TINOTOYO

425 11 6
                                    

Sa kakulitan ng team Vice ay napaamin din nila si Jake na isa itong bakla.

"Oo na aamin na ko. Bakla ako pero sa puso ko lang. Pero phyically ay hindi. Ayokong mag make-up, hindi ako mag ko-cross dress, at ayokong kumendeng kendeng na tulad ng isang babae." Pag amin ni Jake sa mga kasama.

"Aaaaaaayyyy! Welcome to the club sisteret!" Tili ni Russ at lumapit sila kay Jake at nag group hug sila.

"May mga case talaga na same sa'yo gay pero ayaw ipakita sa physical appearance but in your heart we know na boy ang bet nito." Sabi ni Archie sabay turo sa left chest ni Jake.

"Salamat sa pang unawa ha." Nakangiting sabi ni Jake sa mga kasama.

"Sus wala yun. Atleast magaan na ang pakiramdam mo ngayon." Nakangiting sabi ni Buern. Tumango tango naman si Jake.

"Back to work!" Masiglang sabi ni Jake. May mga costumer na kasi na pumasok sa salon. Masiglang nagsipag trabaho ang mga bakla ng buong maghapon.

###

Maraming costumer sa branch ng K_ganda salon na nasa Viceral mall kaya sobrang busy nila. Pati si Karylle ay tumutulong na rin sa pag asikaso sa mga costumer.

Panay ang tingin na Karylle sa labas ng salon na animo'y may hinihintay. Lumaki ang ngiti nya nang makita nya si Vice na papasok ng salon ngunit napawi ang ngiti nito nang makitang umangkla ito sa braso ng poging kasama. Dumaan ang mga ito sa salon ngunit hindi man lang ito lumingon. Panay lang ang tawa nito. Nalungkot si Karylle sa mga nakita. Hindi sya sanay nang ganun. Dati rati pag darating sa mall si Vice dumadaan ito sa salon nya kahit sandali at pagmay kasama naman ito nagtetext muna ito na parating na sa mall at may kasama kaya hindi makakadaan ngunit pg nakita nito si Karylle sa salon ay kakawayan sya ni Vice.

Nakalimutan ko bakla nga pala sya, lalaki ang gusto. Naku Karylle wag kang assumera pakitaan ka lang ng kasweetan akala mo may gusto na sayo. Bakla yan never yan magkakagusto sayo. Sabi ni Karylle sa sarili. Kunot noo na lang nyang pinagmasdan ang palayong si Vice kasama ang poging lalaki na sa tingin nya ay boyfriend ni Vice.

Buong maghapong naghintay si Karylle kung pupunta si Vice ngunit hindi ito nagpakita. Naisip nya malamang busy ito sa pakikipagharutan sa boyfriend nito. Kaya buong maghapon ding matamlay si Karylle.

"Mam Karylle are you okay?" Tanong ni Coleen. Kanina pa pala napapansin ni Coleen na matamlay sya.

"Medyo napagod lang siguro ako." Pagdadahilan ni Karylle.

"Mag pahinga ka na mam Karylle kami na nila Jegs ang bahala dito. Kayang kaya na namin 'to." Nag aalalang sabi ni Coleen sa boss.

"Sige uuwi muna ko kayo na ang bahala dito ha." kinuha na ni Karylle ang mga gamit palabas na sana sya ng salon nang dumating si Jhong.

"Oh san ka pupunta?" Tanong ni Jhong kay Karylle.

"Uuwi na masama kasi pakiramdam ko eh." Sabi ni Karylle kay Jhong.

"Hatid na kita." Alok ni Jhong kay Karylle at inalalayan nito sa braso si K.

"Bakit ka nga pala pumunta? Tanong ni Karylle kay Jhong habang palabas ng pinto ng salon.

"Gusto sana kita ayain mag coffee kung okay lang sa'yo." Nahihiyang sabi ni Jhong.

"Sure! Tara may alam akong coffee shop masarap dun." Sumigla bigla si Karylle at hinatak na ang kamay ni Jhong. Tulala namang sumunod si Jhong habang hatak ni Karylle ang kamay nya.

MAHAL KONG KARIBAL (ViceRylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon