dito ka nababagay.." napaturo ako sa sarili ko. Ako? bakit ako? .. ".. Charlie, ikaw na ang iaassign ko na maging photographer habang nag-piplay sila .." Magiging photographer ako? Sa halip na nanonood ako sa kanila, magiging busy ako kakakuha ng picture sa kanila?

" wag kang mag-alala, may kasama ka naman.. " hayy salamat, di lang ako ang mamomroblema at magiging busy.. " .. si Ranz Ongsee ang kasama mo, tutal hawak niyo pa rin naman  yung pangalan niyong Tom and Jerry, right? .." napatingin ako kay Ken pagkasabi nito. Nakakainis naman oh! ..bakit ba lagi na lang dumadating yung time na kailangang magkasama kami?

ENGLISH ROOM--

Nag-uusap usap na kami ngayon tungkol sa aming plano. Ang ilan sa napag-usapan namin ay kung kailan at saan magpapraktis. Stress na naman ang abot nito sakin! As usual, di mawawala ang bantay ni Ranz na si Andrea Louise Ginkel. Todo support naman lagi yun kay Ranz kahit taga-picture lang siya.

" ..mamaya na tayo mag-iistart ng praktis ha? ..ipapacheck ko lang kay Ma'am kung ayos na 'tong script na ginawa ko.. 4pm sharp dapat andito na.." sabi ni Girlie, ang scriptwriter. Bukod sa presidente siya ng sa room namin, presidente din siya ng Drama Club sa school namin. Kaya marami ng mga estudyanteng marunong umarte dito.

Magkasabay kaming lumabas ni Ken ng English Room. At pagkalabas namin, nakita ko agad si Andrea. Nagpalitan lang kami ng ngiti at pinuntahan na agad niya si Ranz na kasalukuyang nasa loob pa ng room.

" ..grabe noh? grabe talaga! ..bakit pa kasi nabuo ang Tom and Jerry? ..akala ko matanda na si Ma'am para matandaan pa yun, pero hindi pala.. nag-memo plus gold siguro yun? .." sabi ko kay Ken. Nakita kong ngumiti lang siya at napahinto sabay tingin sakin. " ..ayan ka na naman.. tapos iiyak-iyak ka dyan pag nasaktan ka sa mga nakikita mo.. di talaga mawawala yang sakit na nararamdaman mo kung patuloy mo pa rin siyang inaalala ..katulad niyan, naging magkapartner lang kayo, binibigyan mo na agad ng meaning.." sabagay may point siya. Binibigyan ko ba ng meaning?

" .. hindi naman.. pero ..pero nakakailang kasi e.." sabi ko sa kanya at napatuloy na ulit kami sa paglalakad. Kakain lang kami ng mabilis para makapunta na agad sa practice hall. " ..sus, ikain mo na lang yan.. ano bang gusto mo? libre na kita! .." pagdating sa pagkain, walang tanggi-tanggi pa kaya itinuro ko na ang mga gusto ko. I repeat ''mga''.

" ..banana cue, chicharon, pillows, french fries at saka magsosoft drinks ka pa! ..di ka ba atayin niyan? ..ang takaw takaw mo nga, di ka naman tumataba.." sabi niya habang hinihintay yung pagkain na itinuro ko.

" ..grabe ka naman! ..siyempre yung iba mamaya ko pa kakainin sa praktis ..by the way, dala mo ba ang camera mo? ..wala kasi ako.." naalala ko kasi na nanghiram lang pala ako kay Ranz ng cam dati. " .. oo meron, kuhanin ko na lang mamaya sa locker ko.."

PRACTICE HALL--

Kanina pa kami nandidito sa sulok ni Ranz. Tagapicture nga lang pala kami kaya sa English Day na kami kikilos. Ewan ko ba kung bakit kailangan naming basahin yung script. Hawak hawak ko lang itong script pero hindi ko binabasa. Samantalang itong kasama ko, ginagawa ng eroplanong papel yung script na binigay sa kanya.

Dahil sa sobrang tagal nila ay nakatulog na lang ako ng di ko namamalayan. Kahit na wala akong ginagawa, feeling ko pagod na pagod ako. Zzzzz -_-

~~~~~~~~~~~~~~~~~

There's only one thing to do

 three words for you

I love you

There's only one thing to say

those three words

and that's what I''ll do

I love you..

Ano ba 'tong ingay sa tenga ko? Wala naman akong headset ah..

Iminulat ko ang mata ko at nakita ko siya.. Nakatingin lang siya sakin sabay ngiti.

" .. gisiing ka na dyan.. kanina pa sila nakaalis.. tara, sabay na tayo! .."

Kinusot ko ang mata ko pero siya talaga ang nakikita ko.. " ..Ranz? ..ikaw ba talaga yan? .." sabi ko at lumingon siya.

".. Oo naman.. ako si Ranz Kyle Viniel Ongsee na mahal na mahal ka at di ka kayang iwan .."

--------------------------------------------------------------------------------

To be continued...

Those Three Little Words [Season 2 of Gummy Worms]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon