Ika-labing lima
Marahil ay kakapalan na ng mukha kung maituturing ang paghingi ng tulong kay Sir Dewin upang mahanap ko ang pamilya ko, pero wala akong maisip na ibang paraan kundi ang humingi ng tulong sa kaniya.
Hindi pa ako sigurado kung saan sila pumunta o kung may nangyari na nga bang masama sa kanila, wag naman sana. Ayoko mang mangdamay ng ibang tao, ngunit wala naman akong ibang pagpipilian, dahil wala naman akong ibang kamag anak bukod kila tiyo.
"Bakit? Wala ba sa inyo? I mean, kailan pa?" tanong nito sa akin.
Halata ang pag aalala sa mga mata nito. Hindi ko naman gustong pag alalahanin ang binata ay sya naman ang unang pumasok sa isip ko na makakatulong sa akin.
"Matagal na po, simula ng pumunta ako dito ay wala na sila sa bahay. Hindi ko alam kung umalis ba sila at may pinuntahan o" hindi ko na naituloy pa ang dapat ay idadagdag ko pa sana, hindi ko kayang sabihin.
Masakit kung iisiping maaari ngang may nangyari kila tiya na hindi maganda, ngunit iniisip ko na lamang na maaari rin namang nagbakasyon lamang sila.
Sandali muna itong natigilan na para bang may malalim na iniisip. Ang kanang kamay nito ay nakahawak pa sa baba habang pabalik balik na naglalakad sa harapan ko.
Gusto kong matawa sa mga pinag gagagawa ni Sir Dewin, pero masyadong seryoso ang mukha nya para pagtawanan.
"Baka naman dumalaw lang sa mga kamag-anak nyo sa probinsya?" Tanong nito sa akin.
Yan din ang isa sa mga gusto kong paniwalaan, na may pinuntahan lang sila, na biglaan kung kaya't hindi nakapag paalam, ngunit ilang linggo na din ang lumipas, dapat ngayon ay nakabalik na sila.
"Ang alam ko po ay patay na ang mga magulang ni Tiya, ganun din ang mga magulang ni Tiyo. Wala naman po silang nababanggit na ibang kamag anak nila" mahaba kong paliwanag kay Sir Dewin.
"Sige, titingnan ko kung ano ang magagawa ko para matulungan ka" sabi nito sa akin habang patuloy pa din ang pag lalakad sa harapan ko.
Saglit itong tumigil sa paglalakad pagkatapos ay umupo sa sahig. Nabigla ako sa ginawa nito, marumi pa ang sahig dahil hindi pa naman ako nakakapagsimulang maglinis ng dumating ang binata.
"Nakakapagod din palang magpauli-uli ng lakad" sabi nito bago nagpakawala ng maikling tawa.
Pagkatapos kong maglinis ay agad akong pumasok sa silid ko habang nasa isip pa rin sila Tiya.
Sarado pa ang ilaw, pagkasarado ko ng pintuan ay agad akong natigilan. Pakiramdam ko ay may ibang taong nakamasid sa akin. Agad akong kinabahan sa aking naisip, ngunit nawala din ng pumasok sa isip ko na baka si Sir Damian lamang ito
Agad ko namang inilibot ang aking paningin sa buong paligid, agad akong kinabahan ng makakita ng bulto ng katawan hindi kalayuan sa kinatatayuan ko.
Malaki ang katawan nito, batay na din sa anino ng na nililikha ng katawan nito at ng liwanag ng buwan. Ang isa sa mas nakakatakot ay mata nitong kakaiba ang kulay na waring nagliliwanag sa madilim kong silid. Ang kulay ng mga mata nito ay katulad ng mga mata ng sumugod sa akin noon, kulay ng dugo.
"S-sino ka? Anong ginagawa mo dito?" tanong ko dito na sinagot nya lamang ng nakakatakot na tawa.
Gusto kong sumigaw at humingi ng tulong ngunit ayaw bumukas ng bibig ko.
Halos manginig ang mga tuhod ko ng mag simula na itong humakbang papalapit sa akin.
Alam kong kahit makalabas man ako ng silid na ito ay agad ako nitong mahahanap. Hindi ko alam kung bakit si Sir Damian agad ang unang pumasok sa isip ko, kung dahil ba alam kong pareho silang hindi normal o may iba pang dahilan.
"Tama nga sila, napakabango ng dugo mo" sabi nito pag katapos ay waring suminghot pa sa hangin.
Gusto ko mang humingi ng tulong kila Sir Dewin, pero ang isiping madadamay sila ay parang nanghihina na agad ang loob ko. Ayokong mangdamay ng ibang tao, lalo na at ang nais lamang nila ay tulungan ako.
"P-paano kang nakapasok dito?" sa pangalawang pag kakataon ay nautal na naman ako.
Ang mabagal nitong paghakbang ay para bang naging parusa sa akin. Alam kong kung gugustuhin nya ay mabilis syang makakapunta sa kinatatayuan ko.
"Saan kaya magandang kumagat?" Isang nakakatakot na boses ang kumuwala dito at pagkatapos nitong magsalita ay halos mapatalon ako ng bigla na lamang itong lumitaw sa harapan ko.
"Sa leeg?" sabi nito pagkatapos ay inamoy ang leeg ko.
Hindi ko alam kung mas gugustuhin ko pa na mamatay dito ng mag-isa o tulungan ako nila, baka madamay pa sila.
"Sa braso? "sabi nito pagkatapos ay pinadulas ang kanyang matulis na kuko sa aking braso.
Ang daliri nito ay may mahahabang kuko, kung kaya't nagkaroon ng parang guhit ang aking braso.
Halos mapaluha ako sa hapdi dahil sa dinulot na sugat ng kuko nya. Halos madapa ako sa paghakbang ng palakadin nya ako papunta sa may higaan.
Habang nakatayo malapit sa aking higaan ay mataman kong pinagmamasdan ang lalaki. Malaki ang pangangatawan nito, doon pa lamang ay alam ko nang hindi ako makakatakas sa kaniya idagdag pa na hindi ito isang normal na tao, katulad ko.
Halos mapatalon ako ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko. Halos matanggal ang panara nito dahil sa lakas ng pagkakasipa.
Halos hindi ko makita kung sino ang pumasok sa silid dahil sa bilis nitong kumilos pero sigurado akong hindi ito normal na tao, dahil sa angking bilis nito ay nakumpirma ko na.
Agad na nakita ko si Sir Dewin sa harapan ng lalaki habang hawak hawak nito sa leeg. Halos umangat na ito sa lupa ang mga kamay ng lalaki ay naglulumikot at pilit na inaabot ang mukha ni Sir Dewin.
Kung ikukumpara ang lalaki kay Sir Dewin ay hamak na mas malaki ang pangangatawan ng lalaki ngunit kung buhatin ito ni Sir Dewin ay parang balewala lamang ang laki nito.
Halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko nang dukutin ni Sir Dewin ang puso nito. Ang dugo nitong halos mag kulay itim ay nagkalat sa sahig ng kwarto ko, maging sa higaan ay may tumalsik, problema ko ngayon ay kung paano ito lilinisan, tiyak na magmamantsa ito.
Isang malakas na tunog ang nilikha ng bitiwan ni Sir Dewin ang katawan ng nilalang, na syang gumising sa akin. Halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko ng lingunin ako ni Sir Dewin.
Ang kulay ng mga mata nito ay kakaiba, pula na halos mangitim na at nakakatakot kung titingnan mo. Ang mga kuko nito ay mahahaba, na syang ginamit sa pagdukot ng puso ng lalaki. Ang kulay ng buhok nito ay nag iba din, mas mahaba din ang ngayon ay abuhin nitong buhok na halos umabot sa kanyang likod. Ngunit ang mas nakakatakot ay ang mga ngipin nitong matulis.
Halos matigil ang aking pag hinga ng magsimula na itong humakbang papalapit kung saan ako nakatayo. Ang palakaibigang ngiti nito ay hindi na makikita pa. Napahakbang ako paatras sa kaniya.
Nakatitig lamang ako sa kamay nito na may mga bahid pa ng dugo na pumapatak sa sahig. Nakakailang hakbang na ito at malapit na ito sa kinatatayuan ko nang mag angat ako ng aking tingin.
Nanginginig man ang mga tuhod ay nagawa ko pa ring tumakbo palabas ng aking silid at palabas ng mansyon.
BINABASA MO ANG
The Dracula's Descendants
WampiryKagaya ng buwan, sa malayo lamang kita kayang pag masdan