CLINGY CLINGY

223 11 5
                                    



"Do what I want you to do!" Mariing sabi ni Karylle.



Napalunok sa Vice sa sinabi ni Karylle. "As in lahat-lahat ng gusto mo?" Tanong ni Vice na niyakap ang sarili na animo'y may gagawing di maganda si Karylle sa kanya.





Agad namang na-gets ni Karylle ang ibig ipahiwatig ni Vice kaya kumuha ito ng unan at ibinato kay Vice.



"Hindi ganyan ang ibig kong sabihin. Haliparot kang bakla ka!" Sabi nito na lumapit pa kay Vice upang sabunutan ito.



"Aray, aray K nagbibiro lang naman ako!" Awat ni Vice kay Karylle habang hawak ang kamay ni K na nakasabunot sa kanyang buhok.



Binitiwan naman ni Karylle ng buhok ni Vice at nagcross arm ito. "Uuwi na ko." Mataray na sabi ni Karylle.



"Naku wag na madaling araw na dito ka na matulog." Sabi ni Vice na pinagpag pa ng kamay ang kama.



"Pahiram ng damit magpapalit na ako." Walang emosyong sbi ni Karylle. Dali-dali namang pumunta si Vice sa closet nya upang kumuha ng pajama na susuotin ni Karylle. Hello Kitty ang kinuha nyang design ng pajama na kulay pink at iniabot ito sa dalaga. Napangiti ang dalaga pagkaabot sa pajama dahil paboritong nito ang Hello kitty. Pumasok na ito sa CR ng kwarto ni Vice upang magpalit ng pantulog.


"Bakit pareho tayo ng sukat ng pajama?" Takang tanong ni Karylle habang tinitingnan ang pajamang saktong-sakto sa kanyang katawan.



"Ah eh... Tumaba ka lang kasi nga buntis ka tingnan mo nga yang tyan mo nakaumbok na." Sabi ni Vice na nginuso pa ang tyan ni Karylle. Lingid sa kaalaman ng dalaga ay sinadya talaga ni Vice na mamili ng mga damit ni Karylle upang magamit nito sakaling sa mansyon ito magpalipas ng magdamag.



Lumapit na sa kama si Karylle upang mahiga. Umurong naman ng bahagya ang nakahigang si Vice upang bigyan ng space si Karylle.



"Tayo!" Maawtoridad na utos ni Karylle kay Vice.



"Ha?" Takang tanong ni Vice na tumayo rin naman.



"Dun ka sa guest room." Utos ng dalaga kay Vice.



"Teka kwarto ko 'to ah." Protesta ng kakamot kamot ng ulo na si Vice.



"What is the rule?" Nakataas ang kilay na tanong ni Karylle.



"Okay fine!" Medyo inis na sagot ni Vice. Tumalikod na ito at lumakad na papuntang pinto. Palabas na ng pinto si Vice nang biglang....

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 06, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MAHAL KONG KARIBAL (ViceRylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon