Ika-labingdalawa
Ang likod na iyon, hindi ko alam kung pinaglalaruan lamang ba ako ng aking mga mata o talagang nandito nga sya.
Ilang buwan ko na rin syang hindi nakikita kaya medyo hindi rin ako sigurado kung tama ba ang aking kutob.
Sa bawat segundo na lumilipas ay para bang lalong bumibilis ang tibok ng aking puso at para na akong mauubusan ng hangin.
Hindi ko alam ang aking mararamdaman kung sakaling tama ako ng hinala.
"Youre with him. Again" mga katagang lalong nagpakaba sa akin, kung bakit ay hindi ko din alam.
Nanatiling itong nakatalikod sa akin. Hindi ko na nagawa pang humakbang pa papalapit sa kaniya. Para bang habang lumilipas ang bawat mga sandali ay unti-unti din akong nauupos.
"A-anong ginagawa mo dito?" mga katagang unang lumabas sa aking bibig.
Unti-unti itong humarap sa akin na syang ikinasinghap ko. Walang masyadong pinagbago ang binata maliban na lamang sa mukha nitong hindi makikitaan ng anumang reaksyon.
"What did just you say?" tanong nya sa akin habang dahan-dahang lumalapit sa aking kinatatayuan. Gusto kong bawiin ang mga binitawan kong salita ngunit hindi na pwede pa.
Gusto kong tumakbo papaalis, papalayo sa kaniya ngunit ayaw makisama ng mga paa ko. Nagulat na lamang ako ng wala na ito sa dati nitong kinatatayuan. Muntik ko nang makalimutan na hindi nga pala isang normal na tao ang nasa harapan ko kanina.
Inilibot ko ang aking paningin ngunit wala akong nakita, kahit anino ni Sir Damian ay wala akong makita. Dali-dali akong pumunta sa aking silid at malakas na isinara ang pintuan na agad ko din naman pinagsisihan.
Matapos makapaglinis ng katawan ay agad akong pumunta ng kusina para tulungan si Aling Iska sa pagluluto. Malapit na ring magtanghalian. Maraming putahe ang inihahanda namin, siguro ay maraming bisita ang pamilya.
Habang naghahanda ng pagkain ay hindi ko maiwasang matulala. Gusto kong humingi ng tawad at magpaliwanag kay Sir Damian ngunit hindi ko naman makita ang binata.
Meron palang gaganapin na maliit na salo-salo kasama ang buong pamilya ni Sir Dewin, ngunit malapit ng mag alas dose ng magsialisan ang mga sasakyan. Nagulat na lamang ako ng paglabas ko sa hardin ay nagsisimula na mga itong umalis.
Agad ko naman itong sinabi kay Aling Iska na wala din palang alam sa mga nangyayari. Agad naman naming hinanap si Sir Dewin ngunit hindi namin ito makita.
Napagpasyahan na lamang ni Aling Iska na ipagpatuloy ang pagluluto dahil baka daw bumalik din ang mga ito. Pasado alas-dose na ng mataapos kami sa pagluluto, inayos na din namin ang lamesa para handa na sa pagdating nila.
Agad naman akong nagbihis ng damit, pakiramdam ko ay ang lagkit ko na dahil sa pawis. Muling bumalik ang nangyari kanina sa aking isipan, nag-aalala na baka abutin na naman ng ilang buwan bago magpakita si Sir Damian, o baka hindi na muli pang magpakitang muli.
Malapit ng mag-ala una ng hapon ng mapagpasyahan naming kumain ni Aling Iska. Hindi pa rin dumadating ang mga bisita at maging si Sir Dewin ay hindi namin makita. Halos malibot ko na ang buong mansyon ngunit wala akong makitang bisita o kahit si Sir Dewin.
Sumapit na ang gabi ngunit wala pa rin sila. Tinanong ko si Aling Iska kung ano ang nangyayari ngunit hindi rin daw nya alam.
Nakapagtataka lamang dahil mukha silang nagmamadali kanina na para bang may hinahabol, kahit si Sir Dewin ay hindi man lamang nakapagbigay ng utos kay Aling Iska.
Maaga akong nahiga ng araw na iyon. Napagod ako sa maghapon ngunit ang isip ko naman ay hindi matigil sa pag-iisip. Iniisip ko kung paano ko ba muling makakausap si Sir Damian.
Masyado kasing mailap din si Sir Damian, hindi ko ito makausap kung kailan ko gustuhin.
Hindi ko namalayang hinihila na pala ako ng antok. Nagising na lamang ako ng umaga na. Dali-dali akong naligo at pumunta na sa kusina. Medyo tanghali na din ako nagising kaya nakakahiya kung kakain pa ako ng umagahan.
Agad kong kinuha ang panglinis at nagsimula nang maglinis sa pangalawang palapag.
Agad akong kinabahan ng matanaw ko ang likod ni Sir Damian. Bahagya munang akong natigilan bago nabitawan ang hawak kong panglinis at agad na tinakbo ang kinaroroonan nito.
Mabilis kong niyakap ng mahigpit si Sir Damian para hindi na ulit pa ito biglang aalis ng walang pasabi. Naramdaman ko naman na bahagya itong natigilan sa naging asal ko, maging ako ay hindi napag-isipang mabuti ang ginawa.
"P-pasensya sa pala sa nangyari kahapon" sabi ko habang nakabaon pa rin ang aking ulo sa malapad na likod nito.
"Why?" tanong nito. Hindi ako nakasagot agad.
Hindi ko naman kasi alam kung ano ba talaga ang nais nyang itanong.
Dahan-dahan nitong inalis ang pagkakayakap ng aking mga braso sa kaniyang bewang. Dahan dahan itong pumihit paharap sa akin. Biglang bumilis ang tibok ng aking puso na syang kina atras ko ng bahagya.
"What did you do?" tanong nito sa akin.
Ano nga ba ang ginawa ko? Wala naman akong ginawang masama.
"H-ha? Wala naman akong ginawang masama ah" sabi ko sa kaniya.
Tinitigan muna ako nito bago ako niyakap ng mahigpit. Nabigla naman ako sa ginawa ng binata ngunit agad ko ding ibinalik ang yakap.
"I'm leaving" sabi nito bago tumalikod sa akin.
Agad akong napapikit ng umihip ang malakas na hangin na dapat pala na hindi ko na lang ginawa. Mabilis na naglaho si Sir Damian, agad ko namang inilibot ang aking paningin pero walang akong makitang Damian.
"Leticia?" agad akong napalingon sa taong tumawag sa akin
Malapit sa may hagdan ay nakatayo si Sir Dewin. Makikita sa mukha nito ang pag-aalala, hindi ko alam kung bakit ganun na lamang ang reaksyon nito.
"Kanina ka pa ba dito?" tanong nito sa akin habang palingon-lingon na para bang may hinahanap.
"opo, patapos na din po ako dito" sabi ko sa kaniya.
Umalis naman agad si Sir Dewin, medyo nakakapagtaka nga dahil dapat ay nasa opisina na nya ito. Agad kong tinapos ang paglilinis ko, balak ko kasing pumunta ngayon sa bayan para bumili ng mga gamit ko.
Matapos maglinis ay agad akong naglinis ng aking katawan at nagbihis. Wala nga palang tricycle sa gawing ito, napagpasyahan ko na lang lakarin ang daan para makabawas din ng gastos.
Malapit na ako sa gate ng makarinig ako ng busina ng sasakyan. Nakita ko ang sasakyan ni Sir Dewin kung kayat huminto ako sa paglalakad.
"San ka pupunta, Leticia?" tanong nito sa akin. Hindi ba dapat ay nasa trabaho ngayon si Sir Dewin? Anong ginagawa ng binata dito ngayon?
"Sa bayan po sana" sabi ko na lang dito kahit medyo nagtataka pa rin ako.
"Sumabay ka na sa akin" sabi nito sa akin.
Nagdadalawang isip man ay pinili ko pa ring sumakay sa sasakyan nito.
"Hatid na kita" dagdag pa nito bago paandarin ang sasakyan.
Tahimik ang naging byahe namin hanggang sa bayan. Pagdating sa bayan ay agad kaming dumiretso sa bilihan ng damit.
Matapos makabili ng damit ay ipinasyal ako ni Sir Dewin. Pumunta kami sa mall na hindi ko akalaing meron pala dito. Ngayon lamang ako nakapaglayas dito sa bayan kayat ngayon ko lang din nalaman.
Gabi na ng kami ay makauwi sa mansyon, mabuti na lamang at nakapagpaalam ako kanina kay Aling Iska.
Agad akong dumiretso sa silid ko para makapaglinis na ng aking katawan.
BINABASA MO ANG
The Dracula's Descendants
VampireKagaya ng buwan, sa malayo lamang kita kayang pag masdan