Chapter 1 part 3

2K 54 4
                                    

Enjoy!!

--

Ranz POV

Bago ako pumunta sa MDS dumaan muna ako sa school nmin, nakakamiss na din kasi.

Nang makarating na kami ay di ko inaasahang siya ang makikita ko. Nakatitig lang siya sa binabasa niyang malaking poster sa tapat niya. Sakto nman napahinto kami sa tapat nung binabasa niya. Tiningnan ko ulit siya, nakakunot ang noo at parang naiinis. Hindi pa rin talaga siya nagbabago, ganun pa rin siya pero mas may dating siya ngayon.

Nakakamiss talaga 'tong babaeng 'to. Nakatitig lang ako sa kanya habang nakasara ang bintana. Ayokong magpakita muna, bumisita lang nman ako e.

Maya-maya pa ay nakita ko si Heidi na parang itutulak sa likuran si Charlie. At yun nga, tama ang hula ko. Muntik nang sumubsob si Charlie sa lalakeng napadaan sa harapan niya.

" .. maglalakwatsa na nman siguro 'to ..." sabi ko sa sarili ko.

Nang makaalis na sila ay inikot na ni Manong yung sasakyan at papunta na kami sa dapat puntahan.

Madadaanan namin sila kaya tiningnan ko ulit siya. Nakatingin rin siya sa bintana. I mean sa akin pala, sa akin siya nakatingin. Kumunot ang noo niya na para bang narerecognize na nya yung tao sa likod ng bintanang yun kaya binaling ko na uli ang tingin sa unahan. Muntikan na yun ah!

DF: Today I saw HER <3

Charlie's POV

Di ako pwedeng magkamali. Siya nga yung nakita ko, si Kenneth. Pero bakit di siya lumalabas sa kotse. Weird.

Nandito ako ngayon sa living room nila at pinapanood silang magluto. Actually, manok lang ang pagkain nmin dito. Walang kanin, walang sabaw at walang desserts, di kasi mahilig si Sarah dun e.

" Oy! tulala ka na nman.. ano bang nakita mo? .." nag-aalalang tanong sakin ni Ana.

" .. a-ano kasi... wala pala.. linisin mo na yung chicken baka mabuhay pa yan sa sobrang katagalan mo ..." sabi ko na lang.

" .. kung makapag-utos, parang ang daming ginawa ah... eto sayo!! ..." sabi niya sabay hagis ng walis tambo.

" .. maglinis ka! para nman may maitulong ka ..." sabi niya habang dala dala yung manok.

Eto ako ngayon, nagmamala-Cinderella sa pagwawalis.

Xander's POV

Papunta kami ngayong magkakaklase sa farm nila Sarah. Balita kasi nmin may engrandeng handaan daw sila Sarah sabi ni Charlie.

Nang makarating na kami sa farm nila, tiningnan nmin ang paligid. Tahimik, walang kaingay-ingay. Akala ko ba may handaan? Bakit parang walang sounds, lights, o kahit upuan? Ganito na pala ang engrande ngayon, plain.

" .. O bakit nandito kayo? .. "

Napatingin kaming lahat sa nagsalita, si Sarah pala.

" .. may handaan daw e.. alam mo nman kami patay gutom din ..." sagot ni Nicolas, ang kaklase kong 50:50.

" .. anong handaan? WALANG HANDAAN! .." sigaw samin ni Sarah.

Ay, galit..

" .. Over ka nman makapag-react Sarah.. wag kang mag-alala, kami ang tagahugas..." sabi ni Lui, ang kaklase kong bakla.

" .. anong kami? Ikaw lang noh.. idadamay mo pa kami dyan sa sipag-sipagan mo ..." sabi ko.

" .. ano ba kayo? makisakay na lang kayo please.. ako maghuhugas? .. I hate plates!! ..." bulong ni Lui samin.

" .. O andito na pala kayo..." rinig kong sabi nung isang babae, si Charlie pala.

" .. Osha, sige na nga.. andun sila.." sabi ni Sarah sabay turo dun sa umuusok na area.

Nagsitakbuhan na ang mga kaklase ko papunta dun sa tinuro ni Sarah. Nakita ko nmang di pa pupunta si Charlie kaya di na rin muna ako pupunta. Nakikipag-usap siya ngayon kay Sarah, nangungumbinsi siguro.

Maya maya pa'y nakita kong umalis na si Sarah. Kaya sinamahan ko na si Charlie pabalik sa place na pupuntahan nmin.

" .. Sabi mo engrande? .." sabi ko.

" .. Hihi:) may sinabi pala ako? .."sabi niya habang nangingiti.

" .. Nagulat nga kami pagkarating, walang kadesign design yung farm kahit upuan, wala.." sabi ko.

" .. mas marami, mas masaya kaya sinabihan ko kayo.. Di kasi papayag si Sarah pag nagpaalam pa ako .. alam mo nman yun, ang pagdami ng tao sa kanya, magulo sa paningin niya..." sabi ko.

Ibang klase tong babaeng to. Siya lang ang kilala kong babaeng may ganyang galaw.

" .. bilisan na natin.. baka naliligo na sila sa sapa.." sabi niya at hinila niya ko sa kamay.

Nang makarating na kami sa area. Sobrang gulo. Merong ibang umaakyat sa puno, may iba nman na nagluluto at the rest naghahabulan lalo na yung mga 50:50 ang kaanyuan.

" .. OY! LIGO TAYO SA SAPA NILA SARAH ..." sigaw ni Lui.

Patakbo na ang mga kaklase ko ng biglang nagsalita si Sarah.

" .. hindi nmin yan sapa.. sa kapitbahay yan ..." sabi niya.

Tumuloy pa rin ang mga kaklase ko sa pagtakbo sabay ........ TALON!

" .. Araay! akala ko malalim, hanggang tuhod lang pala.. nagkabruise pa tuloy ang tuhod ko .." sabi ni Lui.

Hindi pa rin sila tumigil sa paglangoy kahit na sobrang babaw.

Nakita ko nman na tumalon si Charlie. Kung alam lang niya kung gaano kababaw yan. Bahala na siya.

" .. Oy, ligo ka na.." yaya sakin ni Charlie.

" .. ayoko nga! di ako naliligo sa sapa.." angal ko.

" .. sus! papilit pa e!.." sabi niya at naramdaman ko na lang na may tumulak sa likuran ko habang hawak hawak ni Charlie ang kamay ko.

BOOOGSSH!!

Rinig ko ang tawanan nila habang sinusuklay ko ang buhok ko gamit ng kamay.

Sa totoo, nakakatakot palang kasama tong mga kaklase ko. Ngayon lang ako nagkaroon ng ganitong mga kaklase. Grabe lang! .. Kahit uuwi akong basa ang uniform, medyas at sapatos. Ayos lang atleast naging masaya ako.

DF: Kung girlfriend lang sana kita, sobrang saya ko na. Kaso di ka na pwede what I mean is taken ka na.

-------------------------

To be continued...

haha:)) parang di Ranz Kyle fanfic. Sa next update na ibabalik ang bida promise..

Gwapo si Xander promise!

Those Three Little Words [Season 2 of Gummy Worms]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon