General POV
Tumuloy na si Karylle sa grocery ng mall. Nagsimula na syang mamili ng mga sangkap sa pagluluto. Siguradong pagdating ni Anne magpiprisinta itong magluto. Namili na din sya ng mga chitchirya, pag nag chichikahan kasi sila ni Anne hindi pwedeng wala silang nginangata. Medyo maayos na ang pakiramdam nya hindi na nya masyadong iniisip si Thyrone. Hihintayin na lang nya ang pagbabalik nito. Sa totoo lang kahit ganun ang ginawa ng nobyo ay mahal na mahal pa rin nya ito,
Sa kabilang banda:
"Oh enene ?" Bati ni Vice pagpasok nya ng coffee shop. Andun sina Aaron, Bernard, Buern at Russ. Wala si Archie (malamang wala sya kaya nga surprise eh alangan andun sya! Chos!)
"Meme hanggang ngayon wala pa rin kaming idea para sa birthday ni Archie." Sabi ni Aaron habang kinakamot ang batok.
"Ha? Asan ang mga utak nyo? Hindi nyo ginagamit? Ibenta na yan!" Winawasiwas pa ni Vice ang kamay. "Kaw bernard any idea?" baling nya kay bernard habang kumakain ang huli ng cake.
"Wala na!" Sabi naman nito sa pagitan ng pag nguya.
Inagaw naman ni Vice ang platito ng cake ni Bernard at mabilis na sinubo lahat ng cake. "Ayan wala na!" Sabi rin ni Vice sa pagitan ng pag nguya.
Walang nagawa si Bernard kundi mangamot ng ulo.
"What if mag bar tayo tapos bigyan natin sya ng boylet?" Suggest ni Buern. "Yung crush nya si Vhong!" Excited pang pahabol ni Russ.
"Hmmmh.., sige try ko tawagan si Vhong kung hindi sya busy." Dinial agad ni Vice ang number ni Vhong.
"Oh Vice napatawag ka?" Si Vhong nasa kabilang linya.
"Do you have a plan tomorrow night?" Tanung ni Vice.
"Hmmnh let me see?" Nag iisip si Vhong. "Ah I'm free tomorrow night. Bakit magpapainom ka ba?" Tanung ni Vhong.
"'Hindi! Ay oo!" Nalilitong sagot nya kay Vhong.
"Actually may hihingin akong pabor," nahihiyang panimula ni Vice.
"Anything Vice basta ikaw malakas ka sa kin eh" sabay tawa ni Vhong.
"Ahhm,.. pwede bang sumama ka sa min sa bar at idate si Archie?" Nag aalangan tanong ni Vice.
"Vice? alam mo namang hindi ako pumapatol sa bakla eh. " tutol ni Vhong.
"Naglilinis ka ba ng tenga? Ang sabi ko idate hindi ko sinabing ikama mo." Pagtataray ni Vice.
"Ah. Lilinawin mo kasi." Si Vhong.
"Hmmmh.. mukang yung mga dinedate mong babae dinederetso mo ha." Vice smirk.
"Hi-hindi ah." Pautal utal si Vhong.
"Oh sya tomorrow 9pm susunduin mo si Archie sa bahay nila pupuntahan ka dyan ng driver ko 8pm. Then diretso na kayo sa venue. Wait namin kayo dun. " mahabang paliwanag ni Vice.
"Shoot!" Sagot ni Vhong bilang pagsang-ayon.
"Ok. Then what do you want in return?" Si Vice
"Just save it. Saka na lang pag nakaisip na ko" sabi pa ni Vhong.
"Ok see you tomorrow!" Binaba na ni Vice ang phone.
"Ano?" Tanong ni Vice. Napansin kasi nya na nakatingin lang sa kanya ang TEAM VICE..
"Anyare?" -Buern

BINABASA MO ANG
MAHAL KONG KARIBAL (ViceRylle)
RomanceSi vice out and proud gay nag iisang anak ng isang multi milyonaryong negosyante. Lahat ng gustuhin nya nakukuha nya.. si Karylle babaeng sobra kung magmahal na halos lahat ay kaya nyang ibigay.. Paanong paglalaruan ng tadhana ang kanilang kapalaran?