Panimula

176 51 18
                                    

Pauna

What is a vampire?

A vampire is a creature from folklore that subsists by feeding on the vital essence (generally in the form of blood) of the living. In European folklore, vampires are undead creatures that often visited loved ones and caused mischief or deaths in the neighborhoods they inhabited while they were alive.

-Wikipedia

Isa lamang iyan sa ibat-ibang mga sagot na aking nakuha mula sa internet. Umiiral na naman kasi ang aking kuryusidad sa mga bagay-bagay na pinaniniwalaang kathang-isip lamang ng maraming tao, na parang hindi totoo.

Bilog na bilog na naman ang buwan. Isa-isa na namang nagsisilabasan ang mga bagay na dumadag-dag sa aking kuryusidad. Ang mga katanungan ay nagsisimula na namang magsilabasan at hindi ko ito mapigilan .

Sa halip na matakot, mas lalo lamang akong binabagabag ng aking mga katanungan. Habang tumatagal ay mas lalong dumadami ang mga tanong sa aking isipan.

Ipagpapatuloy ko na sana ang aking pagtitipa sa computer nang marinig ko ang pagtawag sa aking pangalan.

"Leticia!?" tawag muli sa akin ng nagbabantay dito sa computer shop.

"Tapos na ang oras mo, magdadagdag ka pa ba?" tanong nya sa akin na kaagad ko namang kinailing, na syang dahilan ng agad nitong pag-patay ng kompyuter na aking ginagamit.

Matagal ko muna syang tinitigan bago ako tumayo at inayos ang sarili upang umuwi na. Kung titingnan ay mukhang mas bata pa sa akin ang dalaga, ngunit binabalot na ng makapal na kolorete ang maganda nitong mukha.

Ginugol ko ang ilang oras sa kompyuteran para lamang mapunan ang mga tanong sa aking isipan. Mga katanungang hanggang ngayon, ay wala pa ring kasagutan. Ang baon ko na dapat ay pang isang linggo ay nabawasan na naman.

Napabuntong hininga na lamang ako habang naglalakad sa ilalim ng bilog na buwan pauwi sa aming maliit na bahay. Bahay na nabuo sa tulong lamang ng pinagtagpi-tagping mga yero at kahoy na inanod sa malapit na ilog.

"At san ka na naman ba galing ha?" Malayo pa lamang ay naririnig ko na ang aking Tiya Esme na galit na galit. Si Tiya Esme ay asawa ng kapatid ng nanay ko.

"Gumawa lang po ng project" sabi ko habang nakayuko. 

Aabutin ko na sana ang kamay nya upang mag mano, ngunit agad nya naman itong iniiwas. Napabuntong hininga na lamang ako sa naging akto nito.

"Project? Di bat sabi ko sayong itigil mo na yang pag aaral mo? Wala na nga akong pera pampalamon sayo tapos dadagdagan mo pa ang mga gastusin? Kung nagtatrabaho ka na sana edi may pang gastos pa tayo!" mahabang bulyaw nya sa akin.

Nag aaral ako sa isang pampublikong unibersidad sa bayan at nakakuha ng isang scholarship. Hindi din ako sinusuportahan ng aking mga tiyahin kung kayat napilitan akong magtrabaho habang nag aaral.

Nanahimik na lamang ako habang nakatayo sa harap ng aking tiya. Gusto ko mang sagutin si Tiya ay hindi ko magawa, bukod sa mas matanda ito sa akin ay malaki pa rin ang utang na loob ko sa kanila sa pagkupkop nila sa akin

Si tiya ay medyo may katabaan at may mahahabang kuko. Halos namumuti na din ang kaniyang buhok at mapaghahalataang may kasungitan. Ang kilay nito ay palaging naka taas at may mapulang lipstick sa kaniyang mga labi. Madalas din sya sa pasugalan at may hawak-hawak na sigarilyo.

Ang asawa naman ni Tiya Esme na si Tiyo Julio ay isang construction worker. Ngunit ang kaniyang sahod ay hindi kasya sa pang araw araw na pangangailangan lalo nat wala ding trabaho si Tiya Esme, na kadalasan ay natatalo din sa sugal. Mayroon silang anak, si Juanna, mas matanda lamang ng isang taon at nag aaral sa pinapasukan kong unibersidad. Madalas ay wala si Juanna sa bahay na hindi naman napapansin nila Tiya.

The Dracula's DescendantsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon