Panglabing-apat

42 36 5
                                    

Labing-apat

Ilang araw na ang lumipas ngunit wala pa rin akong balita tungkol kila Tiya. Alam kong hindi maganda ang turing ng pamilya sa akin, pero ayaw ko namang may mangyaring masama sa kanila lalo na at sila na lang ang natitira kong kamag-anak.

Habang nag lilinis ay hindi maalis sa isip ko kung bakit hanggang ngayon ay wala pa ring balita kila Tiya.Tuwing uuwi si Aling Iska ay nakikibalita ako ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin sila bumabalik sa bahay.

Nag-aalala na rin ako para sa kanilang kaligtasan lalo na sa panahon ngayon.

Isa ngayon sa mga problema ko ay kung paano ko makakausap sila Tiya. Ilang buwan na simula ng hindi ko sila makita o kahit matawagan man lamang. Hindi ko alam kung may dapat ba akong ipag alala pero matagal na akong walang naririnig na balita tungkol sa kanila.

Gabi na pero andito pa din ako sa labas ng mansyon. Ito ang unang beses na ganitong oras ay nasa labas pa din ako hindi para maglinis kundi para pagmasdan ang mga alitaptap sa hardin.

Marahil dahil sa lalim ng iniisip ay hindi ko napansin na may iba na pala akong kasamang nakaupo sa sanga ng kahoy. Halos malaglag ako sa aking kinauupuan nang tumikhim ang lalaki.

Nang lingunin ko ang binata ay nakakunot ang noo nito. Hindi ko maintindihan, karamihan sa oras na nakikita ko ito ay palaging naka kunot ang noo.

"Why are you here?" hindi ko alam kung matutuwa ba ako o kung ano dahil andito na naman si Sir Damian. 

Hindi naman sa ayaw ko siyang kasama, ngunit sa mga oras na kasama ko ang binata ay may mga bagay na nangyayari sa sarili ko na hindi ko maintindihan, at hindi ko gusto yun.

"W-wala nagpapahangin lang po" sabi ko na lang sa kaniya, sabay iwas ng tingin.

Hindi ko kayang makipagtitigan kay Sir Damian ng matagal, parang anumang oras ay mawawala ako sa titig nya at hindi na makabalik.

"Are you avoiding me?" muli ay tanong nya ulit na pinagtaka ko naman.

Paano ko sya iiwasan, ni hindi ko nga makita kahit anino nya sa mansyon. Hindi ko naman pwedeng tanungin si Aling Iska dahil hindi naman nya kilala si Damian, baka sabihin pa nun na nasisiraan na ako ng bait. Hindi ko din alam kung saan sya susulot na lang

Muli ko syang tiningnan, ngunit sa oras na ito, sya naman ang umiwas ng tingin.

Isang mahinang tawa muna ang pinakawalan ko bago ako makahanap ng tamang salita.

"Paano naman kita iiwasan, eh hindi nga kita nakikita dito sa mansyon" sabi ko na lamang sa binata.

Napakamot na lamang ito sa ulo tsaka nag iwas ng tingin.

"May tanong sana ako, kung pwede lang" sabi ko sa kaniya. 

Ilang beses ko na ding pinag-isipan kung paano ito sisimulan. Saglit na tumingin sa akin si Sir Damian, pagkatapos ay tumango ito.

"Dito ka ba sa mansyon nakatira?" tanong ko dito habang pareho kaming naka tingin sa mansyon, sa harapan namin.

Ilang sandali muna itong nanahimik, pagkatapos ay tumango.

Medyo madilim na sa pwesto namin, tanging ilaw mula sa buwan at mahinang ilaw na nagmumula sa mansyon ang tumatanglaw sa amin.

"Ibig ba noong sabihin, kapatid mo si Sir Dewin?" tanong kong muli dito. Tumingin itong muli sa akin bago umiling.

"Paano nangyari yun?" tanong kong muli. Mabuti na lamang at hindi pa nauubusan ng pasensya si Sir Damian sa mga tanong ko na personal.

"Ang ama ni Dewin at ako ay mag kapatid. Siguro ay nagtataka ka kung nasaan ang mga magulang nya, nasa ibang bansa ito at minsan lang kung umuwi para asakasuhin ang mga kumpanya sa labas ng bansa." Namamangha kong tinitigan si Damian na sa harapang muli nakatingin.

Sa tingin ko ay isa ito sa mahahabang salitang binitiwan ni Damian habang kausap ako, bukod don ay tagalog ang mga sinabi nito.

"ahh ganun ba?" tanging nasabi ko na lamang.

Muli ay binalot kami ng katahimikan. Masyado akong naging komportable na hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa mga bisig nya. Umaga na ng magising ako sa aking higaan

Umaga na naman, kailangan ko na namang maglinis ng mansyon. Habang paakyat ng hagdan papunta ng pangalawang palapag ay may narinig akong ugong ng isang sasakyan. Possible kayang si Sir Dawin yun?

Habang iniisip kung sino ang dumating ay dali-dali akong tumakbo papunta sa may malaking bintana upang tingnan ito.

Isang magarang sasakyan ang nakaparada ngayon sa harap ng mansyon, naabutan kong bumababa ang isang magandang babae. Siguro ay nasa mid-forties na ito pero hindi mo masyadong mahahalata dahil sa galing nitong pumorma at magdala ng damit.

Muntik ko ng mabitawan ang mga hawak na pang linis ng bigla itong tumingala sa lugar ko. Saglit na nagtagal ang tingin nito sa akin bago nagpakawala ng isang nakakapanindig balahibong ngiti.

Hindi ako judgmental na tao, pero hindi maganda ang kutob ko sa babae. Halos mapasigaw ako ng may kumalabit sa likod ko. Hawak-hawak ko ang dibdib habang nililingon si Sir Dewin.

"B-bakit po sir Dewin?" agad kong tanong dito ng makabawi sa pagkakagulat.

Nang lingunin ko ito ay halos di na mapigilan ang sarili nitong tumawa. May kaunti na ding luha ang makikita sa kanang mata nito.

"Wag mo nang pigilan ang tawa sir" sabi ko dito habang nakasimangot. Pagkatapos ko itong sabihin ay agad na kumawala ang malakas na tawa mula sa binata.

"baka kung saan pa yan lumabas pag pinigilan mo" dagdag ko pa na ikinalakas pa lalo ng tawa nito.

Unang kita mo pa lamang ay mapapansin mo na agad ang pagkakaiba nila Sir Dewin at Sir Damian. Maaring pareho silang may aura na nakakaintimida, pagkatapos noon ay wala na silang pagkakapareho.

Halatang palakaibigan si Sir Dewin at madaling kausapin samantalang si Sir Damian naman ay halatang masungit at mahirap basahin ang mga kinikilos.

Matagal bago nakontrol ni Sir Dewin ang kanyang tawa. Marahil ay nakakatawa talaga ang naging itsura ko kanina.

"What are you doing here?" yan ang unang lumabas sa bibig ng binata matapos ang mahabang pagtawa nito.

Saglit kong tiningnan ang mga dala kong panlinis. Ano ba kasing ibang gagawin ko dito kundi maglinis? Hindi naman ako pwedeng basta-basta na lamang gumala dito.

"Right" sabi nya ng maintindihan kung ano ang gusto kong sabihin.

Habang nagkukwento si Sir Dewin ay may naalala akong bigla. Baka pwede nya akong matulungan.

"Sir, pwede po bang humingi ng pabor sa inyo?" tanong ko dito

Agad itong nag seryoso habang naka taas ang kanang kilay.

"What is it?" agad na tanong nito sa akin na para bang handang-handa ako nitong matulungan.

"Alam nyo po ba kung nasaan ngayon sila Tiya?" tanong ko dito.

Nang mapansin ang klase ng tanong ko dito ay agad ko itong binago.Para ko naman na siyang pinaparatangan na may kinalaman sa pagkawala nila Tiya.

"Pwede po bang tulungan nyo akong hanapin sila Tiya?" muli ay tanong ko dito

The Dracula's DescendantsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon