"Party! Party!" Naghihiyawan sina Matt, Jegs at Jake palabas ng spa upang gumimik. Nakangiti naman silang pinagmamasdan nina Karylle at Coleen.
"Mam Karylle anong ganap, bakit nag aya kang gumimik?" Tanong ni Jegs.
"Wala lang! Bonding bonding lang tayo." Nakangiting sagot ni K.
"Ito talaga!" Sabay turo ni Matt kay Jegs. "Kelangan ba laging may ganap para gumimik? Hindi ba pwedeng type lang ni Mam Karylle mag aksaya ng pera para sa tin?" Malanding dugtong nito.
"Uy hindi ah."sita ni K sa sinabi ni Matt. "Hindi pag aaksaya ng pera ang ginagawa kong to. Mahal ko kayo kaya balewala ang pera na magagastos ko." Paliwanag pa nya.
"Aaahhyy! " sabay-sabay ang apat.
"Kaya lab na lab ka namin Mam Karylle eh!" Si Coleen at niyakap pa si K.
"Group hug!" Sigaw naman ni Jake. And they hugged each other.
Magkasabay na nag park sa gilid ng isang bar sa Tomas Morato (hindi ko sasabihin kung anung name ng bar. Baka kasi pumunta kayo noh! Makasira pa kayo ng celebration ng birthday ni Archie. Etchos!!!) Ang grupo ni Vice at Karylle. Pagbaba nila ng sasakyan, Karylle's group form a circle. Inilahad ni Jake ang kamay ng pataob at pinatong naman ng iba pa ang kani-kanilang mga kamay sa ibabaw ng kamay ni Jake na animo'y maglalaro ng "maalis konti". "Drink till we drop!" Jake said. "Drink 'till we drop!" sabay-sabay naman sina Coleen, Matt, Jegs at Karylle. Ang grupo naman ni Vice ay nakatingin lang sa ginawa ng grupo nila Karylle.
"Beks let's go!" Sabi ni Vice kina Buern, Bernard, Aaron at Russ. Wala pa si Archie at Vhong. Sadyang nagpauna na sila Vice para magkasarilinan ang dalawa. "Bilisan nyo at mukhang uubusin ng mga sunog baga na yan ang alak sa loob." Mataray na dugtong ni Vice habang kumekembot pa papasok sa bar. Lakad takbo naman ang team Vice dahil ambilis maglakad ni Vice.
Nakapili naman agad ng pwesto sila Vice. Dun malapit sa dance floor. Sa kabilang mesa naman na katabi ng mesa nila Vice napili ng grupo ni Karylle pumwesto.Kanya-kanyang order na sila ng alak. Maya-maya pa dumating na si Vhong at Archie hiyawan ang team Vice. "SURPRISE!" Paglapit nila Archie at Vhong sa mesa nila Vice nagbeso ang mga bakla kay Archie kay Vhong naman nagbeso sila pero may kasamang tsansing. Parang bulateng inasinan naman si Vhong kakaiwas sa malilikot na kamay ng mga bakla. Tinawag ni Vice ang isang waiter at sinenyasan. After a minute lumabas ang waiter dala ang isang cake. Hininaan naman ng dj ang music. Sinindihan na ang kandila ng cake at sinimulan na nilang kantahan si Archie. "Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday happy birthday, happy birthday to you!" Hinipan ni Archie ang kandila. "Happy birthday Archie!" Sigawan ng mga bakla. Humalik naman sa pisngi ni Archie si Vhong na ikinakilig ng una.
Nakamasid lang ang grupo ni Karylle sa grupo ni Vice. Si Matt at Jegs naman ay nakangisi ng nakakaloko, at panay ang irap sa grupo ni Vice. Napansin ni Karylle ang ginagawa ng dalawa kaya sinaway niya ang mga ito.
"Psst!" Sinenyasan nya ang dalawa na tumahimik.
"Eh pano ba naman mam Karylle akala siguro nung baklang yun na mukang kabayo hindi ko narinig na tinawag nya tayong mga sunog baga! Tss! Kala mo naman ang gaganda eh mga hulas naman ang beauty." Maarteng pagkakasabi ni Jegs. "Pabayaan mo na sila pumunta tayo dito para magparty hindi para manggulo ok?" Mahinahong sabi ni Karylle. "Akong bahala," tinapik pa ni Karylle ang kamay ni Jegs. Isang malalim na buntong hininga na lang ang pinakawalan ni Jegs at nagkibit balikat na lang si Matt.
Sumenyas si Vice sa dj na magpatugtog na at agad namang sumunod ang dj.
Kalahating oras ang lumipas medyo hilo na ang magkabilang grupo. Nagpatugtog ang dj ng nakakaindak na tugtog. All about that bass ang tugtog. Hiyawan ang mga bakla at puntahan sa dance floor. Naiwan naman si Vhong at Archie sa mesa. "You wanna dance?" Tanong ni Vhong kay Archie habang nakalahad ang kamay nito tanda nang pag iimbitang sumayaw. Hindi naman nagpatumpik tumpik pa si Archie inabot ang kamay kay Vhong at sabay silang pumunta sa dance floor.

BINABASA MO ANG
MAHAL KONG KARIBAL (ViceRylle)
RomanceSi vice out and proud gay nag iisang anak ng isang multi milyonaryong negosyante. Lahat ng gustuhin nya nakukuha nya.. si Karylle babaeng sobra kung magmahal na halos lahat ay kaya nyang ibigay.. Paanong paglalaruan ng tadhana ang kanilang kapalaran?