Panglabing-isa

46 39 4
                                    

Ikalabing-isa

Natapos na ang exam namin sa lahat ng subject. Lahat ng mga pinapagawa sa amin ay maaga kong natapos kung kaya't mabilis din akong nakaalis ng aming silid.

Agad kong pinuntahan si Aling Iska. Mabuti na lamang at agad kong natagpuan ang kanilang bahay. Agad kong sinabi ang aking sadya para maaga akong makauwi sa bahay namin. Sinabi sa akin ni Sir Dewin na sumabay na ako kay Aling Iska, sakto at umuwi naman daw ito.

Nalaman kong aalis na pala sya ng gabi na yun kung kaya't dali-dali akong umuwi sa amin upang mag- ayos ng dadalhin ko.

Hapon na kung kaya't nagmamadali akong umuwi sa amin. Katulad ng dati ay wala pa rin sila Tiya, nagtataka na rin ako dahil wala man lamang silang iniwang sulat o di kaya ay hindi man lamang sila nagpasabi na aalis pala sila.

Matapos kong makapag-empake ay agad akong pumunta kila Aling Iska. Kung dati ay umaga kami nagbyahe, ngayon naman ay gabi. Hindi ko alam kung bakit parang nagmamadali si Aling Iska na makaalis.

Agad kaming lumuwas papunta sa mansyon. Hanggang ngayon ay hindi ko pa din alam kung saan ako nagtatrabaho. Pagtinatanong ko naman si Aling Iska ay iniiba lamang nito ang usapan.

Nakarating kami sa mansyon ng malapit ng mag umaga. Sinabihan naman ako ni Aling Iska na magpahinga na muna sa araw na iyon. Agad ko namang inayos ang mga gamit ko at naglinis na ng katawan. Agad akong nahiga ng maramdaman ang pagod sa aking katawan.

Hindi ko man lamang napansin kung mayroon bang pinagbago ang mansyon, kahit ang hardin na paborito kong parte ay hindi ko napansin dahil sa sobrang pagod sa byahe.

Tanghali na ng magising ako. Katulad ng dati ay si Aling Iska lamang ang naabutan ko, marahil ay maagang umalis si Sir Dewin.

Matapos kong kumain ng tanghalian ay agad kong kinuha ang mga gagamitin kong panglinis. Katulad dati ay ako ang maglilinis sa una at pangalawang palapag. Ang bintanang malaki na tanaw ang hardin ay may makapal na kurtinang nakaharang.

Matapos kong maglinis sa mansyon ay nagpahinga muna akong saglit. Sa hapon naman ay ang hardin ang pinagtuonan ko ng pansin. Walang masyadong pinagkaiba ang hardin maliban na lamang sa mga damong unti-unting tumutubo. Siguro ay kumuha sila ng tauhan upang magtanggal ng mga damo dito.

Hapon na ng matapos ako sa paglilinis sa hardin. Maagang pumasok sa kanyang silid si Aling Iska kaya ako na lamang ang naghugas ng mga pinagkainan namin

"Im glad youre already here" muntik ko ng mabitawan ang platong binabanlawan ko nang marinig ko ang boses na yun. 

Inilapag ko na muna ito bago ko dahan-dahang hinarap ang bagong dating.

"Opo, kaninang madaling araw lang po" sabi ko kay Sir Dewin. Medyo humahaba na ang kaniyang itim na buhok na sya namang bumagay dito. 

Katulad ng una ko itong makita ay naka damit pang-opisina pa rin ang binata. Halata din sa mukha nito ang pagod sa trabaho.

"Kindly prepare the table for me" sabi nya habang naglalakad na paalis. 

Marahil ay magbibihis na ito ng pambahay. Agad ko namang sinunod ang utos ng aking amo at naghanda ng pagkain nya.

Tapos ko ng ihanda ang lamesa ng bumaba ito. Medyo basa pa ang buhok nya, nakasuot ito ng puting t-shirt at gray na pajama. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maiwasang humanga sa taglay na kagwapuhan ng lalaking nasa harapan ko.

Huli na nang mapansin kong natulala na pala ako sa binata. Nasa harap ko na si Sir Dewin na para bang may pinipigilang ngiti sa kanyang mga labi. Magandang lalaki si Sir Dewin at sa tingin ko ay mabait naman ang binata kaya nakakagulat lamang na malamang wala pa palang nobya ang binata.

Inantay ko munang matapos kumain si Sir Dewin bago ko pinagpatuloy ang ginagawa. Niligpit ko na din ang pinagkainan nito at nagsimula ng linisin ang kusina.

Kinabukasan ay nagising ako sa isang malakas na katok sa aking pintuan. Agad akong tumayo at tiningnan ang orasan. Alas sais y media pa lamang pala. Napapitlag ako ng isa na namang malakas na katok ang aking narinig.

"Susunod na po!" sigaw ko sa kumakatok sa pintuan

"Bilisan mo!" sigaw ni Aling Iska pabalik.

Agad naman akong nagpunta sa banyo upang maligo. Matapos maglinis ng katawan ay tiningnan ko muna ang aking sarili sa salamin. Doon ko lamang napansin ang isang bilog na parang pasa sa aking dibdib.

Nakakapagtaka lamang dahil wala naman ito kahapon. Hindi ko na lamang ito pinansin at agad na nagbihis.

Pagpasok ko sa kusina ay agad na bumungad si Aling Iska. Abala ito sa pagluluto kaya't dali-dali akong tumulong dito. Hindi ko alam kung bakit masyadong abala ngayon si Aling Iska, marahil ay may mga bisita na naman sila Sir Dewin.

Agad naman akong napansin ni Aling Iska kaya agad ako nitong pinatigil. Nagtataka man ay agad kong binitiwan ang sandok na hawak ko na ipanghahalo sana sa pinakukuluang karne ng baka.

"Pumunta ka sa palengke, bilhin mo ang mga ito" sabi nya sa akin habang inaabot ang kapirasong papel na sa tingin koy listahan at pera.

Agad ko naman itong kinuha at lumabas na ng kusina. Mukhang importanteng mga tao ang mga bisita sa mansyon, kung hindi ay hindi naman matataranta ng ganito si Aling Iska.

Tumigil ako sa paglalakad ng nasa harap na ako ng mansyon. Ngayon ko lamang naalala na wala akong sasakyan, hindi ko pa kabisado ang bayan para magtricycle lang.

Pabalik na sana ako sa loob ng mansyon ng may humaklit sa braso ko. Nang aking lingunin ay si Sir Dewin lang pala.

"Bakit po?" tanong ko dito. 

Ilang segundo muna ako nito tiningnan bago tinanggal ang pagkakahawak sa braso ko.

"Sa akin ka na sumakay" sabi nito na ikinagulat ko. 

Hindi ko alam kung dumudumi na ba ang utak ko o sadyang may iba talaga itong kahulugan.

"I mean, I will be your driver for today" sabi nito habang hindi makatingin ng diretso sa akin, marahil ay naintindihan na nito kung bakit ako nabigla.

Wala akong nagawa kung hindi ang sumakay na lamang sa kotse ni Sir Dewin. Tahimik kami sa buong byahe, hindi ko naman magawang magsimula ng usapan, wala naman kasi akong maisip na pwedeng maging paksa.

Nakarating kami sa palengke na wala ni isa man lamang na nagsasalita sa amin. Medyo natagalan pa kami sa paghanap ng mga sangkap na nakasulat sa papel bago kami makauwi.

Pagdating namin sa mansyon ay maraming sasakyan ang nakaparada. Mukhang mamahalin at hindi basta-bastang tao lamang ang may ari ng mga ito. Gusto kong tanungin si Sir Dewin tungkol sa mga bisita, ngunit nauunahan ako ng hiya.

Agad akong bumaba ng sasakyan ng tumigil ito sa may gilid na bahagi ng mansyon. Mabuti na lamang at tinulungan ako sa pagbubuhat ni Sir Dewin ng mga pinamili, kung hindi ay mahihirapan akong ipasok ang mga ito.

Pagkabigay ko kay Aling Iska ng mga pinamili dumiretso agad ako sa aking silid.

Malapit na ako sa pituan ng aking silid ng mapansin ang isang lalaking nakatayo malapit sa pintuan. Hindi ko makita ang mukha ng lalaki pero pamilyar ang kaniyang likod. Ang lalaki ay nakasuot ng long sleeve na itim na itinupi hanggang siko na pinaresan ng itim na pantalon.

"You're with him. Again" agad akong napahinto sa boses ng lalaki.

May bahid ng galit ang pagkakasabi nito na para bang malaki ang nagawa kong kasalanan sa kaniya. Ang mga kamay nito ay nasa bulsa ng kaniyang pantalon.

The Dracula's DescendantsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon