Ch.? I'm jealous

1.8K 42 4
                                    

_________________________________________

Ranz POV

Hanggang ngayon di ko pa rin makalimutan yung nakita ko kahapon. Pero pilit kong kakalimutan yun, may tiwala naman ako kay Charlie na magkaibigan lang sila ni Xander. Nagkamali talaga ako ng desisyon kahapon dahil sa selos ko sa kanilang dalawa, nagawa kong ibigay sa ibang tao yung regalo ko na dapat ay sa kanya.

" ... ikaw talaga, nakalimutan mo na atang birthday ko kahapon e.. wala man lang akong natanggap na regalo.." sabi niya habang binubuklat-buklat ang notebook ko.

" .. regalo talaga? .. next time na lang ha? busy pa kasi ako.." sabi ko.

" .. busy? bisi-bisihan? baka may iba kang niregaluhan.. .. " sabi niya at tumingin sa akin na para bang pinapaamin ako.

Ha? di kaya, nakita niya kaming dalawa kahapon.

" ... siya sige na, next time na lang.. belated happy birthday nga pala.." sabi ko sabay gulo sa buhok niya.

Kung di ko nga lang sana binigay kay Andrea yung bear, e di sana napasaya ko siya ngayon.

" .. gusto mo pasyal na lang tayo tutal half day lang naman tayo e.." sabi ko.

" .. sige ba, after lunch alis na tayo .." naeexcite na sabi nito.

Kailangan kahit malling lang ang gawin namin, mapasaya ko siya.

Nandito na kami ngayon sa mall. As usual, dumiretso na naman kami sa timezone. Nilibre ko siya ng 20 tokens at 10 tokens para sa akin. Sinamahan ko siyang maglaro, lahat ng laruin niya nilalaro ko rin. Una siyang pumunta sa 'tekken area', di ko akalaing naglalaro siya nito, masyado kasing panlalake to e. Sumunod naman ay nagbasketball kami, nagpupustahan pa nga kami na kung sino ang matalo, manlilibre ng pagkain. Pumayag naman ako dahil alam ko namang ako ang mananalo.

Sobrang saya ko talaga ngayon. Hindi ko alam kung sa kasama ko ako natutuwa o sa mga nilaro ko. Pero 100%, masaya ako.

---------------------

Charlie's POV

Kumakain na kami ngayon dito sa foodcourt. Dito ko na pinili kasi mura lang at kasya lang sa pera ko. Buti na lang at di nagreklamo 'tong kasama ko. Subukan lang niya, papasuin ko talaga siya!

" .. Ranz, cr lang ako ha? .." sabi ko at nakita ko naman siyang nag-nod kaya dumiretso na ako sa cr.

Pagkarating ko sa banyo ay dumiretso agad ako sa bowl. Isinuka ko lang naman yung taba ng baboy. Promise, kaya kong isubo yung taba pero pag malapit na sa lalamunan ko, napapasuka na ako.

After several minutes, nakalabas na rin ako sa banyo. Habang papunta ako sa upuan ko ay nakatingin sakin si Ranz.

" .. akala ko kinain ka na ng inidoro, ang tagal mo naman kasi.." sabi niya.

" .. eto na ako, nakabalik na.. kain na ulit tayo .." sabi ko habang itinuturo ang sarili ko.

Habang kumakain siya, tumitingin siya sa akin tapos biglang ngingiti. Parang ewan talaga!

"... pasensya na pala kasi di kita nabati kahapon ..." mahinang sabi nito.

Oo alam ko naman yun. Alam ko namang busy ka sa paghahanap nung teddy bear para ibigay sa babae mo. Hayy kung pwede ko nga lang sabihin ito, nasabi ko na kanina pa. Sobrang nasaktan talaga ako kahapon. Mahalata mo.sana Ranz..

" .. a-ayos lang yun atleast napasaya mo ko ngayon, di ba? .." sabi ko. Nakita kong ngumiti siya pero sakin pilit lang. Ayokong malaman niya na nakita ko ang lahat.

" .. ano? pasyal pa tayo? .." sabi nito nung matapos na kaming kumain.

" .. medyo pagod na ako e, uwi na lang tayo.." sabi ko. Nag-nod naman siya kaya tumayo na kami at umalis na sa foodcourt.

Habang naglalakad kami ay nadaanan namin yung Bear Cuddler, wala na yung nakadisplay na human size teddy bear sa labas. Nabili na niya:(

" .. wala na yung teddy bear o.. ang yaman naman nung bumili nun, ang swerte siguro nung pinagbigyan ...." pagmamaang-maangan ko.

" .. ah oo n-nga noh.. " maikling sagot nito.

Natahimik na lang kaming dalawa pagkalagpas namin dun hanggang sa paglabas. Di pa rin kami nag-iimikan kahit nasa kalsada na kami papunta sa amin. Maya-maya ay napansin kong tumigil siya kaya napatigil din ako at tumingin sa kanya.

" .. Charlie .." mahinang sabi niya.

Di muna ako umimik at hinintay na masundan pa yung sasabihin niya.

" .. a-alam ko namang nakita--- ....wala naman talaga-- ....nadala lang ako---....."

ha? ang gulo.. ano bang pinagsasasabi nito? .. nae-alien na naman siguro.

" .. ano? .." nagtatakang tanong ko.

Bigla siyang lumapit sakin at niyakap ako ng biglaan at may binulong na.

" .. ang damot ko talaga kahit kailan noh? .. pati ikaw ipinagdadamot ko sa iba ..."

----------------------------------

to be continued ....

Those Three Little Words [Season 2 of Gummy Worms]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon