Pang-apat

79 46 23
                                    

Ikaapat

Pagkatapos naming kumain ay niligpit ko na ang mga pinagkainan namin. Sakto namang may tumawag kay Sir Dewin kung kayat naiwan na naman akong mag isa sa kusina. Minsan ay mas gusto ko pa na mag-isa upang makagalaw ako ng maayos.

Nag huhugas na ako ng plato ng umupo si Sir Dewin. Hindi ko na ito nilingon, marahil ay gusto lamang nitong magpababa ng kinain o magpalipas ng oras.

Ilang minuto pa ang lumipas ng mapagpasyahan kong magtanong. Hindi naman siguro masamang magtanong sa kaniya, hindi ba?

"Pwede po ba akong magtanong sa inyo, Sir?"

Wala akong nakuhang sagot, marahil ay pwede. Kung ayaw naman nya ay pwede naman nyang hindi sagutin.

Tinapos ko munang banlawan ang mga platong hinugasan ko at sinimulan ng punasan.

"Ano nga po palang trabaho nyo?" tanong ko ulit. Ilang minuto munang katahimikan, walang nagsalita at tanging tunog lamang ng mga kutsarang pinupunasan ko ang maririnig.

Ngayon naman ay nakarinig muna ako ng pag usod ng upuan at pagtikhim galing sa aking kausap, o kausap nga ba? Ni hindi pa nga sya nagsasalita o sumasagot sa akin.

"He's managing our family business" nabitawan ko ang hawak ko na plato. Hindi dahil sa paraan ng pag-sagot nya kundi dahil sa boses ng nagsalita.

Hindi na si Sir Dewin ang kausap ko. May ibang tao sa mansyon na ito. Ngunit imbis na matakot ay tila mas lalo pa akong natuwa na nandito ang lalaki.

Napansin ko ang dalawang panlalaking kamay na halos nakapalibot na sa bewang ko, hawak-hawak ang platong nabitawan ko kani-kanina lamang.

Dalawang kaway na malalaki, nagmistula akong pusa na nakakulong sa mga bisig nya kahit hindi nya naman ako tuluyang yakap-yakap.

"Shhh! Dont make any noise" sabi nya malapit sa aking tainga ng akma akong magsasalita

Buti na lang at nakahawak ako sa kanyang braso dahil kung hindi ay kanina pa ako nakaupo sa sahig sa kawalan ng lakas ng aking mga tuhod.

Pakiramdam ko ay nanlalambot ang aking mga tuhod dahil sa kaniyang malalim na tinig at dahil sa kaniyang mga bisig na halos sumakop na sa aking bewang.

Ang malalim nyang tinig na parang nanggaling pa sa ilalim ng lupa. Mararamdaman mo din ang kayang pagiging seryoso na parang nagbabanta ng panganib

Gusto kong magtanong ngunit ang bibig ko na mismo ang ayaw bumukas. Walang salita ang gustong kumawala sa aking mga labi na tila ba naging pipi na

Lilingunin ko sana ang kaniyang mukha ngunit siniksik nya ang kaniyang mukha sa aking leeg na syang nagpatindig ng aking mga balahibo.

Nanigas ako bigla sa aking kinatatayuan. Ngayon lamang may lalaking lumapit sa akin ng ganito at ang malala pa ay hindi ko ito kilala.

Naramdaman kong bahagya nya itong inamoy na syang lalong nagpakaba sa akin

"Damn! baby, you smell so good" sabi nya pagkatapos ay nakaramdam ako ng basa at malambot na bagay na dumikit sa aking balat. 

Labis na kilabot at kakaibang pakiramdam ang hatid nito sa akin. Pakiramdam na ngayon ko lamang naramdaman.

"Leticia? Tapos ka na ba dyan?" tanong sa akin ni Sir Dewin na nag pabalik sa aking ulirat.

Tiningnan kong muli ang pinupunasan ko ngunit maayos na itong nakasalansan sa lagayan.

Nagtataka may pinili ko na lamang sarilin ang mga nangyari. Para akong nagising sa isang malalim na pagkakatulog.

The Dracula's DescendantsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon