Pang-anim

73 44 21
                                    

Ikaanim

Ilang araw ang lumipas bago dumating si Aling Iska.

Hindi ko na nakuha pang magtanong sapagkat nung bumalik na si Aling Iska ay may dumating naman na mga bisita.

Hindi ko alam kung sino ang mga bisita, ang sabi sa akin ni Aling Iska ay kamag-anak pa ang mga ito ng aming mga amo.

"Leticia?" nagulat na lang ako ng may biglang humawak sa balikat ko

Andito ako ngayon sa kanilang hardin, pinagpapatuloy ko ang aking paglilinis. Kaunting linis na lamang at maaari na akong magsimulang magtanim ng mga halaman.

"Bakit po?" agad kong nilingon ang taong kumalabit sa akin.

Bumungad sa akin ang matipunong dibdib at matikas na tindig ng lalaki. Magtatanghali na rin kaya mainit na rin, kung hindi dahil sa mga punong nakatanim dito ay hindi ko magagawang maglinis ng tanghali. Ang sikat ng araw ay tumatama sa kanyang likod na syang dahilan kung bakit hindi ko maayos na makita ang kaniyang mukha.

"Tawag ka ni Aling Iska, may iuutos yata" sabi nya habang nasa batok ang kaniyang kanang kamay.

Mas matangkad ang lalaki ng tatlong pulgada kumpara sa akin. May mga biloy din ang kaniyang dalawang pisngi na lalong nagpalakas ng kaniyang dating. Bilugan ang mga mata na may mahahabang pilik mata.

Nakasuot ang lalaki ng puting damit at simpleng short, at tsinelas.

"Ganoon ba? Salamat" iniwan ko ang mga gamit sa labas at pumunta na sa kusina, siguro ay naroroon si Aling Iska.

Naramdaman ko namang sumunod ang lalaki sa akin sa paglalakad papunta sa kusina.

"Aling Iska?" tawag ko sa kaniya ng makita ko itong naghahalo ng kaniyang niluluto, marahil ay para sa tanghalian mamaya

"Leticia? Pakibili naman ako ng mga sangkap na ito" sabi nya sa akin at iniabot ang kapirasong papel.

Saglit ko muna itong tinitigan bago nagpasyang buklatin upang basahin

"Pumunta kang bayan, andun lahat ng nakalista dyan" dagdag pa nito bago muling inasikaso ang kaniyang pagluluto.

"Samahan na kita" sabi ng lalaki.

Ngayon ko lamang napansin na hindi ko pa pala alam kahit ang pangalan man lamang ng lalaki.

Kung ikukumpara kay Sir Dewin ay mas palangiti ang lalaki at palakaibigan ang bumabalot na awra dito.

"Hindi na, kaya ko na to" sabi ko na lamang at hindi ito pinansin

Isa itong bisita, tiyak na malalagot ako pag nalaman nilang nagpasama pa ako sa kaniya.

"I think you need some help, di mo kakayanin to, masyadong madami"

Nagdadalawang isip man ay pumayag na din ako.

Sa sobrang dami nga naman ng kailangan bilhin ay kakailanganin ko ng makakatulong sa pagbubuhat, at isa pa ay walang pumapasok na tricycle o kahit na anong sasakyan dito.

Huminto kami sa tapat ng isang kulay asul na sasakyan, maganda at walang gasgas na makikita sa katawan nito kahit gaano man kaliit.

Binuksan nito ang pintuan katabi ng driver at sinenyasan ako na pumasok. Agad naman akong pumasok sa sasakyan at ikinabit ang aking seatbelt

"Ako nga pala si Khai" sabi nya habang ikinakabit ang kaniyang seatbelt.

Nagsimula ng umandar ang aming sinasakyan at nagsimula na ding magsalita ang aking kasama.

The Dracula's DescendantsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon