Chapter 36 [Last Chapter]

1.4K 47 18
                                    

Author's Note:

Nabasa ko yung mga comment niyo sa previous chapter lalo na yung kay @BraylleArvicEllosoVe. Salamat sa pagiging reader sa storyang 'to.

By the way, last chapter ko na 'to pero may epilogue pa. Matagal tagal ko pa nga lang ipopost. May exam pa kami eh. Saka nakadedicate ito sa isang reader, yung nagrequest, saka ko na aayusin pag computer na ang gamit ko.

Pagpasensyahan niyo na 'tong chapter na 'to. Pinost ko lang 'to para di masayang ang wifi dito sa school XD.

HAPPY BIRTHDAY GIRLIE CRUZ. MEMBER SIYA SA GRUPO NAMING VOLTES 5.

xoxo

***

'Alam kong parte ng buhay ang masaktan. Pero sana wag naman ganito kasakit. :('

[CHARLIE VERON'S POV]

"Pahingi naman ng papel." napatingin naman ako sa taong katabi ko dito sa airport.

"H-huh?" ewan ko pero may bigla akong naalala.

Na hindi ko alam kung maibabalik ko pa.

"Miss, pahingi naman ng papel kahit scratch lang." sabi nung lalakeng medyo taklob ang mukha dahil sa sumbrerong suot nito.

"Ahh okay." pumunit ako sa mini notebook ko at iniabot ko sa kanya.

"Salamat." sabi niya at umalis na siya.

Nung makalayo na siya, humarap ulit siya sakin at hindi ko inasahan na siya pala yun.

"Ingat ka! Hinihintay ka na niya."

"Kenneth?" pero bago ko pa siya nahabol, nakapasok na siya sa isang sliding door.

*After an hour*

Sumakay na ko sa eroplano pabalik sa Pilipinas. Ako lang mag-isang umuwi ngayon, nagkaroon kasi si Mama ng trabaho dun. Kailangan pa niyang hintayin ang sweldo niya bago siya makapunta sa Pilipinas.

Sa loob ng tatlong taon na pag-iistay sa America, ang dami kong natutunan sa mga naranasan ko. Kaya pinangako ko na pagbalik ko dito, i-aapply ko lahat yun.

Konting kurap na lang at lalapag na 'tong eroplano sa Pilipinas. Konti na lang. Konting konti na lang makikita ko na ulit sila.

***

"Welcome to the Philippines!" kanya kanyang bati samin ng mga stewardess nang makalapag na kami.

Sumilip agad ako sa bintana at nakita ko ang mga nagtataasang building sa malayo.

Lumabas na ko sa arrival area. Nasa malayo pa lang ako ay kita ko na agad ang mga bestfriend ko.

At maya-maya...

"Charlieee!" sabay takbo sakin papalapit ni Heidi. Lumapit na rin yung tatlo.

"Ang puti mo na Charlie, nakakainis ka." pagmamaktol ni Ana.

"Wag kang mag-alala. May binili akong lotion made in USA. Sayo na lang yun." sabi ko at naging malapad yung ngiti niya ngayon.

"Ano? Tara na. Uwi na tayo. Excited na ko sa mga chocolaaaates!" hirit ni Girlie at kinuha na ni Sarah yung bitbit kong bag.

"Naghihintay na si Papa sa labas. Tara na." naglakad na kami palabas ng airport. Grabe namiss ko talaga ang hangin ng Manila.

Sumakay na kami sa kotse nila Sarah. At habang nasa byahe, todo kwentuhan sila ng kung ano-ano na puro tungkol sa kanila.

Habang nagtatawanan kami, nahagip ng mata ko ang isang billboard na may mukha niya.

"Hindi ka pa rin talaga nagbabago." sabi ko sa isip ko.

Those Three Little Words [Season 2 of Gummy Worms]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon