Ika-labingpito
Hindi ko namalayang lumipas ang araw na iyon. Masyadong magulo ang isip ko na hindi ko na namalayan ang takbo ng oras. Madilim na sa labas at tapos na kaming maghanda ng hapunan.
Lumipas ang mga araw at hindi ko na nakita pa si Sir Dewin, maging si Sir Damian ay hindi na nagpapakita pa. Hindi ko alam kung may kinalaman ba ito sa nangyari ng gabing yun o sadyang abala lamang ito sa kaniya-kaniyang buhay, lalo na at narinig kong nagkaproblema daw ang negosyo nila sa Europe.
Maya-maya lamang ay narinig ko na ang katok ni Aling Iska. Sa mga nagdaang araw ay halos gugulin ko na sa paglilinis o pagpapalipas ng oras sa aking silid.
Naging mabagal ang paglipas ng oras ngunit naging mabilis naman na lumilipas ang mga araw.
"Kakain na tayo" sabi nito sa malumanay na boses.
Dahil sa kawalan ng gana ay agad ko itong tinanggihan. Kasabay ng paglipas ng mga araw ay sya namang pananamlay ko
Ilang linggo na lamang at muli akong uuwi para ipagpatuloy ang aking pag-aaral, isang taon na lamang at makakapagtapos na ako.
Pinaghalong takot at may kaunting hiya ang nararamdaman ko, ayaw maalis sa isip ko ang nangyari noong nagdaang gabi.
Hindi ko namalayang unti-unti na pala akong nilulukob ng antok.
Kinaumagahan ay dali-dali akong naglinis ng aking katawan, maaga akong nakatulog kagabi ngunit halos tanghaliin naman ako ng gising.
Agad akong naglinis ng katawan at halos takbuhin na ang pintuan para lang makababa na. Kinakabahan man sa di malamang dahilan ay inangat ko pa din ang kamay ko para buksan ang pinto. Agad na kumunot ang noo ko at nagtaka ng hindi ko ito mapihit.
"Shit!" tanging nasambit ko ng hindi ko mapihit ang seradura. Hindi naman siguro nila ako ikinulong, hindi ba?
Madaming senaryo ang pumapasok sa isip ko at lahat sila ay hindi maganda ang kinakalabasan. Makailang beses na akong naglalakad dito sa banyo at magtatanghali na din ngunit wala pa ding nagbubukas ng pinto.
Sinubukan ko ng humingi ng tulong sa pag iisip na nagkaroon lamang ng sira ang tarangkahan, ngunit wala pa ding nagbubukas.
Nakakapagtaka naman na nasaraduhan ako dito, hindi naman sira ang tarangkahan ng aking banyo. Sinubukan ko man kumalma ay hindi ko magawa, lalo na at ang huling nangyari sa loob ng aking silid ay hindi maganda.
Sa aking pagtalikod ay muli kong nakita ang lalaking ilang araw ng gumugulo sa aking isipan. Muli kong naramdaman ang pamilyar na pakiramdam sa tuwing malapit sya sa akin, hindi na naman mapakali ang pintig ng aking puso at tila ba na tuod na sa aking kinatatayuan, bahagya pang nanginig ang aking kamay sa hindi malamang kadahilanan.
Nanatili kaming nakatayo sa harap ng isa't-isa, walang may gustong basagin ang kung anong meron sa amin ngayon.
Gusto kong magsalita ngunit tanging pagkibot lamang ng aking mga labi ang nakayanan. Gusto ko mang kainin ang aming pagitan at hagkan ang binata ay tila ba naistatwa ako sa aking kinatatayuan.
Tila ba may kung anong tumama sa akin at nagkaroon ng lakas na iangat ang kanang kamay at damahin ang pisngi ni Sir Damian, na nanatiling nakatayo habang pinagmamasdan ako ng mataman.
Unti-unti na tumutubo ang balbas nito na bumagay naman sa kaniya. Tila ba napabayaan ang sarili nito dahil sa itim sa ilalim ng mga mata nito at ang bahagyang pamumutla ng mga labi nito. Nakasuot lamang ito ng isang pantalon na kupas na may butas sa may bandang tuhod at isang itim na T-shirt. Dumako ang aking paningin sa mga paa nitong walang sapin.
Agad ko itong tiningnan sa kaniyang mga mata ng may halong pagtatanong. Ang kaniyang paa ay madudumi at may kaunting galos.
Sa unang pagbukas pa lamang ng aking mga labi ay isang malakas na tunog na nagmumula sa aking silid ang kumuha ng aking atensyon. Nakasarado man ang pintuan ng aking banyo ay akin pa rin itong nilingon.
Lumipas ang ilang segundo at isang malakas na katok ang muling nagbalik sa aking ulirat. Tila ba bumalik ako sa aking wisyo at tiningnan ang kasama ko sa aking banyo, at katulad nga ng dati ay muli na naman itong naglaho.
"Leticia! Open the fucking door!" sigaw ni Sir Dewin mula sa labas ng banyo.
Pagkatapos nyang sabihin ang mga katagang iyon ay ilang malalakas na katok pa ang aking narinig bago ko dali-daling binuksan ang pintuan.
Agad na sumalubong sa akin ang mainit nitong mga bisig na ikinulong ako sa isang mahigpit na yakap. Marahil, dahil sa pagkabigla ay hindi ko magawang ibalik ang yakap ng binata.
"A-anong nangyari?" malakas na tanong ni Aling Iska na syang nagpabalik sa ulirat ni Sir Dewin, mabilis naman ako nitong binitawan.
"Why the hell did you lock your doors? What if something happen to you?" nagtataka man sa mga tanong ni Sir Dewin ay nanatili ang aking atensyon kay Aling Iska na wari'y hinahabol ang hininga.
Nilapitan ko ang matanda ng akmang matutumba ito, mabuti na lamang at mabilis itong nasalo ni Sir Dewin bago pa man ito mawalan ng balanse. Agad naming iniupo ang matanda sa aking higaan para makagpahinga ng bahagya. Marahil dahil sa matinding pag-aalala at sa pagtakbo kanina kaya nagkakaganito ang matanda.
Bago pa man nila lisanin ang aking silid ay sinabihan ako ni Sir Dewin na kailangan naming mag-usap mamaya pagkatapos kumain.
Pagkaalis ng dalawa ay unti-unti akong umupo sa aking higaan, na tila ba unti-unting nauubusan ng lakas. Mabilis ang mga pangyayari na halos hindi ko na nasabayan ang daloy ng kwento.
Hindi man nila sabihin sa akin, alam kong may problema. Gustuhin man nilang itago ay kusa itong lalabas. Tanging hiling ko lamang, na sa oras na dumating ang pagkakataon na sabihin nila sa akin, sana hindi ako maapektuhan, sana ay handa ako.
Dahil sa naramdaman ni Aling Iska, pinagpahinga na lamang ito ni Sir Dewin at ako na ang nagpresintang mag luto ng aming kakainin.
Mabilis na naglakbay ang mga kamay ng orasan, nakita ko na lamang ang aking sarili na nakaupo habang nag-aantay kay Sir Dewin, dito sa library. Inilibot ko ang aking tingin at namangha sa hanay ng mga libro.
Noon pa man ay isa na ito sa napakarami kong pangarap. Dahil sa pagkamangha ay hindi ko namalayang pumasok na pala si Sir Dewin sa silid.
Tumikhim ang binata, na syang kumuha ng aking atensyon. Agad naman akong umupo ng magsimula na itong maglakad papunta sa upuang nasa katapat ko.
"Leticia" banggit nito sa aking pangalan sa seryosong tono, the playful Dewin was gone.
"You need to know something" dagdag pa nito habang nakatingin sa akin ng seryoso na tila ba tinatantya ang aking reaksyon, na kung sakali mang magpakita ako ng hindi nya magustuhang reaksyon ay agad nya itong ititigil.
Lumipas pa ang ilang segundo ng katahimikan, bawat pag galaw ng kamay ng orasan ay tila ba isang matinding parusa para sa akin.
"A-ano po yun?" tanong ko kay Sir Dewin ng hindi na ako makatiis pa.
Bahagya nitong hinawi ang medyo basa pa nitong buhok bago bumaling ng upo na wari'y hindi kumportable sa dating pwesto.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakwalan nito bago ako muling binalingan ng pansin.
"Alam kong nagkikita kayo" sabi nito na labis na nagpakaba sa akin.
Hindi man malinaw ang tinuran ng binata, ngunit para sa akin ay sapat na ito. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin o kung may karapatan pa ba akong magpaliwanag.
Amo ko sila, at ang pinunta ko dito ay para sa trabaho at wala ng iba. Ngunit iba ang nangyari, hindi ko man ito sinadya ngunit isa din ako sa may kasalanan.
"I'm not mad, I'm not blaming you" sabi nito na nagpagaan ng aking pakiramdam.
"Binabalaan kita Leticia, Hindi mo kilala si Damian" sabi nito na nag-iwan sa akin sa hindi malamang emosyon.
Matapos nitong banggitin ang huling mga salita ay agad itong tumayo at naglakad palabas ng silid.
BINABASA MO ANG
The Dracula's Descendants
VampiriKagaya ng buwan, sa malayo lamang kita kayang pag masdan