Ika labingtatlo
Agad akong pumasok sa aking silid upang makapag linis ng aking katawan. Agad na pumasok sa aking isipan ang mga kilos ni Sir Damian. Hindi ko mabasa ang mga galaw ng binata at wala akong kahit konting ideya sa mga sinasabi nito sa akin.
Mabilis akong naligo at pagkatapos ay napagpasyahan ko ng bumaba sa kusina para maghanda ng pagkain. Nahiya akong bigla ng makita ko si Aling Iska ang nag aayos ng lamesa.
"Pasensya na po, ginabi po kasi kami sa pamimili" sabi ko sa kaniya habang tinutulungan na ding mag ayos ng aming kakainan.
Katulad ng dati ay wala na naman ang aming mga amo sa mansyon. Sa tagal kong nagtatrabaho dito ay limitado lamang ang aking mga alam tungkol sa pamilya. Limitado lamang ang nalalaman ko at nakakapagtaka iyon para sa akin.
Ang mga magulang ni Sir Dewin ay hindi ko pa nakikita kahit isang beses, tanging mga pinsan lamang nya ang aking nakitang bumisita sa mansyon, na hindi na naulit pa. Maging si Aling Iska ay pakiramdam kong may tinatago sa akin.
Kumain kami ng tahimik ni Aling Iska, pagkatapos kumain ay nagprisinta sya na maghuhugas kung kay'at napagpasyahan ko na lamang maglinis ng mansyon. Katulad ng dati ay inuna ko ang pangalawang palapag. Gabi na ngunit ngayon pa lamang ako magsisimula, siguro ay kaunti lamang ang lilinisin ko para kaunti na lamang ang lilinisan kinabukasan.
Habang naglilinis sa pasilyo ay hindi ko naiwasang tumingin sa hagdan papunta sa pangatlong palapag. May liwanag na nanggagaling sa dulo ng hagdan, nakapagtataka lamang dahil ang alam ko ay kaming dalawa lamang ni Aling Iska ang nasa mansyon, si Aling Iska ay kasalukuyang naghuhugas ng aming pinag kainan sa baba.
Dahan dahan akong humakbang paakyat sa hagdan. Nanglalamig ang aking mga palad na humawak sa barandilya . Nanginginig man ang mga tuhod ay dahan dahan ko pa ring hinakbang ang aking kanang paa paakyat sa unang baitang.
Hindi ko alam ngunit labis akong kinakabahan, doon ko lamang naalala na hindi nga pala ako pwedeng umakyat sa pangatlong palapag. Ayokong mawalan ng trabaho.
Matapos kumain ay agad akong naghugas upang maagang makapagpahinga. Balak ko kasing maglinis sa hardin bukas.
Agad akong pumasok at binuksan ang ilaw sa aking silid. Halos mapatalon ako ng makita ang isang tao, o isang nilalang na nakaupo mismo sa aking higaan.
Mataman itong nakatingin sa akin habang dahan-dahan kong isinasara ang pintuan. Hindi ko alam ngunit lagi akong kinakabahan sa tuwing lalapit o magpapakita sa akin ang lalaking ito.
"A-ano pong ginagawa nyo sa aking silid?" hindi ko maiwasang mautal dahil sa kaba na aking nararamdaman.
Marahil ay naririnig nya ito, hindi ko lang alam. Ang mga tingin nya ay nanatiling nakatuon sa akin. Huminto ako sa aking ginagawa at hinarap ang lalaki.
Ilang sandali pa ang lumipas ngunit parang wala pa rin itong balak na magsalita, na syang nakapagpadagdag pang lalo sa kaba na aking nararamdaman magmula nang pumasok ako dito. Hindi ko alam kung normal pa ba itong nararamdam ko tuwing mapapalapit ako sa kaniya.
"Ahmm Hello po?" sabi ko ulit habang nakatayo malapit sa may pintuan. Ikinaway ko ng bahagya ang aking kanang kamay upang malaman kung napapansin pa ba ako nito.
"Yes?" sabi nya.
Bakit parang nagmumukha pa akong nagtatanong sa kaniya? Natural lang ba na nandito sya sa kwarto ko?
Hindi ko alam pero bigla akong nainis kay Sir Damian. Gusto ko ng magpahinga pero andito pa rin sya, hindi naman nagsasalita kung ano ang kailangan nya sa akin. Paano kami mag-uusap nyan?
Nanatili ang kaniyang mga tingin sa akin kaya tinaasan ko ito ng kilay, hindi ko alam pero gusto ko syang tarayan sa mga oras na ito.
Gusto kong maramdaman kung paano manuyo ang isang Damian, alam kong walang kami, pero pakiramdam ko ay may espesyal kaming nararamdaman para sa isa't-isa. Feelingera na kung feelingera pero yung ang nararamdaman ko. Hindi ako sigurado kung susuyuin nya ba ako o hindi nya mararamdaman kung ano ang aking gustong mangyari.
Ngunit bumagsak ang aking mga balikat ng taasan nya lamang din ako ng kilay. Ipinatong pa nito ang kaniyang mga kamay sa may bandang likuran nya habang naka de-kwatro ang mga paa.
Parang pinagpatong-patong na yelo na masarap sapakin ng dos por dos ang lalaking prenteng nakaupo sa aking higaan. Sa halip na kausapin ako o lapitan man lamang ay pinagtaasan din ako ng kilay.
"Anong ginagawa mo dito?" muli kong tanong sa kaniya. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kaniya at ayaw nyang magsalita.
"Huling tanong, kung hindi ka sasagot ay maari ka ng umalis sa aking silid" sabi ko matapos ang ilang minutong pananahimik nito.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong kong muli sa kaniya.
Nabigla ako ng bigla itong tumayo. Saglit nitong inayos ang suot na kamiseta at agad na tinungo ang pinto. Muntik na akong matumba ng bigla itong tumigil sa aking harapan.
Unti-unting bumababa ang kaniyang mukha palapit sa akin. Hindi ko alam ang aking gagawin kung kaya't napili ko na lamang pumikit. Habang lumilipas ang mga sandali ay lalong bumibilis at lumalakas ang tibok ng aking puso.
Napamulat akong bigla ng marinig ang tunog ng pagbukas aking pintuan. Doon ko lamang naalala na nakatayo nga pala ako malapit sa may pintuan.
Bago pa sya tuluyang makaalis ay narinig ko itong mahinang tumawa. Ibat-ibang emosyon ang nararamdaman ko ng mga sandaling ito.
Akma kong isasara ang pintuan ng may biglang humila sa aking braso at isinandal ako sa pader malapit sa pintuan ng aking kwarto. Bago pa ako makasigaw ay lumapat na sa aking mga labi ang isang malambot na bagay.
Nasa aking harapan ngayon si Sir Damian habang magkalapat ang aming mga labi. Ang kaniyang mga mata ay nakasara na para bang ninanamnam nito ang mga sandali samantalang ang akin naman ay bukas na bukas.
Unti-unti kong ipinikit ang aking mga mata, na sana ay hindi ko na lamang ginawa. Dahil sa sandaling ipinikit ko ang aking mga mata ay sya namang paglisan nya. Ilang sandali pa akong nanatili sa lugar na iyon bago ko naisipang pumasok sa kwarto.
Dali-dali akong naglinis ng aking katawan at naghanda na sa aking pagtulog. Ilang oras na akong nakahiga habang nakatitig sa kisame ng aking kwarto pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok.
Habang inaalala ang nangyari sa maghapon ay napahawak ako sa aking mga labi. Hinayaan ko na namang halikan ako ng isang taong hindi ko lubusang kilala. Pangalan lamang ang alam ko sa kaniya, ni ang kaniyang tirahan ay hindi ko alam.
Katulad ng aking plano ay maaga akong nagising kinabukasan. Si Aling Iska ang naghanda ng pagkain habang ako ay nililinisan ang una at pangalawang palapag ng mansyon.
Nang hapon naman ay pinili kong linisan ang hardin. May maliliit na mga damo ang tumubo dito kaya't ito ang pinili kong unahin.
BINABASA MO ANG
The Dracula's Descendants
VampireKagaya ng buwan, sa malayo lamang kita kayang pag masdan