Panglima

72 45 17
                                    

Ikalima

Lumipas ang mga araw, hanggang ngayon hindi pa rin bumabalik si Aling Iska. Madami akong katanungan na kailangan masagutan at sa tingin ko ay si Aling Iska lamang ang makakasagot nun, bukod sa mismong lalaki ng gabing iyon.

Napag alaman kong naospital ang anak na babae ni Aling Iska sa Negros, at kailangan si Aling Iska roon.

Ang mga misteryong bumabalot sa mansyon ay hindi ko pa rin nabibigyang linaw.

Ngunit isa lamang ang sigurado ako, ang lalaki sa bintana at lalaki sa kusina ay iisa lamang. Nitong mga nakaraang araw ay hindi na muli pang nagpakita ang lalaki, marahil ay naninibago lamang ako kung kaya't kung anu-ano na lamang ang iniisip ko.

Andito ako ngayon sa second floor, naglilinis. Katulad ng bilin sa akin ni Aling Iska noong unang araw ko dito. Nag lilinis sa loob ng mansyon sa umaga habang naglilinis naman ako ng hardin sa hapon.

Pakiramdam ko ay hindi ko kakayanin ngayong wala pa rin si Aling Iska. Sa laki ba naman ng mansyon na ito tapos ako lang ang maglilinis. Nakakapagod sa maghapon, mabuti na lamang at hindi na ako ang maglilinis sa huling palapag ng mansyon.

Bibihira ang pagkakataong makita at makausap ko si Sir Dewin, hindi ko alam kung dahil ba ito sa trabaho nya o sa laki ng mansyon na ito, marahil ay pareho.

Andito ako ulit ngayon sa bintana kung saan ko huling nakita ang lalaki. Matagal ko munang pinagmasdan ang tanawin sa ibaba. Napakaganda ng hardin, at iyon ang nais kong pagtuonan ng pansin.

Pababa na ako ng may mapansing isang bulto ng katawan sa may dulo ng pasilyo, kung saan ako nanggaling. Nakapagtataka lamang dahil wala naman ito doon kanina.

Ang hagdan ay nakapwesto malapit sa kabilang dulo ng pasilyo. Hindi maaninag ang anyo ng lalaki, katulad ng mga nakaraang tagpo ay hindi ko pa rin makita ang kanyang mukha na wari'y sinasadya na itago.

Ang liwanag na nagmumula sa likod nya at ang kurtinang hinahangin ay lalong nagkubli na makita ang kaniyang anyo.

Tanging ang kaniyang matikas na anino lamang ang aking natatanaw.

Hindi ko mapagkakailang kahit anino lamang niya galing sa araw ay nakakahumaling tingnan. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa pagiging misteryoso nya sa akin o sadyang sa taglay nitong appeal.

Muling umihip ang malakas na hangin at sa muling pag ihip nito ay nawala na ang lalaki. Hinawakan ko ang dibdib ko kung saan nakatapat ang puso ko.

Malakas na tibok ang syang aking naramdaman. Dalawa lamang ang maaaring rason kung bakit ko nakikita ang lalaki, una ay dahil hindi ito normal at pangalawa ay hindi na normal ang pag iisip ko.

Tinuloy ko na ang aking pagbaba. Itinabi ko ang mga ginamit kong panlinis at nagsimula ng magluto ng aking pagkain.

Hindi umuuwi si Sir Dewin tuwing tanghali at minsan ay hating gabi na kung umuwi,

Matapos kong hugasan ang aking pinagkainan ay sandali akong nagpahinga.

Papunta akong library na nakita ko kanina sa second floor habang naglilinis ako. Marahil dito ay makikita ko na ang litrato ng buong pamilya na pinagsisilbihan ko.

Nakakapagtaka lamang dahil sa mag dadalawang linggo ko dito ay si Sir Dewin pa lamang ang aking nakikilala sa kanilang pamilya. Kahit ang lalaki na madalas kong makita ay hindi ko pa alam ang pangalan o kahit ang itsura man lamang nito.

Hindi din ako sigurado kung kasama ba sa pinagsisilbihan ko ang lalaking palagi kong nakikita.

Bubuksan ko na sana ang pintuan ng hindi ko mapihit ang pihitan nito. Nakapagtataka lamang dahil kanina ay bukas pa ito. Sumilip pa ako kanina dito para makompirma lamang nabukas nga.

The Dracula's DescendantsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon