Pangalawa
Andito ako ngayon sa hallway ng aming Unibersidad. Katatapos ko pa lamang ipasa ang mga project na kailangang ipasa dahil bukas ay simula na ng aming bakasyon. Ang iba ay masayang naglalakad habang nagpaplano ng mga lugar na nais nilang puntahan. Ang iba naman katulad kong mag isang naglalakad.
Hanggang ngayon ay wala pa akong nahahanap na trabaho, wala akong mahanap. Kung hindi graduate na, ay may nahanap naman nang ibang tao.
Malapit ng dumilim, nagpapakita na naman ang buwan. Isa sa mga dahilan ng aking mabagal na paghakbang.
Hindi ko maiwasang huminto sa paglalakad at titigan ang buwan na wari'y sinusundan ako. Napabuntong hininga na lamang ako bago magsimulang maglakad muli. Magdidilim na ngunit heto pa din ako at mabagal na naglalakad. Kaya siguro ako napagkakamalang weirdo dahil sa mga gawi ko.
"Bakit ngayon ka lang!?" salubong sa akin ni tiya, papunta na naman siguro sa pasugalan.
"Magsaing ka na dyan at padating na ang tiyuhin mo, maglinis ka na din" sabi nya sa akin habang naglalagay ng lipstick na kulay pula sa kaniyang labi.
"Opo" sabi ko na lang sa kaniya upang hindi humaba ang usapan.
"Siya nga pala, naghahanap ng makakatulong si mareng Iska sa kaniyang trabaho, sabi ko ikaw na lang" sabi nya sa akin na ikinahinto ko sa paglalakad papasok sa kwarto namin.
"Po? Anong trabaho daw po ba yun?" tanong ko kay tiya
"Ewan ko, parang katulong ata?" sabi nya pa habang nagpapahid ng polbos sa kaniyang mukha.
"Mag empake ka na, bukas na ang alis ninyo" sabi nya at lumabas na ng bahay
Bukas? Ni hindi pa nga ako pumapayag tapos aalis na agad bukas? Bakit parang ang bilis naman ata nyang mag desisyon?
Si Aling Iska ay isang mayordoma ng isang mayamang pamilya sa probinsya. Medyo matanda na si Aling Iska na may katamtamang laki ng katawan. Hindi rin sya pala imik pero hindi rin naman sya masungit tingnan.
Bago pa man makauwi sila Tiyo ay nakapagluto na ako ng aming pagkain. Mamaya na ako makakakain dahil kailangan ko pang mag empake ng aking mga gamit. Masyadong mang mabilis ay nagpapasalamat na din ako na may nakuha akong trabaho ngayong bakasyon.
Sa pagkakaalam ko ay medyo malayo ang probinsyang pinagtatrabahuhan ni Aling Iska. Sana ay mabait ang magiging mga amo ko.
Maaga akong nagising kinabukasan dahil sa malakas na katok sa pintuan sa kwarto namin. Napatingin ako sa kabilang higaan, wala si Juanna, hindi na naman siguro umuwi marahil ay nag away na naman sila ni Tita, na madalas na mangyari. Kadalasang nakikitulog si Juanna sa kaniyang nobyo na halos buwan buwan na lamang kung magbago.
"Leticia! Ano ba!? Gumising ka na! maaga kayong aalis!" sigaw ni Tiya habang kumakatok ng malakas sa pintuan. Kung hindi pa siguro ako tatayo ngayon ay magigiba na ang aming pintuan.
"Gising na po!" sigaw ko pabalik
"Dapat lang! Nakakahiya naman kay Aling Iska kung sya pa ang mag hihintay sa iyo" sabi pa nya bago ko marinig ang papalayo nyang mga hakbang.
Agad akong tumayo at niligpit ang aking hinigaan. Muli kong tiningnan ang mga gamit na dadalahin ko. mahirap nang may makalimutan.
Lumabas na ako ng kuwarto upang pumunta sa kusina para magluto. Agad kong napansin ang pagkain na may takip sa lamesa.
Nakakapanibago lang dahil sa tagal ko na dito, parang ngayon lamang may ibang nagluto bukod sa akin.
"Kumain ka na dyan at maligo na, aalis na kayo maya-maya" sabi nya sa akin
BINABASA MO ANG
The Dracula's Descendants
VampireKagaya ng buwan, sa malayo lamang kita kayang pag masdan