Panglabing-anim

38 28 2
                                    

Ika-labing anim

Takbo lang ako nang takbo, wala akong pakealam kung saan na ako papunta o kung gaano na kalayo ang narating ko. Halos hindi ko na din makita ang dinadaanan ko, hindi ko alam kung nakalabas na ba ako ng hardin o kung nasa loob pa din ako, ang mahalaga ay makalayo ako sa kanila.

Nasa tabing kalsada na ako ng tumigil ako sa pag takbo. Halos magkasugat-sugat na ang mga paa ko ng umupo ako sa may tabi at habol man ang hininga ay hindi ko na ito pinansin pa.

Agad kong nilibot ang aking paningin sa paligid.

Madilim ang kalsada at halos walang dumadaan na sasakyan, kakaunti ang mga poste ng ilaw at magkakalayo ito. Nakakatakot ang kalsada, gustohin ko mang bumalik sa mansyon ay hindi ko na maalala ang daan pabalik, ngunit kahit siguro maalala ko ang daan ay mas pipiliin ko na lamang mag antay ng masasakyan dito.

Bakit nga ba ako tumakbo?

Hindi ko alam kung dahil ba sa takot o kung ano. Hindi ko alam. Marahil ay dahil sa nabigla lamang ako sa mga nangyari ngunit may nararamdaman din akong kaunting takot, takot na hindi ko inaasahang maramdaman at ngayon ay pinagsisisihan ko na.

Naging mabait sa akin si Sir Dewin at hindi nagpakita ng hindi maganda. Bakit nga ba ako natakot? Samantalang noong nakita ko si Sir Damian ay hindi naman ako nakaramdam ni katiting na kaba.

Malalim na ang gabi ngunit andito pa din ako sa tabi ng kalsada, nag aantay ng sasakyan papuntang sakayan pauwi sa amin.

Halos mawalan na ako ng pag asa ng may biglang humintong sasakyan sa tapat ko. Isang lumang sasakyan na puro putik ang tagiliran. Mas mabuti na rin siguro ito kaysa naman papakin ako ng mga lamok dito magdamag.

Ilang sandali pa ay bumaba ang nagmamaneho ng sasakyan, pamilyar ang matandang lalaki kung kaya't hindi ko ito nilubayan ng tingin, ilang segundo pa akong nag antay ngunit nanatili lamang itong nakatayo malapit sa may sasakyan. Ilang minuto pa ay muling bumukas ang pintuan ng sasakyan, ngunit sa pangalawang pag kakataon ay tumayo na ako.

Naalala ko na,ang kotseng ngayon ay nasa harapan ko ay ang kotseng sumundo sa amin sa may terminal, kinakabahan man ay binaling kong muli ang aking paningin sa taong ngayon ay pababa na ng sasakyan.

Nakahinga ako ng maluwag at tila ba nabunutan ng tinik sa aking lalamunan ng makita kong si Aling Iska ang lumalabas. Nakasuot ito ng jacket na malaki at isang sumbrerong medyo kupas na.

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa oras na makita kong muli si Sir Dewin.

"Naku pong bata ka!" mga katagang unang lumabas sa bibig ni Aling Iska bago ito mabilis na naglakad papunta sa kinaroroonan ko.

"Anong pumasok dyan sa kokote mo at andito ka pa sa labas ng ganitong oras? Hindi mo ba alam na kanina pa kaming naghahanap sayo? Halos maikot na namin ang buong Bulhao kakahanap sayo, andito ka lang pala" mahaba nitong pahayag.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin o gawin sa mga oras na ito. Marahil ay walang alam ang ginang sa nangyari kanina sa masyon, kung bakit ako umalis ng walang pasabi.

 Nanatili lamang akong nakatingin kay Aling Iska na patuloy lamang sa pagtingin sa akin at pagtatanong ng mga bagay na hindi ko na magawang intindihin.

"Ano ka bang bata ka, halika't anong oras na. Uuwi na tayo" bigla akong nabuhayan at nais ng tumutol ngunit walang lumalabas ni isang salita mula sa akin.

Tara na at baka kung ano pang mangyari sa atin dito sabi ng ginang habang lumilingon sa paligid, mga salitang pumukaw sa aking atensyon.

Naglakad na ito habang hawak-hawak ang aking kamay kung kaya't wala na akong ibang magawa kung hindi ang sumunod dito papasok sa sasakyan.

