Ilang araw umabsent si Ranz last week pero kapag pumapasok parang di naman siya nag-eexist. Sobrang tahimik lang niya at kahit mga kaibigan niya, nagtataka na.. Siyempre bilang kaibigan, worried ako sa kung anumang nangyayari sa kanya. Ang saya saya namin sa room tapos siya naman blankong-blangko ang mukha. Nakakacurious tuloy...
" ..ano na bang nangyayari sa kanya? ..nakakapanibago ah.." mahinang sabi ni Owy sakin habang nagsusulat kami sa board.
" ..ewan ko.. kayo na lang kaya ang magtanong tutal lagi naman ata kayo nagkikita.." sabi ko at inilapag ko na ang chalk sa chalkbox at tumalikod na.
Ano nga ba talaga ang nangyayari? Ang weird.. ibang Ranz ata ang kasama namin ngayon ah.. kung iba? asan ang tunay na Ranz? ..naku baka kinuha na ng alien..
" ..sige alis na ako.." paalam niya samin at dire-diretsong lumabas ng pintuan.
" Weird " ito na lang ang nasabi ni Owy at kanya kanya na kaming lumabas ng room.
Pagkalabas ko ng room ay pumunta muna ako sa locker ko para ilagay yung mga books ko. Pero habang papunta ako, nakarinig ako ng mga babaeng nag-uusap.
" ..wala na sila! wala na.. so what do you think? may pag-asa na kaya ako? .."
" ..yun din ang rinig ko.. wala na daw sila.. ni hindi na sila nagpapansinan pag nagkakasalubong sa daan at hindi na rin sinusundo ni Ranz si Andrea tuwing dissmissal.."
O wait, Andrea? ..May LQ ba? ..baka yun yung dahilang kung bakit....
" ..sabi nga sakin ni Andrea ayaw na daw niya.. mas lalo lang daw siyang masasaktan kung ipapagpatuloy pa nila.."
"aww so sad.. "
Nilagpasan ko lang sila habang nagbubuo ng teorya sa isip ko. Maybe that's the problem...
Pagkatapos kong ilagay ang mga books ko sa locker ay umuwi na agad ako. Bago pa ako makarating sa kanto ay huminto muna ako kay Ka Peryong, suki na kasi ako sa fishball nila. Tutal may pera pa naman ako, gagastos muna ako.
" ..limang piso nga pong kwek kwek at dalawang pisong fishball.." sabi ko at itinuro sakin ni Manong ang lagayan ng stick.
" ..pahingi pong baso.. " binigyan niya ko. "..salamat po.." at nagtusok-tusok na ko ng kwek kwek at fishball at nilagyan ng maanghang na sauce. Yummy!
" ..tatlong pisong fishball nga po.." rinig kong sabi ng katabi ko kaya napaatras ako para makakuha siya.
Pasubo na sana ako ng makita ko ang likod niya. Kilala ko to.. kilalang kilala ko.. at di nga ako nagkamali, siya nga..
Napalingon siya sa akin bago tumusok ng fishball, "..nandyan ka pala.. wait lang ha? .." at nakita kong tumusok siya ng fishballs at inilagay sa plastic cup at nilagyan din ng maanghang na sauce.
" ..dun tayo sa bench.." walang imik-imik ay napasunod ako sa direksyong pupuntahan niya. Pagkarating dun ay agad na akong umupo at ipinagpatuloy ang pagkain.
Pagkasubong-pagkasubo ko ay bigla siyang nagsalita, " ..kinarma ata ako.." sabi niya habang nakatitig sa malayo.
Pinapakiramdaman ko lang ang bawat reaksyon niya. Umuurong ang dila ko sa tuwing naiisipan ko siyang tanungin.
"masaya ka na ba?" tanong niya
" ..ah siyem--"
" ..kasi ako sobrang lungkot ko, ramdam mo ba? .."
BINABASA MO ANG
Those Three Little Words [Season 2 of Gummy Worms]
FanfictionAfter ng confession, ano na nga ba ang kasunod? Pwedeng may mawala, pwedeng may pumalit at pwedeng may bumalik. [Season 2 of Gummy Worms]