Vice's POV
Mabigat ang katawan ko ng bumangon ako actually hindi talaga ako makabangon dahil literal na may mabigat sa ibabaw ko. Tiningnan ko kung ano yung mabigat na yun. Medyo malabo pa ang paningin ko dala ng hilo naparami kasi kami ng inom kagabi. Naaninagan ko ang babae na nakadapa na natutulog sa ibabaw ko. Nakangiti kong ibinalik ang ulo ko sa unan ngunit agad napawi ang ngiti ko. (Shit! Sino ba tong babaeng 'to at kasama ko sa isang kama at hindi lang kasama nasa ibabaw ko pa!) "Oh no, oh no no!" Medyo napalakas ang boses ko kaya nagising din ang babae. Pupungas pungas pa ito.
"Good morning!" Bati nya sa akin. Ngunit nawala din ang ngiti nya. Nanlaki ang mga mata nya nang makitang nakahubad kaming pareho. nagkatinginan kami at "Aaaaaaahhhh!" Sabay kaming tumili. Hinatak nya ang kumot at tinakip sa hubad nyang katawan. Kinuha ko naman ang unan at tinakip ko sa aking harapan.
"Walang hiya ka anong ginawa mo sa kin?" sabi ko sa babae.
"Manyak kang bakla ka pinagsamantalahan mo ko." Sigaw nya sa kin.
"Hoy anung pinagsamantalahan? Mahiya ka nga sa balat mo! Kadiri kang lukaret ka!" Sabi ko.
"Hindi ako lukaret! May pangalan ako Ana Karylle Tatlonghari! Mas kadiri kang manyakis na bakla!" Sumisigaw pa rin sya.
"Oo bakla ako pero di ako manyakis! Jose Marie Viceral yan ang pangalan ko!" Sigaw ko rin.
"Kung hindi ka manyakis anong ginagawa ko dito?" -si Karylle
"Malay ko wala akong maalala!" Wala nga ba? Palusot ko lang yun pero naaalala ko ang lahat. Ang lahat lahat!
(Flashback...)
General POVAkmang tatabigin na nya si Karylle nang bigla sya nitong hinalikan. At hindi lang basta halik kundi nag aalab na halik.
Pilit itinulak ni Vice si Karylle kaya naman nagkalayo ang kanilang mga labi.
"Ano? Wala pa ring malisya ha?" Tanong paghahamon ni Karylle.
"Ah ganyan ba gusto mo? Sige pagbibigyan kita!" Pagbabanta ni Vice. Hinawakan nya sa magkabilang pisngi si Karylle at akma nyang hahalikan ngunit hindi nya kaya. Ngumiti naman si Karylle tanda ng pang aasar kay Vice.
"Weh hindi kaya!" Sabay belat kay Vice. Kaya walang nagawa si Vice kundi ilapit ulit ang mukha kay Karylle. Nang malapit na ang kanilang mga labi napapikit sya at may narinig na ...
"Bwarp!bwarp!" Si Karylle na masusuka. Mabilis namang naiiwas ni Vice si Karylle dahilan para sa lapag ng CR mapunta ang suka. Lupaypay na inilapat ni K ang kanyang katawan sa dibdib ni Vice.
"Jeskelerd! Ano bang kasalanan ko at ba't ako ginaganito!" Pag mamaktol ni Vice.
Pinilit nyang makatayo at inalalayan si Karylle. Nakakalakad pa rin naman ito kahit papano, yun nga lang kaylangan talagang alalayan. Nakalabas sila ng CR kahit hirap na hirap si Vice sa pag akay sa dalaga. Nakahawak ang kaliwang kamay ni Vice sa bewang ni Karylle at ang kanang kamay nya ay nakahawak sa braso ng dalaga.
Pagdating nila sa mesa nila Vice si Bernard na lang ang naabutan nila.
"Asan ang mga bakla?" Tanong ni Vice kay Bernard. Lumingon-lingon naman ito bago humarap kay Vice. "Wala na!" Sabay lagok ng alak at napasubsob na sa mesa.
"Kung mamalasin ka nga naman oh!" Asar na asar si Vice. Nang lingunin nya ang mesa nila K wala na rin kahit isa sa mga kasama nito.
Gusto nang maiyak ni Vice dahil sa mga nangyayari. "San ko kaya dadalhin ang bruhang 'to? Masama siguro ugali ng babaeng 'to kaya iniwan ng mga kasama." Sabi ni Vice sa sarili. Hinabol si Vice ng waiter hindi pa pala bayad yung mga ininom nila pati na rin yung sa grupo ni Karylle sya pa rin ang nagbayad.
"Humanda ka sa kin Lukring! Pagbabayaran mo ng mahal tong pagpapahirap mo sa kin!" Pagbabanta ni Vice.
Minabuti na lang nyang dalhin sa bahay nila si "Karylle imbis na sa hotel nila. Baka naman mapag usapan pa sya.
Hirap na hirap si Vice sa pag akay kay Karylle. Minabuti na nalang nito na sa guest room dalhin si Karylle. Pabagsak nyang pinahiga ng kama si K. Hinilot nya ang braso dahil ngalay na ngalay sya sa pag alalay dito.
"Bukas ako naman ang magpapahirap sa'yo!" Pagbabanta ni Vice. Lalabas na sana si Vice ng kwarto nang biglang narinig nyang magsalita si Karylle.
"I hate you! I hate you Thyrone! How can you do this to me?" Mahina lang ang boses ni K.
"What a name?" Kunot noong sabi ni Vice. Nakita nya ang mga luhang tumulo mula sa mata ni Karylle habang nakapikit ito.
Napalitan naman ng awa ang kaninang nadarama nyang bwisit sa dalaga. Lumapit sya dito at umupo sa tabi nito habang hinahaplos ang buhok nito. Nakakaramdam na rin sya ng antok kaya nahiga sya sa tabi ng dalaga nakatagilid sya paharap sa dalaga at patuloy pa rin sa paghaplos ng buhok nito.
"Parang nakita ko na talaga ang babaeng 'to eh.!" Sabi ni Vice sa sarili at napapikit na sya dala ng antok.
Hindi pa nagtatagal ang pag pikit nya nang maramdaman na may humahalik sa labi nya. Malumanay ang mga halik na yun parang halik ng pagmamahal.
Bigla syang dumilat nang maalala nyang may katabi syang babae. Kumalas sya sa pagkakahalik at tangkang tatayo ngunit hindi nya nagawa, nakapulupot na pala ang kamay nito sa leeg nya at mas lalo pang humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya.
"Jeskelerd! Ano ba? Wag naman po ganito!" Parang maiiyak na si Vice. May kakaiba syang nararamdaman at bago ito sa kanya. Idinantay pa ni Karylle ang paa nito kay Vice sa parte kung saan nahihimlay si junjunn.
"No! Hindi pwede 'to. Ayoko! Magkakasala ako sa sangkabaklaan!" Pilit kumakawala si Vice. "Junjun bakit nabuhay ka? Jose Marie please lang wag kang sumanib sa kin!"pilit nilalabanan ni Vice ang nararamdaman. Muli syang hinalikan ni Karylle kahit nananatili itong nakapikit. Sa pagkakataong ito hindi na sya nagpumiglas hindi na nilabanan ang kakaibang pakiramdam. Dahil aminin man nya o hindi gusto nya ang nararamdaman ngayon. Tinutugunan na rin nya ang mga halik ng dalaga at tuluyan nang nagpatangay sa nararamdaman.
(End of flashback)
To be continued....
Hala anyare? Ano na nganga na lang walang react? Comment kayo kung gusto nyo ng details ng SPG nila.
Vote na!
☆mamylheng ☆
☆ViceRylle babies ☆♞♞♞♞♘♘♘♘♘

BINABASA MO ANG
MAHAL KONG KARIBAL (ViceRylle)
RomanceSi vice out and proud gay nag iisang anak ng isang multi milyonaryong negosyante. Lahat ng gustuhin nya nakukuha nya.. si Karylle babaeng sobra kung magmahal na halos lahat ay kaya nyang ibigay.. Paanong paglalaruan ng tadhana ang kanilang kapalaran?