"A-ano pong ibig nyong sabihin?" tanong ko kay Aling Iska ng makapasok na kami sa sasakyan.

Ilang minuto pa ang lumipas ngunit nanatiling tikom ang bibig ng matanda. Hindi ko maiwasang tingnan si Aling Iska na sa harap lamang nakatingin habang naka upo ng tuwid.

Lumipas ang ilang minuto bago naging pamilyar sa akin ang daan na syang nag dulot sa akin ng matinding kaba. Hindi ko alam ang nag aantay sa amin sa mansyon, hindi ko alam kung ano ang ipapaliwanag ko kung sakaling magtanong muli si Aling Iska.

Pumasok na ang sasakyan sa gate ng masyon ngunit hindi pa rin sinasagot ni Aling Iska ang aking tanong.

Abot abot ang aking kaba ng huminto ang sinasakyan naming kotse, Dumagdag pa dito ang mabilis na mga hakbang ni Aling Iska papasok ng mansyon. Agad din naman na umalis ang kotse na aming sinakyan.

Kabado man ay pinilit kong humakbang papasok sa mansyon, habang nanginginig ang mga tuhod ay hindi ko na din mapigilang pumasok sa mansyon dala na din ng matinding pagod.

Sa sandaling tumapak ang aking paa sa loob ng mansyon ay sya din namang lakas ng pintig ng aking puso. Tahimik na mansyon ang sumalubong sa akin. Hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat na walang tao o mas lalo pang kabahan.

Dala marahil ng matinding kaba ay dali-dali akong pumasok sa aking silid. Agad ko itong sinarado at pati ang bintana ay sinigurado kong naka lock. Nang mapanatag na ang aking loob ay tsaka lamang ako nakahinga ng maluwag.

Muli ay napabaling ako ng tingin sa may pintuan. Tinitigan ko ito ng mabuti bago napagpasyahang lumapit dito. Sa pagkakatanda ko ay halos matanggal na ang lock nito kanina ngunit ngayon ay maayos na.

Muli akong bumalik sa may kama, lumuhod ako at tiningnan ang sahig, wala na ding bahid ng dugo maging ang higaan ko ay iba na din ang sapin.

Marahil ay pinapalitan na ni Sir Dewin, kung si Aling Iska ang nag palit nito ay marahil may alam ito sa tunay na katauhan ni Sir Dewin.

Ngayon ko lamang napagtanto na kamag anak nga pala ito ni Damian, malamang ay pareho lamang silang kakaiba.

Agad akong naglinis ng aking katawan at nahiga sa aking higaan. Ilang oras na akong nakahiga ngunit hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Unti-unti ng lumiliwanag ang paligid ngunit heto ako at mulat na mulat pa rin.

Wala mang tulog noong mga nakaraang gabi ay maaga pa rin akong nagising ng sumunod na araw. Kulang na sa tulog kaya marahil medyo hindi na maganda ang pakiramdam ko.

Matamlay akong tumayo sa aking higaan at dahan-dahang naglakad papuntang banyo. Bago maligo ay tumingin muna ako sa salamin na nakasabit, hindi ko alam kung anong sasabihin o gagawin ko kung sakaling makita ko si Sir Dewin. Nakakahiya, siguro ay yan na lamang ang nararamdaman ko tungkol sa nangyari noong nakaraang gabi.

Agad akong tumakbo ng hindi nag-iisip. Natakot ako na baka isa rin sya sa gusto akong patayin, hindi ko na naisip na iniligtas nya ako sa tiyak na kapahamakan. Hindi ko agad naisip na baka wala naman talaga itong intensyong masama sa akin at gusto lamang talaga akong iligtas.

Nakakahiya. Nakakahiya, ngunit siguro naman ay maiintindihan naman ako ni Sir Dewin kung sakaling sya ang nasa sitwasyon ko, hindi ba?

Habang naglalakad papasok ng kusina ay hindi ko maiwasang ilibot ang aking paningin sa buong mansyon. Wala akong makita kahit anino man lamang ni Sir Dewin ay hindi ko mahagilap.

Hindi ko na alam kung ano nga ba talaga ang gusto ko. Gusto kong makita si Sir Dewin ngunit may parte sa akin na sumasalungat dito.

The Dracula's DescendantsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon