"Wag Thyrone!" Malakas na sigaw ni Karylle. Tumingin sa kanya si Thyrone at lumapit sa kanya.
"Ito lang ang ipapalit mo sa akin? Isang bakla!" Malakas na sigaw ni Thyrone habang niyuyugyog ang magkabilang balikat ni Karylle.
Gustuhin man n'yang magsalita ay hindi n'ya magawa parang may nakabara sa lalamunan n'ya.
"Sumagot ka Karylle sumagot ka!" Patuloy ang pagyugyog ni Thyrone sa balikat n'ya.
"Karylle! Karylle!" Nagmulat ng mata si Karylle. Niyuyugyog ni Vice ang magkabilang balikat ng dalaga. "Nananaginip ka." Nag aalalang sabi ni Vice.
"Panaginip lang pala." Mahinang sabi ni Karylle na may namumuong luha sa mga mata.
"Ano ba yung napanaginipan mo?" Nag aalala pa rin ang tinig ni Vice.
" Vice what if bigla na lang syang bumalik?" Tanong ni Karylle na ang mata ay nakatitig sa mukha ni Vice.
"You mean your boyfriend?" Paninigurong tanong ni Vice kay Karylle na medyo kinabahan din sa tanong ng dalaga.
"Oo anong gagawin mo? Pagpapatuloy mo pa rin ba ang pag papanggap na maging ama ng anak ko?" Sunod-sunod na tanong ni Karylle na naguguluhan na rin dahil sa napanaginipan.
"Edi wow!" Papilosopong sagot ni Vice upang pagaanin ang sitwasyon. Ngunit mukhang nagkamali s'ya ng isinagot.
"Sumagot ka nga ng maayos! Gusto kong malaman kung anong gagawin mo tapos pipilosopohin mo lang ako!" Pasigaw na asik ni Karylle na umirap pa kay Vice.

BINABASA MO ANG
MAHAL KONG KARIBAL (ViceRylle)
RomanceSi vice out and proud gay nag iisang anak ng isang multi milyonaryong negosyante. Lahat ng gustuhin nya nakukuha nya.. si Karylle babaeng sobra kung magmahal na halos lahat ay kaya nyang ibigay.. Paanong paglalaruan ng tadhana ang kanilang kapalaran?