Chapter 35

1.4K 49 16
                                    

Dedicated pala 'to sayo. Sana nagbabasa ka pa rin ng story ko. Hope na magustuhan mo ang chappie na 'to. Lovelots <3>

By the way, di na tuloy yung sidestories nila. Pero may bagong story, saka ko na ipopost kapag nakagawa na ko ng cover nun. Thanks!

God Speed ^____^

--

[After 3 years]

Cav's POV

Nandito kami sa tambayan ngayon. Ngayon na lang kami nagkaroon ng bonding kaming magkakaibigan kasama si Kenneth. Masyado na kasi kaming nagfocus sa mga personal na bagay. Honestly, namiss ko 'to. Namiss ko ang barkadahang ito.

Sh*t bakla na ba ko? Please say NO!

"O pare namumula ka ata?" puna sakin ni Ranz.

Ayos na si Ranz. Happy? Nawala na rin yung pagkadepress nang loko. At aaminin ko, mas dumami yung time niya para sa amin. Eh kasi nga wala na si Charlie. Wala na rin kaming balita sa kanya. Pero minsan di maiwasan ni Ranz na magdrama. Lalo na nung time na nagcollapse siya.

FLASHBACK

Naglalaro kami nun ng basketball nang napatigil kami dahil sa pagbagsak ni Ranz.

"Ranz, oy! Wala namang biruan tol! Yung pustahan natin oy!" pero ayaw pa rin gumising ni Ranz.

First time kong nakitang magcollapse si Ranz. Kaya halos maposte kami sa kinatatayuan namin. At buti na lang dumating si Andrea.

"Nakatayo pa kayo diyan?! Tingnan niyo nga tong kasamahan niyo!" at dun nagising ang diwa namin. Halos mamutla na ang buong katawan ni Ranz.

Nasa tagong lugar kami kaya sobrang layo sa mataong lugar. Pinainom na lang namin siya ng tubig, pinilit naming painumin siya kahit sobrang sarado ng bibig niya.

"A-ano pa bang pwedeng gawin? Hindi ako nurse kaya wag niyong iasa sakin lahat. Hoy! Hoy! kumilos kayo!"

Kumuha na lang ako ng yelo sa cooler namin at isang bimpo. Yun lang yung alam ko para mahimasmasan siya. Binalot ko yung face towel sa yelo at pinunasan ang mukha nito. Pinainom na rin namin siya ng tubig. At buti na lang dininig nang diyos ang hiling namin. Nagising siya kaso....

pilit niyang hinahabol ang hininga niya. Te-teka ano ba talagang nangyayari?

May kinuha si Andrea na plastic labo sa bulsa niya at ayun ang ginawa niyang inhaler kay Ranz. Then...

"Ranz, pagod ka na. Pagod na pagod ka na kakaisip sa kanya. Magpahinga ka muna kahit sandali. Kahit sandali lang." at huminahon na ang panghinga ni Ranz.

"Huwag mo munang ifocus yung isip mo sa kanya. Isipin mo muna yung sarili mo. Namamayat ka na. Pasayahin mo naman ang buhay mo."

"Isipin mo yung mga masasayang araw na naranasan mo." dagdag ni Andrea.

"C-Charlie"

END OF FLASHBACK

"Sa halip na ako ang tinatanong mo, bakit di na lang si Owy? E parang kanina pa yan tulala ah " sabay turo ko kay Owy.

Hindi ko maexplain ang itsura niya ngayon. Para siyang abno, ai hindi pala! Abno talaga! Pano ba naman? Kanina pa niyang kinakagat kagat yung straw nung softdrinks pero tulala siya.

"Oy pare, ano bang problema?" tanong ni Ranz sa kanya sabay tapik sa likod nito.

"May pimples ba ako?" biglang tanong niya sabay harap kay Ranz.

Those Three Little Words [Season 2 of Gummy Worms]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon