PangSiyam

59 41 5
                                    

Ikasiyam

Ang masakit na leeg ang una kong naramdaman. Hindi ko muna iminulat ang aking mga mata at pinakiramdaman ko muna ang aking paligid.

Malamig, Malambot at mabango ang paligid, yan ang una kong napansin. Ibinuka ko ang aking mga braso at may nahawakan ang aking kamay

Matigas, nagtataka man ay patuloy ko itong hinawakan, malaki at maugat. Dahil marahil sa antok ko ay hindi pa naproseseso ng aking utak kung ano ang hawak ko. Pinagapang ko pa ang aking kamay at dinama ang aking hinahawakan.

"Mmmmmhh" agad akong napamulat ng aking mga mata ng may umungol sa aking tabi. Dahil sa aking biglaang pagbangon ay sumakit ang sugat ko sa aking leeg.

Agad naman na dumalo sa aking tabi si Sir Damian na naka boxer lamang na ikinalaki naman ng aking mga mata at agad ko syang tinalikuran.

"My baby wants a hug" sabi nya bago ako makaramdam ng yakap mula sa aking likod. 

Doon ko lamang napansin na iba na ang suot kong damit. Kahapon ay isang uniform ang aking suot ngayon ay isang itim na T-shirt na umabot hanggang gitnang bahagi ng aking hita.

"Sinong nagbihis sa akin?" tanong ko sa kaniya habang sa damit ko pa rin nakatingin.

Nararamdaman kong wala akong suot na bra at short. Tinggal ko ang pagkakayakap nito sa akin at humarap sa kaniya.

Mataman ko itong tiningnan habang nag-aantay ng sagot ngunit napansin kong may ibang kumukuha ng atensyon ng binata. At nang sundan ko ang tinitingnan nito ay agad ko itong hinampas ng unan na ikinabigla nito.

"Bastos ka! Wala kang Galang!" sigaw ko dito

Pinunasan ko ang munting luhang kumuwala sa aking mga mata.

"Hey? Why are you crying? I didnt change your clothes, hush!" sabi nya sa akin habang hinahagod ang aking likod. Hinawakan nito ang aking baba at pinaharap sa kaniya.

Pinahid nito ang mga luha na nasa aking pisngi gamit ang kanyang hinlalaking daliri

Hinwakan nito ang aking mukha gamit ang kaniyang dalawang kamay at tiningnan ako ng mataman.

"Sorry, okay? I will never, ever disrespect you okay?" sabi nya sa akin na sya namang kinatango ko.

"I know you're hungry, lets go" sabi nya habang inaalalayan akong tumayo. 

Habang naglalakad ay nakahawak ang isa nitong kamay sa aking kamay habang ang isa naman ay sa aking likod nakahawak.

Nanatili akong tahimik ng mga sandaling iyon. Pumapasok pa rin sa aking isipan ang nangyari noong nakaraang gabi. Oo nga at may ideya na ako sa kung ano sya ngunit iba pa rin pala pag nabigyan na ng linaw.

"Alam kong marami ka pang katanungan, mamaya ko na lamang sasagutin" sabi nya sa akin ng mapansin ang aking pagiging tahimik.

Madaming pagkain ang nakahain sa lamesa, ngunit ang isa sa napansin ko ay puro prito ito at ang iba ay medyo sunog pa. Hindi na lamang ako nagbigay ng komento at nagsimula ng kumain.

Nakakailang subo na ako ng mapansin kong di pa pala kumakain si Sir Damian. Nakatingin lamang ito sa akin habang nakapangalumbaba na parang nag-aantay ng kung ano mula sa akin.

"What?" tanong ko dito. Kahit ako ay napapaenglish pag kasama ko ang binatang ito.

"How's the food?" muntik ko ng mailuwa ang kinakain ko. 

Hindi dahil sa tanong nya kundi dahil sa asin na nakalagay sa niluto nyang sinangag.

Nagdadalawang isip man ay sinagot ko pa din ito.

"May asin pa ba kayo?" tanong ko dito na sya namang ikinataka ng binata

"Why? wala bang lasa?" tanong nito sabay subo ng sinangag galing sa plato ko. 

Agad naman ito napaubo at iniluwa ang sinubo habang tumatakbo papuntang sink.

Kung titingnan ang binata ay parang wala itong tinatago. Nakakapagtaka lamang dahil parang wala pa itong balak na ipagtapat ito sa akin.

Mabilis itong nakabalik at kinuha ang plato ko pati na din lahat ng sinangag. Dali-dali itong bumalik sa kusina, sinundan ko ito ng tingin at nakitang itinapon nito ang pagkain sa basurahan.

Mayayaman nga naman. Pwede pa namang gawan ng paraan pero tinapon na lamang.

Inilibot ko ang tingin sa kusina, malaki ang kusina at gaya sa mansyon ay kakaunti lamang ang palamuti dito. Black and white ang kulay na karaniwang makikita kung kayat malinis tingnan. Maganda ang kusina at kumpleto sa gamit.

Bigla kong naisip ang mga tao sa mansyon, kamusta na kaya sila, si Aling Iska at si Sir Dewin. Bigla kong naalala ang huling tagpo at mga binitawang salita ni Sir Dewin na sya namang kinainit ng aking mga pisngi.

Nagulat na lamang ako ng may humawak sa aking mga pisngi. Nang aking tingnan ay nakasimangot na Damian ang aking nakita, nakakunot ang noo nito at bahagyang nakausli ang nguso.

"I can easily say that you are thinking about another man" sabi nya pa. nagulat naman ako sa tono nito. Nakakatawa ngunit pinigilan ko ang pag alpas nito ng mapansing seryoso pala sya.

"Ha? Ano?" hindi ko maintindihan at masabayan ang pagbabago-bago ng kaniyang mga emosyon. Marahil ay may sakit ito.

Agad kong napansin ang orasan na nakasabit sa dingding ng pumasok ako sa kusina para sana kumuha ng baso.

Alas syete y media na at may pasok pa ako mamayang alas otso. Dali dali akong bumalik kung saan ko iniwan si Sir Damian ngunit hindi ko na ito doon naabutan.

Pumasok ako sa silid kung saan ako nagising kanina, nakita ko itong nakaupo sa kama habang hawak hawak ang kaniyang cellphone.

Tumikhim ako para agawin ang kaniyang pansin ngunit hindi man lamang ito lumingon. Siguro ay may ginagawa pa ang binata kaya napagpasyahan ko na lamang dumeretso sa banyo para maligo at makapagpalit ng aking uniform.

Pag labas ko sa banyo ay wala na ang binata sa loob at may isang pares ng school uniform na nakalatag sa kama.

Agad ko ito isinuot at lumabas na. hindi ko makita ang binata kung kayat nauna na lamang akong lumabas. Doon ko lang nalaman na nasa isang condominium kami

Agad kong nahanap ang elevator, naghintay pa ako ng sandali bago makababa at makakuha ng taxi.

Pagdating ng sasakyan sa unibersidad ay agad akong nagbayad bago bumaba ng sasakyan. nagmamadali akong naglakad, ayokong mahuli sa klase, ayokong pag tinginan ng mga studyante. 

Pagdating sa classroom ay agad kong tiningnan ang loob nito, napabuntong hininga ako ng makitang wala pa ang aming propesor.

Muntik na akong mahuli sa una kong klase, mabuti na lamang at na late din ang aking professor kung kayat hindi nya ako napansin.

The Dracula's DescendantsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon