Ranz POV
Tapos na akong magbihis kaya binalikan ko na si Andrea na nasa kwarto ko. Nakaupo lang siguro yun ngayon dun tutal nakalimutan kong buksan ang tv. Pagkabukas ko ng pintuan ay nakita ko siyang nakatalikod at nung tinawag ko siya ay humarap siya sakin at nakita ko siyang umiiyak habang iniaangat ang kamay niyang may hawak na pictures.
Hindi ko alam ang sasabihin ko ni hindi ko rin alam ang gagawin ko. Nakatayo lang siya sa tabi ng kama ko habang nakatingin sakin.
" ..a-andrea.."
" ..ba-bakit? ..bakit Ranz? ..a-akala k-ko ba a-ayos n-na? .." umiiyak pa rin siya habang sinasabi ito.
Nakita kong tinitingnan-tingnan niya isa-isa yung mga pictures at kapag tapos na itinatapon niya sa kama.
" ..s-siya pa r-rin ba? ..n-nung mga t-time na m-magkas-sama tayo, s-siya pa rin ba a-ang nasa i-isip mo? ha? "
" ..ano.. a-andrea hindi sa ganun.. ah ano.." nauutal kong sabi. Di ko kayang magsalita ngayong umiiyak siya sa harapan ko at ako pa ang may kasalanan.
Umupo siya sa kama at itinakip ang kamay niya sa mga mata niya. Nilapitan ko siya at tumabi rin sa tabi niya.
" ..a-andrea ..tahan na.." pagkasabi ko nito ay bigla siyang tumayo, " ..siya pa rin ba? ..yung babaeng minsan ka ng niloko? ..yung babaeng naging dahilan kung bakit nakaranas ka ng kalungkutan? ..yung babaeng kahit minsan di nagawang ipaglaban ang lahat para sa inyo? ..yun ba? yun ba ang gusto mo,ha? " napatigil siya sandali pero nagsalita ulit "..sumagot ka ranz! ..sabi ko sagutin mo ako, di ko sinabing titigan mo ako.. ano ba, ha?! .sagut--."
This time napasagot na ako ng hindi pinag-iisipan. Sadyang ito lang ang lumabas sa bibig ko.
" ..OO NA! OO NA! SA TUWING MAGKASAMA TAYO, SIYA ANG NAIISIP KO. HINDI KO SIYA MAGAWANG KALIMUTAN DAHIL SA LAHAT NG GINAWA NIYA AT DI KO SIYA KAYANG KALIMUTAN DAHIL SIYA LANG ANG NAKAPAGPASAYA SA MUNDO KO.. SAKA PARA SABIHIN KO SAYO, IPINAGLABAN NIYA ANG LAHAT PERO DUMATING KA EH, KAYA AYUN NAPILITAN SIYANG LUMAYO.."
" ..so nagplastikan lang pala tayo? ..plastic yung lahat ng ginawa natin.. plastic lahat yung seryoso nating usapan dahil siya pa rin ang iniisip mo.. ganun ba yun? ha?! ha?! .. what the! .."
Tumulo na naman ang luha niya. This time di ko siya magawang icomfort sa lahat ng nasabi ko at sa lahat ng katangahang nagawa ko. Di ko siya nagawang patahanin.
Dahan dahan siyang tumingin sakin at kita sa mukha niya ang galit, "..let's end this game.. let's end this f.cking game!! .." at umalis ng padabog sa kwarto ko.
Napaupo na lang ako sa sahig at ipinatong ang ulo ko sa tuhod. Ano ba itong pinasok ko? Sabi na nga ba magiging problema to eh!
Kinuha ko ulit yung mga pictures na itinapon niya sa kama ko. At sa bawat tingin ko dito, nasasaktan ako at naiinis sa sarili ko. Si Charlie lang naman ang nasa pictures, mga stolen shots niya na pasimple kong kinuhanan at yung picture na naka-wallpaper sa laptop ko, siya rin at wala ng iba.
Napasandal na lang ako sa kama habang nirerefresh sa isipan ko yung kaganapan kanina. Minahal ko naman si Andrea ah pero iba pa rin pag nawala yung taong nagpapasaya sayo.
How ca I move on when I'm still inlove with you?
BINABASA MO ANG
Those Three Little Words [Season 2 of Gummy Worms]
FanfictionAfter ng confession, ano na nga ba ang kasunod? Pwedeng may mawala, pwedeng may pumalit at pwedeng may bumalik. [Season 2 of Gummy Worms]