Chapter Four

1.6K 41 7
                                    

".. uuwi na ako, wala ng sense yung usapan natin .."

Hindi ba niya naisip na ang sakit nung sinabi niya? Di ba niya naaalala na may pinagsamahan din kami? Babago pa nga lang naging kami, wala na agad. Well di ko masasabing wala na, wala naman siyang sinabing break na kami. Pero parang ganito na rin yun e. Ewan ko ba kung bakit ang bilis ng oras.. sa isang iglap nawala na ang lahat.. ang taong nagpapasaya sakin noon.. hanggang titig ko na lang ngayon.

Pumasok na ako sa room at nakita ko siyang nakaupo sa seat niya. Umupo na agad ako sa tabi niya. Grabe nakaka-awkward ang scene ngayon.. Dati nasisipa ko pa siya, nahahampas pero ngayon hindi ko na magawa. Para na siyang anak ng presidente na bawal masaktan at kapag sinaktan mo, mapaparusahan ka. Gusto ko pa nga ayusin ang relasyon na 'to pero di ko alam kung paano. Paano ko sisimulan?.. Saan ako magsisimula?

Natapos ang klase namin ng walang pansinan at puro na lang dedmahan. Gusto kong magsalita sa kanya pero naiispeechless ako. Wala namang masama kung matense diba? Natense lang ako baka kasi di niya ako pansinin..

Sayang lang ang laway ko..

Naglalakad ako ngayon sa hallway ng matanaw ko silang dalawa. Nakatawa siya at halata sa mukha niya ang saya. Parang wala siyang problema.. Nagagawa pa niyang tumawa kahit wala na kami? ..Bakit di ko subukan yun? Ngumiti at magpakasaya na parang walang nangyari.. Kaso masyado kasing obvious kung gagawin ko yun..

Nakikita ko silang nakaholding hands ngayon while walking. Sa tuwing nakikita ko sila o kahit ang isa sa kanila, nasasaktan ako. Wala namang masamang masaktan diba? ..Tao lang naman ako na pumasok sa isang estadong di ko akalaing hahantong sa ganito.

"...Charlie, ayos lang yan.. pabayaan mo na sila.." mahinahong sabi nung taong nasa likod ko. Walang tingin tingin ay sinagot ko siya, alam ko naman kung sino 'to e.

" .. masakit e.. alam mo ba yun? ..ganito pala ang pakiramdam ng masaktan, nakakamatay.." sabi ko at naramdaman ko ang luhang pumatak sa pisngi ko.

" .. makakapag move on ka din dyan.. tiwala lang.. ako na ang bahala sayo.. kalimutan mo na siya.. tingnan mo, ang saya saya niya tapos ikaw kulang na lang mamukto yang mata mo sa kakaiyak dyan.. wag mong ipakitang mahina ka, tandaan mo yan.." sabi niya sa akin.

Pagkasabi niya nito ay humarap ako sa kanya na nakangiti.

".. salamat Ana.. salamat talaga.." naiiyak kong sabi sa kanya at niyakap ko siya.

" .. okay lang noh.. sino pa ba ang magtutulungan? .. tayo tayo lang rin naman di ba? .." sabi niya at bumitaw na ako sa pagkakayakap.

" .. tara..alam kong kailangan mong mailabas yang saloobin mo.." sabi niya at hinila niya ang kamay ko.

Di ko alam kung saan niya ako balak dalhin at ang bawat hakbang ko may iba akong nararamdaman..

Nakarating na kami sa plaza at nakita ko agad silang dalawa. Kumakain sila ng ice cream, parang kami lang dati..

Biglang hinila ni Ana ang kamay ko. Te-teka a-anong balak nito.. Papalapit na kami kina Ranz kaya naman sobrang bilis na ng tibok ng puso ko.

" .. Ranz! ." biglang sabi ni Ana.

" .. o bakit? .." seryosong tanong naman ni Ranz.

Nagkatinginan kami ni Ranz pero agad niyang ibinaling kay Ana. Napatingin din sakin si Andrea kaya napayuko ako.

" .. bakit kailangan mo pang lokohin si Charlie? .." mahinahong sabi ni Ana.

" ..di ako ang nanloko, siya! .." sabi ni Ranz at tinuro ako. Lahat ng yun ay may explanation, ayaw mo lang akong pakinggan.

Those Three Little Words [Season 2 of Gummy Worms]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon