Pangatlo

87 47 1
                                    

Ikatlo

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Mabilis kong inayos ang aking higaan pagkatapos ay naligo na. Kailangan kong kumilos ng mabilis upang mag tagal ako dito sa trabaho ko.

Nagmamadali akong pumunta sa kusina, mabuti na lamang at malapit lang sa kusina ang aming kwarto kung kaya't hindi ako naligaw. Malaki ang mansiyon at hindi ko pa nakikita ang mga amo ko.

"Ikaw ang mag-lilinis sa first floor at sa second floor" sabi nya sa akin.

"Asan nga po pala ang ibang mga katulong?" tanong ko habang umuupo para kumain ng umagahan.

Napansin ko kasing parang kaming dalawa lamang ang andito para maglinis, masyadong malaki ang mansyon, masyadong malaki para kami lamang dalawa ang maglinis.

"Wala na, pinalayas na" sabi nya habang naglalapag ng plato sa harapan ko.

"Bawal pumunta sa third at fourth floor, at bawal buksan ang mga pintuang naka lock" dagdag pa nya na ikinatango ko na lang. Sana ay hindi gaanong malaki ang lilinisan ko.

Wala namang problema sa akin yun, ang mahalaga ay hindi naman pala lahat lilinisan.

Patuloy lamang sya sa pagbibigay ng mga gagawin ko at hindi dapat gawin sa manyon. Isa na dito ay pwede kong linisin ang hardin nila ngunit hindi ako pwedeng pumunta sa likurang bahagi ng mansion. Nagtataka man ay tumango na lamang ako

Medyo nagtataka lamang ako dahil sa dami kong naapplyan ay dito lamang marami ang mga hindi pwedeng gawin. Ang iba ay dapat lamang panatilihing malinis ang bahay at magluto ng pagkain, ngunit dito ay madaming bawal.

"Kung gusto mong magtagal ay sundin mo lahat ang mga ibinilin ko sa iyo" sabi nya pa sa akin habang diretsong nakatingin sa mga mata ko.

"Opo" saktong natapos na ako sa pagkain ng matapos sa pagbibilin sa akin si Aling Iska.

Naghuhugas ako ng plato ng maalalang hindi ko pa nakikita ang mga amo namin. Marahil ay madaming ginagawa at maagang umaalis.

"Aling Iska, asan nga po pala ang mga amo natin?" Tanong ko sa kaniya.

"Nasa taas" nagpapahinga tipid nyang sabi pagkatapos ay umalis na ng kusina dala-dala ang mga pinag kainan namin.

Agad kong kinuha ang mga gagamitin ko sa paglilinis at Inumpisahan ko nang linisan ang first floor.

Ngayon ko lang napansin ang disenyo ng bahay. May malaking aranya na nakasabit sa gitna na nakapagbibigay ng kakaibang ilaw sa buong sala. May mga painting na nakasabit sa dingding ng bahay.

Ibat-ibang uring ng hayop, talon at bundok ang makikita sa painting. Pinunasan ko ang mga dapat punasan at nagwalis sa sahig na marble bago ko ito nilampaso.

Malapit ng magtanghali ngunit nagsisimula pa lamang akong maglinis sa second floor. Mas malinis dito kumapara sa first floor. Maraming pintuan at karamihan dito ay naka lock. May mga mamahaling vase na nakadisplay sa hallway.

May mga painting ngunit kumpara sa baba ay mas limitado lamang dito at mas malalaki. Hindi katulad sa first floor, ang mga naka guhit ay mga tao, mga tao na para bang hinahabol kang tingin kahit saan ka man magpunta.Sa dulo ng hallway ay may isang malaking bintana na sinakop ang buong pader na may mga kakaibang disenyo.

Hinuli kong linisan ang malaking bintana, gusto kong malaman kung ano ang nasa likod ng malaking salamin.

Hinawi ko ang makapal na kurtina, Bago ko pa man linisan ay tiningnan ko muna ang tanawin. Ang bintana ay nakaharap sa harapang bahagi ng mansiyon. Maganda ang tanawin, ngunit mas maganda ito kapag naayos na ang hardin.

The Dracula's DescendantsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon