Charlie's POV
" .. Okay class, pumili na kayo ng makakapartner niyo .." sabi ni Sir Ed.
Pumunta agad ako sa mga kaibigan ko pero sabi nila na may kapartner na daw sila. Halos lahat may kapartner na, ako na lang ang wala. Nang napadaan si Xander sa harapan ko, tinawag ko siya.
".. Xander! may kapartner ka na ba? .." tanong ko.
Tumingin muna siya sa unahan saka tumingin sa akin sabay sabing.
" .. Meron na e.. pasensya na.." sabi nito at naglakad na papalayo.
Hayy naku! mukhang sa kanya na naman ang bagsak ko. Hula ko na..
Habang nakahalumbaba ako sa table at nag-iintay ng susunod na pangyayari ay may kumulbit sa akin.
" .. tutal mukhang wala kang kapartner at ako rin wala pang kapartner.. " nangingiting sabi nito.
" .. O tapos? .." sabi ko.
" .. pwede bang tayo na lang? .."
Pagkatapos niyang sabihin yun ay bigla na lang nagsalita si Sir kaya hindi na ako napatingin pa sa kanya.
" .. Mukhang lahat naman kayo ay nakahanap na ng kapartner, so ibibigay ko na sa inyo ang performance task na inihanda ko...." sabi nito.
Binigyan niya ng papel ang bawat partner, ibig sabihin share ang magkapartner. Kinuha ko agad ang papel na binigay sa akin at binasa. Nang nasa procedures na ako ay bigla siyang nagsalita.
" .. bagal mo namang magbasa..." reklamo nito.
" .. sandali lang naman! ang labo kaya ng sulat .." sabi ko.
" .. hindi mo pala makita e, sha ako na ang magbabasa para sayo .." sabi nito.
" .. kaya ko namang basahin, matuto ka lang maghintay dyan! .." sabi ko.
" .. yun na nga e, nakakainip maghintay sa sobrang kabagalan mo ..."
" .. puro ka naman reklamo, o eto na! .." inis na sabi ko sabay bigay sa kanya nung papel.
" .. hindi, tapusin mo muna ang pagbabasa mo .." sabi nito.
" .. ang gulo mo talaga! kanina habang nagbabasa ako, reklamo ka ng reklamo tapos ngayong ibibigay ko na sa iyo, ayaw mong tanggapin. Ano ba talagang gusto mong mangyari? ..." inis na inis na sabi ko.
" .. kung iginigitna mo yang papel, e di sana nakakabasa din ako at hindi naiinip dito habang hinihintay kang matapos..." maliwanag na sabi niya.
Wow! nag-iisip rin pala to kahit papaano. At dahil sa tama rin ang sinabi niya, iginitna ko na ang papel. Nilapit ko ang ulo ko at nilapit din niya ang kanya kaya ngayon halos magkadikit na ang ulo namin para lang mabasa yung mga nakasulat sa papel.
" .. layo ka! baka mahawaan mo ako ng kuto mo .." sabi niya habang pinapagpagan ang buhok niya.
" .. kutong nalalaman mo! .. kahit lisa wala kang makikita sa buhok ko.. kuto ka dyan! ..." sabi ko.
Nagsisimula na naman siya sa pang-aasar niya, nakakainis lang. Urgh!
Nandito na kami ngayon sa mall para bilhin ang mga materials na kailangan namin. Pagpasok pa lang ay dumiretso na kami Timezone.
" .. 10 tokens ang iyo tapos 20 ang akin.." sabi niya at ibinigay na ang tokens kong nakaplastic.
" .. daya talaga! sampu ang akin tapos sa iyo, 20! .. " reklamo ko. Ang daya daya talaga nito kahit kailan, san ba to natututong mangurakot ng tokens?
" .. tama na yan sayo! rereklamo pa e.. " sabi nito.
Wala na akong nagawa pa kundi maglaro ng sampung beses. Samantalang siya halos lumubog na yung pindutan ng 'Catch A Ball', para lang makascore.
Dahil sa sobrang tagal niya ay umupo muna ako sa bench sa labas ng timezone. Anong oras kaya matatapos sa paglalaro ang batang yun? Kanina pa kami dito sa mall at hanggang ngayon wala pa kaming materials na nabibili.
" O andyan ka lang pala, akala ko iniwan mo na ako ..." nangingiting sabi niya.
" .. Bakit naman kita iiwan? e sayo nakasalalay ang pamasahe ko pauwi.." sabi ko.
" .. Iyo na pala 'to, natsambahan ko kanina.." sabi niya sabay bigay sa akin ng isang ballpen na may nakasulat na 'property' sa loob.
" .. natsambahan mo to? etong ballpen na 'to? ..." pabirong sabi ko.
" .. Oo naman! ang hirap kayang kuhanin ng ballpen na yan na may 'property'..." sabi niya.
" .. E ano namang meron sa word na 'property'? .. " tanong ko habang nakatingin sa kanya.
".. hindi ko din alam e.. basta pinaghirapan ko yang kunin .." sabi nito.
" .. Osha! bumili na tayo ng mga materials .." sabi ko at itinago ko na ang ballpen sa bag ko.
Habang naglalakad kami ay habol habol ng mata ko yung teddy bear na human size sa Bear Cuddler.
" .. Oy pambata lang yun! di na bagay sayo .." sabi nito.
" .. hindi ko naman sinabing bagay sa akin ah.. gusto ko lang talagang magkaroon niyan, yun bang pwede kong sulatan ang damit niya ng 'personal property of Charlie' ...." sabi ko.
" .. so pwede pala kitang maging property? ." maikling sabi niya.
Ano kamo?
---
to be continued..
BINABASA MO ANG
Those Three Little Words [Season 2 of Gummy Worms]
FanfictionAfter ng confession, ano na nga ba ang kasunod? Pwedeng may mawala, pwedeng may pumalit at pwedeng may bumalik. [Season 2 of Gummy Worms]