Pang-walo

56 43 10
                                    

Ikawalo

Ang boses na yun. Hindi ako makapaniwala habang nakatingin lamang sa kaniya.

Nagkakamali lamang ba ako at talagang pinapaniwala lamang ako ng aking mga tenga o talagang siya talaga ang nasa harapan namin ngayon?

Parang tumigil ang aking mundo habang nagkakatitigan kami ng aming guro.

Marahil ay pareho lamang sila ng boses. Masyadong malayo ang probinsyang aking pinagtrabahuhan dito sa lungsod.

Ang aking mga kaklase na kanina lamang ay napakaingay, ngayon ay wala ka nang ibang maririnig na ingay.

Tumikhim muna ang guro bago tumalikod at para magsulat sa board.

"Good morning class, Im gonna be your instructor in this subject for the whole year" paliwanag nya habang nagsusulat sa board. 

Noong una ay nagtataka pa kami kung anong isinusulat ni Sir sa board dahil natatabingan ito ng kanyang malapad na balikat.

"So, this is our grading system" sabi nya habang ipinapakita sa amin ang kaniyang isinulat sa board. Akala ko naman ay kung anong isinusulat nya, masyado naman ata syang seryoso.

"Any questions?" tanong nya sa amin. 

Walang gustong magtanong sa kaniya, ang tanging gusto lamang ay ang titigan ang maganda nitong tindig at ang nakakalaglag-pangang katawan.

"Sir?" nagulat kami ng may maglakas loob na mag tanong sa aming guro. 

Medyo nakakatawa lamang sapagkat nakataas pa ang kamay nya ng tuwid na para bang elementary na nakikipag-unahan sa pagsagot. Napakabait na bata.

"Yes?" tanong nya habang nakataas pa ang isang kilay. 

Nasa harapan na sya ngayon namin habang bahagyang nakasandal sa teachers table. Ang kanyang kamay ay magkasalikop habang bahagyang magkahiwalay ang kaniyang mga paa.

Pakiramdam ko ay walang matututunan ang aming section sa taong ito, lalong-lalo na sa subject nya.

"Ano pong pangalan nyo?" nanigas ako bigla sa aking kinauupuan. 

Ngayon ko lamang napansin na hindi pala sya nagpakilala. Kahit pangalan nya ay hindi nya man lamang pinaalam sa amin.

"I almost forgot, I'm sorry" sabi nya na lang sa amin. 

Muling bumaling ang kanyang tingin sa akin. Hindi pa rin mawala ang kaba sa aking dibdib magmula ng pumasok ang guro sa aming silid.

"My name is Damian Fallar, you can call me Sir Damian" sabi nya habang nakatingin pa rin sa akin. 

Hindi ko na kaya pang pigilan ang malakas na pintig ng aking puso, tanging paghawak na lamang sa parteng iyon ang aking nagawa.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o matatakot. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang mga bagay na nangyari noon sa mansyon lalong-lalo na ang pag halik nya sa akin.

"Since this is the first day of school, alam nyo na siguro ang gagawin nyo?" tanong nya sa amin.

Lahat kami ay napanganga ng magsalita na ng tagalog si Sir Damian. Ang hot nya nang tingnan, pero bakit mas lalo pa yatang dumagdag doon nang magsalita ito ng tagalog

Kulang na lamang ay magsitilian ang aking mga kaklase, kung hindi lamang mukhang masungit ang binata, malamang ay kanina pa ito nadumog ng mga estudyante.

Katulad nga ng sinabi ni Sir, nagpakilala kami isat-isa. Nagsimula sa unahan, at nagsunod-sunod na.

Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko, parang natataeng pabaling-baling ako ng upo. Hindi dahil takot akong magsalita sa harap ng madaming tao, kung hindi dahil ang aming teacher ay kanina pang nakatingin sa akin.

The Dracula's DescendantsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon