*insert title here*

1.4K 47 4
                                    

[RANZ KYLE'S POV]

Nitong mga nagdaang araw pilit kong binabalik yung dating kami. Araw-araw kaming nag-iistroll after ng klase at alam ko namang masaya siya. Gusto ko ulit siyang makasama at sa ginagawa kong 'to mas lalo ulit akong nahuhulog sa kanya.

" Tara na! " napatingin ako sa kanya at nakita ang nakangiti niyang mukha.

" Sige.." sabi ko at hinawakan ko na ang kamay niya at umalis na kami.

" Ano namang naisipan mo at lumabas tayo? " tanong niya.

" Namimiss na kasi kita " nangingiti kong sabi sa kanya at humarap ako.

" Sus ang keso mo talaga kahit kailan.." sabay hampas sa braso ko.

Napabitaw ako sa paghawak sa kamay niya at napahawak naman ako sa braso ko, " Eto naman, masama bang magsabi ng totoo? " sabi ko sabay gulo sa buhok niya.

Ngumiti naman siya, yung ngiting para na kong nasa langit. " Tara na nga! " at siya na mismo ang humawak sa kamay ko.

Sobrang saya ng pakiramdam ko ngayon to the point na nakalimutan ko na naglalakad pala kami dahil kasama ko siya.

Hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya.

" Ice cream tayo, gusto mo? " tanong ko at nag-nod naman siya.

Pumasok kami sa ice cream shop at pinaupo ko na siya dun sa bakanteng upuan sa tabi ng bintana.

***

After several minutes sa loob ng ice cream shop, lumabas na kami. Naglibot-libot muna kami, yun kasi ang gusto ng kasama ko eh. Kain ng isaw, strolling at kung ano ano pa.

" Wow ang cute naman nito! " tuwang tuwa si Charlie nung makuha niya yung prize na human size teddy bear.

Nagulat na lang ako ng bigla niyang ipinatong ang kamay niya sa balikat ko, " Ranz, wag ka ngang malungkot. May problema ba? "

" Wa-Wala. Masaya lang ako kasi kasama kita. Tara na nga, ikaw talaga.." hiniwakan ko ulit ang kamay niya at umupo kami sa bench.

Kung nagiging pera lang ang kasiyahan, ako na ata ang pinakamayaman.

[CHARLIE'S POV]

Kung meron mang dahilan para maging masaya, ito na yun.

Mag-aalas siete na kaya napagpasayahan na naming umuwi.

" Pasok ka na.. baka mapuyat ka pa. " sabi niya habang nakangiti.

" Sige Ranz salamat. Ikaw din umuwi ka na baka marape ka pa sa daan.." sabi ko sabay tawa at nakita ko rin siyang ngumiti.

Lumapit siya sakin, " Magtetext ka ha? ." nangingiti niyang sabi.

At bigla niya kong niyakap ng mahigpit na para bang nanggigil pa.

" Di ko alam kung tama ba 'tong gagawin ko. Matagal ko na 'tong gustong gawin pero wala naman akong lakas ng loob. " umalis siya sa pagkakayakap at tinignan ako ng seryoso.

*eye to eye*

" Mahal na mahal kita Charlie." at nilapit  ang labi niya hanggang sa magdampi ito sa pisngi ko.

He kissed me...

Sana si Ranz na talaga. Napatawad ko na siya kaya ayos na ang lahat. Sana hindi na niya ko ipagpalit..

Kaso mukhang tutol ang kapalaran sa amin...

------------------------------------------------------------------------------

Lili's note:

Malapit na po matapos ang storyang ito. Konting chapters na lang at tapos na ang Ranz Kyle fanfic na 'to. Tagal kong di nakapag-author's note. Salamat nga po pala sa mga nagbabasa nito at lalo na sa mga nagcocomment. Naaappreciate ko po lahat yun! Smile :) 

Those Three Little Words [Season 2 of Gummy Worms]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon