Ikasampo
Mabilis na lumipas ang mga araw at mga buwan. Matapos ang gabing yun ay hindi ko na muli pang nakita si Sir Damian. Nalaman ko na lamang mula sa aming propesor na may kailangan itong gawin sa labas ng bansa.
Nakakapagtaka man na pag gising ko ng umagang yun ay yun na rin pala ang huli naming pagkikita. Nagpatuloy ang aming pasok, walang ibang nakakaalam ng nangyari samin, sakin ng gabing yun.
Marami sa aking kapwa estudyante ang nanghihinayang sa biglaang pag alis ni Sir Damian.
Andito akong muli sa computer shop malapit sa amin. Sa mga nakalipas na araw ay ito ang aking naging tambayan. Hindi dahil sa mga pinapatapos na gawain sa amin, kundi dahil sa pagkakalap ko ng mga impormasyon tungkol kila Sir Damian at Sir Dewin.
Kung tatanungin nyo ako tungkol sa aking mga nakalap ay wala akong maibibigay. Tanging ang apelyido lamang ni Sir Damian ang aking nalaman, hindi ko man alam kung totoo nila itong apelyido. May iilang lumalabas tungkol sa kanila ngunit ang iba ay parang ang hirap paniwalaan.
Kahit ang kompanyang pinagtatrabahuhan ni Sir Damian ay hindi ko makitang lumabas sa internet. Parang may kung anong pumipigil sa media para malaman ang kanilang personal na buhay.
At ngayon ay andito na naman ako para maghanap ng mga impormasyon tungkol sa kanila. Madaming lumalabas ngunit minsan ay ibang tao ang tinutukoy. Hindi ko namalayang tapos na pala ang oras ko kung kaya't nagbayad na lamang ako.
Madilim na ang paligid ng lumabas ako ng silid. Tiyak na mapapagalitan na naman ako ni tiya nito. Napapansin ko rin nitong mga nakalipas na araw ay parang lalong naghigpit at uminit ang ulo sa akin ni tiya. Minsan nga ay hindi na ako nito pinapayagang lumabas at pinagbabawalan na ring mag-aral, mabuti na lamang at napilit namin ni Tiyo.
Habang naglalakad ay hindi ko mapigilang tumingin sa Buwan. Ang buwan na syang nagbibigay liwanag sa mga gabing madilim at laging nakatanaw pag andyan ang araw.
Malapit na ako sa aming bahay ng mapansin kong wala si tiya na karaniwang nag aantay sa akin sa may pintuan. Marahil ay ginabi na sa sugalan. Si Tiyo ay madalas na mag overtime sa trabaho nya para pampaaral kay Juanna.
Pagkapasok ko sa loob ay katahimikan ang agad na sumalubong sa akin. Hindi na bago sa akin ang tahimik na bahay ngunit ang di bago sa akin ay ang ayos nito. Malinis ang buong bahay, walang hugasang plato sa lababo at malinis ang sala. Ang mas lalong nakapag tataka ay may ulam na sa lamesa.
Hindi ko pinansin ang pagkain sa lamesa at nag dirediretso na ako sa aming kwarto. Agad akong nagbihis at naghanda na upang mag review. Finals na namin bukas at kailangan talagang magreview. Hindi ako pwedeng bumagsak lalo na at mahirap ang buhay, kailangang makapagtapos ng pag-aaral.
Nagising ako sa tunog ng aking cellphone.hindi ko namalayang nakatulog na pala ako habang nag rereview. Agad kong sinagot ang tumatawag sa aking cellphone.
"Hello?" agad akong nagsalita.
Nakabili ako ng sarili kong cellphone noong makauwi kami galing sa mansyon. Hindi pamilyar ang numero ng tumatawag kaya medyo nagdadalawang isip pa ako sa pagsasalita, iniisip ko na lamang na baka isa ito sa mga inapplyan kong trabaho.
"Leticia?" sabi ng nasa kabilang linya. Agad kong tiningnan ang pangalan ng tumatawag at agad akong kinabahan ng marinig ang pamilyar na boses.
"Sir, ikaw pala, bakit po?" tanong ko kay Sir Dewin.
"Gusto ko lang itanong kung mag tatrabaho ka ba ulit dito sa amin sa bakasyon nyo?" tanong nya sa akin.
Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng saya sa tuwing maiisip ko na muli akong babalik sa mansyon.
"Opo"maikli kong tugon. Siguro ay hindi naman na mangyayari ang nangyari noong nakaraang bakasyon.
Napagdesisyunan ko na magtatrabaho ulit ako sa darating na bakasyon para sa huling taon ko sa kolehiyo. Medyo lumalaki na rin kasi ang mga gastusin ko para sa pag aaral at hindi na minsan kinakaya ng sahod ko.
Natapos agad ang tawag kung kaya't bumaba na ako sa kusina upang kumain. Wala pa ring tao sa bahay ng bumaba ako. Napagpasyahan ko na lamang kumain ng mag-isa.
Agad akong kumain para makapag umpisa ng mag review para sa exam bukas.
Matapos kong kumain ay agad ko itong niligpit at hinugasan ang platong aking nagamit.
Agad kong inumpisahan ang pag aaral. Habang nagsusulat ay hindi ko maiwasang silipin ang aking cellphone. Tinitingnan kung meron bang mensahe galing sa aking mga kaklase o galing kay sir Dewin.
Malapit ng mag alas dose ng mapagpasyahan kong matulog. Marahil ay bukas na lamang ako magbabasa sa library.
Maaga akong pumasok upang makapagbasa ng libro. Pagpasok ko sa aming silid ay may mga studyanteng may kaniya-kaniyang pinagkakaabalahan. May nagbabasa ng kanilang libro, may mga nagapaganda at ang iba naman ay may kaniya-kaniyang pinag-uusapan.
Umupo ako sa upuang karaniwan kong iniukopa. Upuan malapit sa bintana sa may hulihang bahagi. Agad kong inabala ang aking sarili sa pagbabasa ng libro.
Ilang minuto pa ang lumipas bago dumating ang aming propesor. Mabilis na natapos ang aking klase. Ang aking maghapon na iginugol sa aming exam ay mabilis na lumipas.
Katulad ng mga nakaraang araw ay dumiretso agad ako sa computer shop malapit sa amin. Agad akong naupo sa harap ng kompyuter at nagtipa ng kanilang pangalan. Mahirap maghanap ng mga impormasyon tungkol sa kanila lalo na at pangalan lamang ang alam ko.
Katulad ng mga nakaraan ay wala akong nakuhang impormasyon. Kahit ang mansyon ay hindi ko alam kung saang lugar.
Naalala ko bigla ang nangyari nang gabing yun. Sira at may kaunting dugo ang aking uniform. Ngunit ang lalaking tumulong sa akin ay kakaiba ang itsura. Hindi ako maaaring magkamali, si Sir Damian ang nakita ko.
Umuwi akong tulala. Kahit siguro tutukan ako ng baril ng mga panahong yun ay wala akong pakialam. Hindi ko sinabi kila tiya ang nangyari at baka sabihing nasisiraan na ako ng aking ulo.
Nang makauwi ako ay walang tao sa bahay. Agad kong nilinis ang aking katawan at nagbihis ng damit. Nahiga ako sa aking higaan at tumitig sa bubong.
Hindi ko alam kung paano ako pumasok kinabukasan ng araw na iyon. Nalaman ko na lamang na hindi na pala mag tuturo sa amin si Sir Damian. Lutang ako buong araw at hindi makapagfocus sa aming klase.
Umuwi ako sa bahay ng malapit ng magdilim. Nakakapagtaka lamang dahil wala na namang tao sa bahay. Kaninang umaga ay wala akong naabutang tao sa bahay namin. Ang mga gamit ay parang walang ibang gumamit dahil hindi man lamang ito nagalaw.
Hindi ko alam kung saan ang mga ito hahanapin. Kanina bago ako pumasok ay dumaan ako sa sugalan na laging pinupuntahan ni Tiya ngunit matagal na daw itong hindi pumupunta doon.
Hindi naman ito pumupunta sa kung saan, wala naman kasi kaming ibang kamag anak ni Tiyo, hindi ko naman alam kung saan ang probinsya nila Tiya. Marahil ay nagkaroon ng emergency kaya sila pumunta roon ng walang paalam.
BINABASA MO ANG
The Dracula's Descendants
Ma cà rồngKagaya ng buwan, sa malayo lamang kita kayang pag masdan