False Situation

1.5K 36 8
                                    

Charlie's POV

Buti na lang talaga at natago ko ng maayos sa locker ko yung files naming magkakaklase. Ngayon na kasi ang pasahan at ang malate, di na matatanggap.

" . Cha, kunin mo na yung mga files para di na tayo mamroblema mamaya.." sabi sakin ni Mandy habang hinahanap ang ballpen niya.

"..O sige, wait mo ko ha? .." naeexcite na sabi ko sa kanya. Nakakaexcite kasi finally may mapapasukan na ako at parehas pa kaming magkakaklase.

***

Nasa tapat na ako ng locker ko kaya dali dali ko na itong binuksan pero sa halip na matuwa ako, nagulat ako sa nakita ko.

" ..a-asan na yun? .." nagpapanic na sabi ko habang hinahalungkat yung loob ng locker.

" ..dito ko lang yun nilagay..naku wag, wag naman sana tama ang hinala ko.." nanlulumo na ako sa kinatatayuan ko hanggang sa napaupo na lang ako at nag-iiiyak na parang batang inagawan ng lollipop.

Di pwedeng mawala yun, di pwede! ..di naman basta mawawala yun sa locker ko, ngayon lang ako nawalan ng gamit dito. Napakahalaga nun sakin at pag nawala yun, patay din ako sa mga kaklase ko.

Habang nag-iisip ako dito kung baka na-misplace ko lang. May isang taong sumagi sa isip ko na siya namang sinang-ayunan ng sarili ko. Di na ako nagdalawang isip pa kaya sinugod ko siya. Kahit anong mangyari, wala akong pakialam. Kahit magalit pa sila sakin, wala akong pakialam. Alam kong siya lang ang gagawa nito sa akin.

Ranz Ongsee's POV

Nandidito ako ngayon sa canteen ng naramdaman kong may nag-vibrate sa bulsa ko. Kinuha ko ang cellphone ko at nakita ko ang missed call ni Andrea.

Bakit kaya? May problema ba? Di naman yun tatawag sakin kung walang problema eh.. kaya malamang meron yan.

" ..tol, may pupuntahan lang ako ha? .." sabi ko sa kanila at nag-nod silang lahat.

***

Nasa hallway na ako ng may napansin akong babaeng tumatakbo habang umiiyak. Nagulat na lang ako ng bigla itong tumigil sa harapan ko.

" Ranz.." sabi nito sabay yakap sakin.

Nagtataka na ako kung ano ba ang nangyari.. Sa itsura niya ngayon, mukha siyang pinagtulungan at binully ng mga tao.

" ..b-bakit? ..anong nangya--'' pero bago ko pa man matapos ang pagsasalita ko bigla na siyang nagsalita. " ..si Charlie.." 

Umalis siya sa pagkakayakap at tumingin sakin ng seryoso. Hanggang ngayon nire-refresh ko pa rin sa isip ko kung tama ba ang narinig ko. Si Charlie nga ba? ..ang dahilan ng pag-iyak niya ngayon?

Di ko alam ang sasabihin sa kanya kaya siya na lang ang nagsalita.

" ..Ranz, pinagbintangan kasi ako ni Charlie na kinuha ko daw yung mga files sa locker niya, e di naman talaga.. ni hindi ko nga alam kung asan ang locker niya eh.. tapos nung sinabi kong hindi, bigla na lang niya akong sinampal.. ano ba talagang problema niya? " at umiyak na naman siya.

" ..sabi pa niya, mang-aagaw daw ako..inagaw daw kita sa kanya..at ang sabi pa niya gagawa daw siya ng paraan para mapabalik ka lang daw sa kanya.."

" ..Ranz.. natatakot na ako.. baka one day bigla ka na lang mawala sa akin.. di ko kaya yun Ranz.." habang umiiyak siya ay sinasabi niya ito at pagkatapos ay hinawakan niya ang kamay ko. Hindi ko alam kung anong expression ang ipapakita ko.

Those Three Little Words [Season 2 of Gummy Worms]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon