Ikapito
Maraming mga bagay na nangyayari dito sa mansyon na hindi ko maipaliwanag kagaya na lamang nang nangyari noong gabi na yon.
Hindi agad ako nakatulog nang gabi na yun, maraming bagay ang bumabagabag sa aking isipan, unang-una doon ay ang lalaking nagnakaw ng aking unang halik.
Maraming tanong ang nais na mabigyan ng kasagutan.
Ilang gabi na din ang lumipas, hindi ko na muli pang nakita ang lalaki, ang mga katanungang tanging ang lalaki lamang ang makakasagot ay nananatiling blanko.
Malapit ng matapos ang aming bakasyon at magsisimula na naman ang panibagong taon sa kolehiyo.
Nakausap ko na rin ang aking tiyahin at napilit ko syang payagan akong ipagpatuloy ang pag aaral ko sa kolehiyo kapalit ng pagtulong ko sa mga gastusin sa bahay. Pinayagan nya akong bumalik bago magsimula ang aking pasok.
Andito akong muli sa hardin ng mansyon, malapit ko na ding matapos ang pagtatanggal ng mga damo at mga kalat. Nakapagpabili na din ako ng mga halamang maaaring itanim.
Umaga pa lamang kanina ay tinapos ko na ang paglilinis sa mansyon para maaga akong makapagsimulang maglinis dito sa hardin. Malinis na ang mga pader at ang mga palamuti sa hardin, wala ng naka sabit na kung ano mang damo.
Mabilis akong nakapagsimulang magtanim ng mga halaman. Hindi ko alam ngunit nitong mga nakaraang araw ay naging matamlay ang aking pakiramdam.
Kinagabihan ay agad akong nag empake para sa aking pag alis bukas. Malapit nang magsimula ang pasukan at kailangan ko pang mag ayos ng aking mga gamit. Pagkatapos kong ihanda ang aking mga gamit ay agad akong nahiga sa aking higaan.
Kinabukasan ay maaga akong nagising para maghanda sa aming pag alis. Nakuha ko na din ang sahod ko kay sir Dewin kahapon at sinabi nya rin sa akin na sya na ang mag hahatid sa amin papuntang sakayan.
Gusto ko mang tumutol pero pumayag na si Aling Iska kaya wala na din akong nagawa pa.
Bago pa man may kumatok sa pintuan ng kwarto ko ay nakaayos na ako. Nakasuot lamang ako ng simpleng pantalon at isang T-shirt na pinartneran ko ng isang lumang sapatos na siyang ginamit ko nung pumunta kami dito.
Agad naman kaming hinatid ni Sir Dewin sa terminal, bago pa man ako makasunod kay Aling Iska ay may humawak sa aking braso.
Nang aking lingunin ay nagulat ako ng sumalubong sa akin ang isang mahigpit na yakap galing kay Sir Dewin.
"Comeback next summer vacation, Ok?" sabi nya habang nakayakap pa rin sa akin.
Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan, ni hindi ko man lamang maibalik ang yakap na ibinibigay sa akin ni Sir Dewin.
Mas matangkad sa akin si Sir Dewin, ang baba ng binata ay nakapatong sa aking ulo. Hindi ko alam ang aking nararamdaman sa mga oras na ito. Masaya ang puso ko ngunit parang may mali.
"O-Okay po" sabi ko na lamang.
Matapos marinig ang aking sagot ay binitawan nya na ang pagkakayakap sa akin at hinawakan ang aking magkabilang braso.
"Mag-iingat ka" dagdag nya pa bago ako binitawan. Makikita sa mga mata ni Sir Dewin ang pag-aalala sa di ko malamang dahilan.
"Opo" sagot ko na lamang kahit medyo naguguluhan pa din sa mga ikinikilos nya.
Nakakapanibago lamang, ilang araw kaming hindi nagkita matapos umalis ang kaniyang mga bisita.
Matapos nya akong pakawalan ay agad akong sumunod kaya Aling Iska na medyo malayo na din ang nalalakad. Nakakailang hakbang pa lamang ako ng lingunin ko si Sir Dewin. Agad akong namula ng makitang nakatayo pa rin sya sa lugar kung saan ko sya iniwan.
Pakiramdam ko tuloy ay nasa isang koreanovela ako, ako ang bidang babae na kailangan umalis at iwan ang bidang lalaki na si Sir Dewin. Bigla akong namula sa naisip at agad na binilisan ang paglalakad upang makahabol kay Aling Iska sa paglalakad.
Matapos kong maabutan si Aling Iska sa paglalakad ay muli akong sumilip sa pwesto kung saan nakatayo si Sir Dewin. Nakita ko ang binatang nakatayo pa rin kung saan huli ko itong nakita. Pinagmamasdan kami nitong maglakad palayo at tuluyang umalis.
Gabi na nang makauwi kami sa bahay. Walang tao nang pumasok ako sa aming bahay, bukas ang pituan pati na rin ang mga ilaw. Hindi na ako nagtaka pa dahil sa araw-araw na lamang ay lagi ding walang tao dito sa bahay kundi ako lamang.
Nagluto muna ako ng aming makakain nang makitang wala pa palang lutong pagkain. Malamang ay nasa pasugalan na naman si Tiya at si Tiyo naman ay nasa inuman. Matapos kumain at hugasan ang mga platong nakatambak lamang sa hugasan ng plato.
Dahil siguro sa pagod sa byahe ay agad akong dinalaw ng antok. Matapos kong maglinis ng aking katawan ay agad akong nahiga.
Kinabukasan ay maaga akong nagising, naghanda muna ako ng aming umagahan bago naligo. Pupunta ako ngayong bayan upang bumili ng gagamitin sa pag pasok.
Mabilis na lumipas ang mga araw, bukas ay pasukan na namin. Inayos ko na ang mga gamit na bukas ay gagamitin ko pagpasok. Kadalasan ay kailangan na ng papel kahit unang araw pa lamang ng pasukan ay kailangan na ng papel.
Nasa gate pa lamang ako ay makikita na agad ang mga estudyanteng nag mamadaling pumasok sa kaniya-kaniyang klase. Tiningnan ko ang aking orasang pambisig. Alas-otso pa lamang ng umaga, may trenta minutos pa ako para sa pag mumuni-muni.
Napagdesisyunan kong pumasok na sa aming silid ng malapit nang mag bell. Katulad ng dati ay mag isa akong naglalakad
Hindi ko alintana ang mga matang nakasubaybay sa akin. Halos nasasanay na rin kasi ako.
Kahit kasi sa bahay naming ay laging nakamasid ang mga tao, kadalasan pa nga ay may mga bagay na halos sila-sila lamang ang nakakaalam.
Pumasok na ako sa silid naming at naupo sa may hulihang upuan.
Makalipas ang ilang minuto ay hindi pa rin dumadating ang aming propesor. Nag-aayos na ang iba ng kanilang mga gamit ng may pumasok na lalaki sa aming silid.
Hindi ko malaman kung bakit hindi ko maiiwas ang aking mga tingin sa bagong pasok. Lahat ng mga kaklase ko ay sa kanya lamang nakatingin.
Agad namang pumunta sa harapan ang lalaki at inilibot ang kaniyang tingin. Agad akong kinabahan ng huminto ang kaniyang tingin sa akin.
Ang lalaki sa harapan ay paniguradong aming propesor.
Ang lalaki ay matangkad na sa tingin ako ay hindi man lamang ako aabot sa kanyang tenga. May matangos na ilong at ang kaniyang panga na parang ang sarap hawakan. Manipis na mga labi at ang kaniyang itim na itim na mga mata.
Maganda ang pananamit ng lalaki, itim na longsleeve ito na itinupi hanggang kaniyang siko at isang itim na slack. Dahil sa suot na damit ay mas lalo lamang nahubog ang maganda nitong pangangatawan.
Meron itong alon-alon na buhok na hindi naman kahabaan, meron din itong suot na salamin na sya naman bumagay sa pustura nito. Meron itong itim na mata na malalim kung tumingin. Nakakabighani kung pagmamasdan, ngunit nakakatakot din dahil sa bumabalot na misteryo sa lalaki.
"Good afternoon class" sabi nito habang nakatingin pa rin sa akin.
Kung titingnan ay masasabing ang bata tingnan ng lalaki para maging propesor namin. Maganda din ang pangangatawan, kaya siguro ganun na lamang kung humanga ang mga kaklase ko.
Ang boses na yun, parang pamilyar. Sobrang Pamilyar
BINABASA MO ANG
The Dracula's Descendants
VampirosKagaya ng buwan, sa malayo lamang kita kayang pag masdan