Chapter 32

1.4K 39 16
                                    

Hello Noela!

-------------------------------------

[Heidi's POV] (tanda niyo pa ba siya? Kung hindi, close friend siya ni Charlie at classmate ni Ranz)

" Alam niyo ako ang kinakabahan sa inyo! Wag nga kayong ganyan.. siguro naman may rason kung bakit di siya nagpaalam di ba? " sabi ko kasi naman natetense ako sa mga pinagsasasabi nilang nega. Paano daw pag bumisita si Ranz? Natatakot daw sila sa magiging reaksyon ng iniwanan.

Actually nandito kami sa tapat ng bahay nila Charlie. At di rin namin inexpect na wala na kaming aabutan dito. Sabi lang ng kapitbahay nila na umalis na daw sila papuntang States. Susyalen si Charlie, pa States States na lang!

Ay ano ba to? Dapat nalulungkot din ako tulad nitong mga kasama kong si Ana, Girlie at Sarah. Kanina pa nga sila tulaley dito eh.. si Charlie naman kasi di pa nagpaa---

" S-Si Ranz, andyan na! " biglang sabi ni Girlie na halatang tarantang taranta na.

" Magtago tayo! " sabi ni Ana.

" Hala oy! Anong magtatago? Paano natin makocomfort si Ranz? Alangan naming sumulpot tayo na parang anghel tapos sasabihin nating ' wag kang mag-alala, may kasama ka ' "

boinnkkk!

Oo tama.. binatukan ako ni Ana.. first time lang ako nitong batukan, pagbigyan niyo na.

" Kung nandidito tayo, paano mailalabas ni Ranz ang saloobin niya? Malamang mahihiya yun at di niya masusuntok tong pader na 'to.." sabay turo nung pader sakin.

Saloobin? Wow big word!

" Hayy naku, bago pa kayo magsabunutan dyan eh magtago na muna tayo.. Saka ikaw naman Heidi, alam ko namang naaapektuhan ka dyan eh, tingnan mo nga may namumuong luha na dyan sa gilid ng mata mo.. pinipilit mo lang magpakasaya.." bigla akong natauhan sa sinabi niya.

Oo tama siya.. nung malaman ko nga to naiyak na ko eh.. Kaso nakakahiya namang umiyak kaya pinipilit ko na lang na wag magpaapekto..

" Sige na nga, tago na tayo.." at ayun nga, may kanya kanya na kaming pinagtaguan. Yung iba sa may mga puno samantalang ako sa likod ng basurahan, yun na lang ang pinakamalapit eh.

Tanaw ko na si Ranz ngayon. Ngiting ngiti siya habang pinagmamasdan yung hawak niyang gifts. At saka may dala rin siyang bouquet na color ...red ba yun or pink? basta bulaklak! yun na yun...

Nasa harap na siya ng gate ngayon at nagdodoor bell.

*ding dong

*ding dong

Maya-maya pa ay lumapit na naman si kapitbahay sa kanya.. siya rin yung nagsabi samin eh.. May sinasabi siya kay Ranz tapos ngumingiti lang si Ranz na parang walang nangyari. Teka nagjojoke time ba tong kapitbahay na to?

Ilang minuto na ang nakalipas at nandun pa rin si Ranz sa pader na tinuro ni Ana sakin kanina, nakasandal. Binubukas sarado niya yung isang maliit na box at tinitingnan ang bahay nila Charlie. Ganun lang ang routine niya, bukas-sarado at tingin. Maya maya pa'y umalis siya sa pagkakasandal at tumingin ulit sa bahay. Ngumingiti pa ito pero unti-unting nawawala at napapalitan ng isang di maipintang mukha. At di rin nagtagal, umalis na siya.

Habang pinapanood ko siya, nalulungkot ako na may halong awa. Siguro kung nakikita lang ni Charlie si Ranz ngayon, maaawa din ito. Sa mukha pa lang ni Ranz, iba na...

.....hopeless

-----------------------------------------------

a/n:

Pasensya na sa napakaikling update na to. Bawi na lang ako sa sunod. Inihahanda ko pa ang POV ni Ranz. Ano kayang magiging reaksyon niya?

Btw. close na ang dedications. Yung last two na nagsabi, yun na yun.

Thanks...

God speed

Those Three Little Words [Season 2 of Gummy Worms]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon