Back Again

2.1K 54 9
                                    

Those Three Little Words

--

Charlie's POV

Naglalakad na ko ngayon sa hallway. Kapansin-pansin lang, panay sila bulungan na halatang tuwang-tuwa. Ano bang meron?

Papasok na ko sa classroom nang makasalubong ko si Ana. Ngumiti ito at pinapalapit ako na para bang may ibubulong sakin. Lumapit naman ako sa kanya at nilapit niya ang bibig niya sa tenga ko sabay bulong na....

" .. Andyan na siya! .. "

Sino kaya? baka si....

" .. s-si Ranz? .." tanong ko.

" .. Yup! at ang gwapo na niya ngayon .." sabi niya at umalis na.

Nandito na siya? Bakit ganito parang di pa ko handa? Urgh. Yaina nga!

Pagpasok ko, nakita ko siya na nakatingin sakin. Wag mo kong tingnan please, natutunaw ako!.. Tama nga ang sabi ni Ana, gumwapo nga 'tong lalakeng 'to. Tumabi na ko sa kanya, dun naman kasi ang permanent seat ko e.

Sobrang ingay na sa room dahil sa pagdating nila at dumagdag pa ang nagpapasimula ng ingay na si Owy.

" ... Tahimik ka na nman! .. Andito na ako o.. pansinin mo nman ako .." napangiti naman ako sa sinabi niya.

" .. Siyempre namiss kita noh! Matagal-tagal ka rin kayang nawala .." nangingiting sabi ko.

Nakita kong ngumiti siya at tumawa. Ngayon ko na lang ulit siya nakitang ganito. Sana everyday ka na lang ganyan.

" .. Tara! may pupuntahan tayo.." bigla niyang yaya sa akin at hinawakan ang kamay ko.

" .. Ha? saan nman? .." tanong ko habang hinihila niya ko.

" .. basta, sumama ka na lang.." sabi niya.

Hindi na ako nakaangal pa dahil ang higpit ng hawak niya sa kamay ko. Habang tumatakbo kami palabas ng campus ay nakasalubong nmin si Xander. Tumingin lang siya sa amin at ngumiti. Nang malagpasan nmin siya, naglakad na kami palabas ng gate at binitawan niya na rin ang kamay ko.

" .. Kilala mo na ba yun? si Xander, bagong student ..." sabi ko.

" ... Okay! .." sabi niya. Kahit kailan talaga walang kwenta 'tong kausap -_-

" .. alam mo ba? ang bait nun sakin kaya parang kuya ko yang si Xander.." sabi ko habang sinusundan siya.

" .. Halika nga! bilisan mo ang lakad mo.." sabi niya at lumapit siya sakin sabay hawak sa kamay ko. Grabe ang lamig ng kamay niya. Geez.

Xander's POV

Nakasalubong ko kanina sina Charlie at Ranz. Nginitian lang ako ni Ranz nung nakita niya ako. Oo magkakilala kami, matagal na.

FLASHBACK

" .. tol, pwede bang humingi ng pabor?.." seryosong tanong niya sakin.

" .. O sige, ano nman yun? .." sabi ko.

" .. alaga.." maikling sagot nito.

Nagulat nman ako sa sagot niya. Anong alaga?

" .. ha? alaga? di ko kayang alagaan yang tuta mo sa bahay noh! baka dumumi lang bahay nmin jan .. " sabi ko.

" .. ano ka ba?! .. hindi tuta yun kundi tao .." sabi nito.

" .. e e si-sino? .." tanong ko.

" .. Si Charlie...Charlie Veron. Class B siya kaya magiging kaklase mo siya.." sabi niya.

" .. e sino ba yun? baka member yun ng sorority? baka akalain pa nun na iniistalk ko siya.." sabi ko.

" .. ano ka ba? hindi noh! .. mabait yun tapos sweet pa.." sabi nito.

Sweet? talaga lang ha..

" .. pag kasama mo yun, higpitan mo ang hawak dun, basta basta kasi yun umaalis baka mawala pa.." dagdag pa nito.

" .. Ah o sige, ako na bahala dun .." sabi ko.

" .. aalagaan mo yun ha? habang wala ako.. at wag mong pababayaan yun, isip bata pa nman yun.." natatawang sabi niya.

" .. O sige, promise gagawin ko yung pinapagawa mo basta may kapalit .." sabi ko.

" .. ha? ano nman?.." tanong nito.

END OF FLASHBACK

Yun pala ang dahilan kung bakit niya pinapabantay sakin si Charlie. Inlove na talaga yung taong yun.

Ranz POV

Nakarating na kami ngayon sa Mcdo. Salamat at makakakain na rin ako. Ang tagal ko na rin kasing di nakakakain dito e.

".. ito lang pala ang pupuntahan natin! .." reklamo niya. Ayan na nman siya sa pagiging reklamador niya, di pa rin talaga nagbabago. tsk. tsk.

" .. umupo ka na lang dyan.. oorder lang ako.." sabi ko at umupo nman siya sa vacant seat na tinuro.

Kumakain na kami ngayon ng pananghalian nmin. Mamaya pa nman ang time sa school kaya ayos lang. Pagkatapos nming kumain ay niyaya nya kong maglakad-lakad.

" .. tara dun! " sabi niya sabay turo sa buko house.

Sumunod nman agad ako sa kanya, siya ata ang boss ko noh. Bumili siya ng buko shake NIYA ng hindi man lang nang-aalok sakin. Dahil sa naglalaway na talaga ako, nilabas ko na ang pera ko.

" .. Wag mo ng gastusin yang pera mo, ibinili na kita.." nangingiting sabi niya at nakita kong nilabas niya yung isang bottle ng buko shake mula sa likuran niya.

" .. tinitingnan ko lang kasi kung maglalaway ka .." sabi niya.

Ininom ko nman ang buko shake na binigay niya. Tinitingnan-tingnan ko lang siya ngayon habang naglalakad.

" .. Thanks for making me happy.."

------------------------------------

to be continued ....

Those Three Little Words [Season 2 of Gummy Worms]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon